Chapter 17

12 1 0
                                    


"Hoy Jisoo Kim! Nagawa mo ba yung pinapagawa ko sayo?"

"Ito naman aga aga badtrip, wala ka kasing jowa e. Oo nagawa ko na, binigay ko na sa secretary mo."

"Ok good" iniwan ko na ito dahil pupunta pa ako sa may site. "hoy saan ka pupunta." Habol pa nito.

Nandito ako sa site na gagawing restaurant ni tito. "oh hija, andito ka pala." Bati niya saakin

"Opo, tito pag natapos na po itong restaurant niyo ako unang customer ha." Natawa naman ito sa sinabi ko. "oo naman syempre, libre kapa non! Oh, Andrea nandito ka na pala."

Napatingin ako sa gawi nito, tadhana na talaga ang nag lalapit saamin. Ngumiti ito saakin at binati ang papa niya.

Nag excuse muna ako sa kanila dahil may titignan muna ako sa loob. Gagawin ko ang lahat para makaiwas lang sayo.

"Uy, Kei! Tawag nito sakin."

"Oh, ikaw pala wala kabang work? Tanong ko rito"

"Day off ko ngayon, kumain kana ba? Tara kain tayo."

"E ano ka-" hindi ko na natuloy ang sasabihi ko dahil hinila ako nito sa may parking lot.

"Dito nalang ako sa kotse ko, sundan nalang kita." Umiling iling pa ito saakin "Mauna ka sakin baka takbuhan moko e send ko sayo yung address."

"Hindi naman ako tatakas e." pinapasok nalang ako nito sa kotse ko at nilagay ang address.

"Wag kang tatakas, gaya ng ginawa mo dati" ngumiti ito saakin at sumakay na sa sasakyan niya.

Familiar saakin itong lugar na ito. "Hindi ba yung pinupuntahan natin dati ito?" tanong ko rito.

"Eto yung tapahan na pinupuntahan natin dati, lumaki ng lumaki at yun ginawa ng restau. Pag pumupunta ako dito lagi kang tinatanong ni Aling Marites saakin." Natawa nalang ako dahil ang tagal na panahon na simula nung pumunta ako dito.

Pumasok kami sa loob at ang ganda dito, parang dati lang simpleng tapahan lang ito at ngayon restaurant na ito.

"Goodmorning po ma'am, ma'am Andrea." Bati ng isang babae

"Bat kilala ka non?" tanong ko kay Andrea "Regular customer ako dito, kaya kilala ako ng mga tao dito."

"Nandyan ba si Aling Marites?" tanong niya sa babae. "Opo, sandal tawagin ko lang po! Upo muna kayo diyan ma'am"

Namamangha parin ako paano napalaki ng ganito ni Aling Marites? Nakakamiss tuloy ang mga araw pag kumakain kami dito amoy usok kami pag papasok dahil sa mga sasakyan.

"Hoy, nakikinig kaba saakin?" bigla akong bumalik sa katinuaan. "Ay ano yon? Nag day dream ata ako" tumawa naman ito.

"Oh, Andrea nandito ka na pala sino tong magandang kasama mo?" tanong niya.

"Aling Marites ako to si Kei, yung maganda mong customer!" nagulat ito ng sinabi ko ang aking pangalan.

"Oh hija, kamusta London? Kalian ka bumalik laki ng pinag bago mo ha." Nag mano ako dito dahil para ko na din siyang lola. "Gumanda ba lalo?"

Nag kwnetuhan at nag kamustahan muna kami dahil namiss naming isat isa ng biglang dumating ang aming mga pagkain.

"Kain na kayo, tikman mo ang tapahan dito sa restaurant ko hija! Baka namimiss mo na yung favorite mong tapsilog."

Pagtapos naming kumain ay sinabi kong babalik na ako ng office dahil marami pa akong ginagawa.

"Ingat ka ha" sabi nito. "ingat ka din." Nginitan ko ito at umalis na.

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon