Uwian na kaya sinundo ko na si Andrea sa room niya may mga bagay pa kami na dapat gawin.
"Love, tara mag tusok tusok tayo tapos isaw may alam akong nag bebenta dyan malapit sa school natin."
Lumabas na kami ng school at pinuntahan ang tusok tusok na malapit lang dito sa school namin.
"Pabili nga po ng Betamax, tapos yung bituka. Ikaw love ano sayo?" tinuro niya yung bituka ng baboy at yung Betamax tuwang tuwa ito dahil nakuha niya ang gusto niya.
Kahit ang yaman mo ay simple lang ang mga gusto mo, kaya kita nagustuhan dahil sa ugali mo.
Katapos naming mag isaw ay nag tusok tusok naman kami, bumili din kami ng milktea katapos namin don.
To do list (Food trip)
· Isaw - done
· Tusok tusok - done
Umuwi na kami katapos naming kumain, nandito na kami sa tapat ng condo nila. Pero bago pa siya nakababa
"Wala ba akong kiss?" tanong ko rito.
Hinalikan ako nito sa labi pero mabilisan lang pero puno ng pagmamahal.
"I love you" bulong nito sakin
"Ingat ka love, I love you."
Halos kakauwi ko lang ng bahay pero biglang tumawag si mommy.
"Hello mommy"
"Kumain kana ba?" tanong nito.
Medyo tumagal ang usapan namin ni mommy at nag paalam nako dito dahil may gagawin pa akong mga plates at mag rereview para sa major exam bukas.
"Love, gusto mo ba katapos ng major exam ko Intramuros tayo? Maganda ang Intramuros pag gabi"
Tumango ito dahil sa sobrang tuwa. "yiee, sure love maaga naman uwian ko ngayon e kaya g ako! Thank you"
Pumasok na kami sa kanya kanya naming subjects.
Lumipas ang maghapon at natapos na rin ang major exam namin. Pupuntahan ko na si Andrea para makaalis na kami.
"Teka nga lang nag mamadali kaba?" sigaw ni Seul.
"Oo, kaya mag tabi tabi ka sa daanan ko may date pako, pag Nakita ko Irene sabihin ko balikan kana at mag date din kayo."
Nilayasan ko na ang dalawa at pinuntahan na si Andrea, kasama nito sila Rosie at Irene.
"Hi Kei" bati ng dalawa, binati ko naman ito pabalik.
Kinuha ko ang mga gamit ni Andrea at bago kami umalis may pahabol akong sinabi kay Irene.
"Rene, balikan mona kaibigan namin masyadong broken e araw araw nalang nagyayaya uminom masira bituka naming dahil sakanya e."
Andrea Pov
Hindi ko alam bigla nalang nag tanong itong si Manoban kung ano ang mga gusto ko gawin, at sinabi ko naman ang mga ito.
Ang swerte ko dahil ginagawa naman naming yung mga gusto kong kainin at puntahan na lugar. Medyo random pero masaya ako dahil nakakasama ko ito at masaya ako dahil masaya siya.
Nabalik ako sa sarili ko ng tinawag ako nito.
"Andrea Denise Kim, layo ng iniisip mo ha"
Tinawanan ko ito. "Hindi ha, excited lang kasi ako syempre dream place ko yun alam mo ba love bata palang ako gusto ko na pumunta don atska ang lakas kasi maka sina unang panahon e."
BINABASA MO ANG
Paubaya
Fanfiction"pwedeng mag aral ka naman dito diba bakit sa abroad pa?" "iiwan mo nako? akala ko ba mahal moko? bakit moko iiwan?" Chelsey Keith came home, para ipag laban ang taong mahal niya. Ngunit sa kanyang pag babalik ang taong pinapangarap niya ay ikakasal...