Chapter 12

13 1 0
                                    

"Hoy gising na dyan may flight pa tayo" ang aga aga palang e 3 palang ng umaga tapos ng gigising na to.

"Ano ba oras yung flight?"

"5:00, bangon ka na dyan tapos ang bagal bagal mo kumilos"

Ako mabagal kumilos e siya nga mabagal kumilos saming dalawa e. Kung mag aayos isang oras bago matapos

"Aga aga, napakadami mong energy. Inaantok pako pwede tulog muna kahit idlip lang" reklamo ko.

"Hindi manahimik ka tapos matutulog ka lang ulit, wala tumayo kana dyan mag luto ka ng breakfast natin" ang alam ko kasi provided ng hotel yon tapos pinag luluto ako nito ganon ba siya ka excited para don.

"Masakit ulo ko love, pwede sleep muna ako ng konti." Umiling iling ito kaya wala na akong nagawa kung hindi sundin ang inuutos nito.

"Love maaga pa naman pwede mag cod muna?" binato ako nito ng unan "Kung anoa no gusto mo gawin sa buhay maligo kana nga don kit among oras na."

"Sabay tayo? Dalina para tipid sa tubig atska para hindi masyadong hassle sa oras" tinulak ko ito papuntang banyo kaya wala na siyang nagawa kung hindi maligo nalang.

"Manoban oras na oh. Tapos flight natin 5:30" reklamo nito sakin sabay pamweang pa.

"Wag ka nga tinignan ko schedule natin 6:30 palang no ginising mo lang talaga ako ng maaga para makasabay mong maligo naku naku ikaw ha."

Katapos ng Cebu, La Union naman pagod na pagod nako sa pinang gagawa namin ito pero sulit naman dahil kasama ko siya at masaya siya.

"Love, gawa nalang tayo ng apo dito sa La Union para makapag pahinga tayo, tapos susyal diba gumawa lang ng bata sa La Union pa."

"E kung sipain kita para manahimik ka." Apaka sama naman ng ugali nito gusto ko lang naman mabigyan ng apo yung parents ko tapos bat moko ginaganito.

"Saan mo ba gusto pumunta dito sa La union?" tanong ko rito, sabi niya kasi siya na daw bahala kung saan kami pupunta.

"Sakanya, pero bago yon bili muna tayo grocery tapos basta bili tayo makakain."

Sakanya? Sino yon? Pumunta ka La Union para sakanya? Sino yon.

Hindi na ako nag abala mag tanong pa kaya tinulungan ko nalang itong. Mamili ng grocery ano may balak ba tong tumira dito sa La Union kung tutuusin pang 2 months na supply na to e.

"Saan tayo pupunta?" curious na tanong ko rito.

"Dun sa taong nag alaga sakin" sagot nito. "Sino?"

"Mula bata ako siya nag aalaga sakin mas close pa nga kami kesa sa parents ko, ngayon lang kami naging close ng parents ko. Kaso kailangan niyang umalis dahil sa apo niya wala kasing mag aalaga e. Mahirap man syempre kailangan, basta malalaman mo din love pag nandun na tayo." Ngumiti naman ito, pero yung ngiti niya may lungkot.

So pumunta kami dito para bisitahin yung nag aalaga sakanya non? Yun ang dahilan kaya kami pumunta dito? Hindi dahil gusto niya gumala, kung hindi dahil sa yaya niya.

"Diyan nalang po manong"

"Pano mo nalaman ang bahay nila?" tanong ko.

"Tinawagan ko si nanay kahapon tinanong ko sakanya sabi ko kasi pupunta tayo La Union atska sabi ko kung pwede bisitahin ko siya kasi miss na miss ko na siya." Napaka soft naman talaga ng jowa ko.

"Oh, hija nandito na pala kayo. Oh, sino tong magandang kasama mo?" tanong ng yaya nito, maganda daw ako nuks.

"Ah si Kei po jowa ko nay" pagpapakilala nito.

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon