Chapter 7

13 2 0
                                    

Buti nalang at matatapos na ang exam bukas para tamang gala nalang, pagod na pagod na ang aking brain cells.

"Tara na love? Dun na tayo mag lunch dikapa ba gutom? Sobrang sakit ng ulo ko."

"Bakit napano ka? Ok ka lang ba? Uwi nalang kaya tayo para makapag pahinga kana rin." Nag aalalang sabi nito.

"Hindi love ok lang ako, sumakit lang ulo ko dahil dun sa last exam ang hirap sobra parang yung utak ko sasabog na sa sobrang hirap."

Tawa ito ng tawa. "bakit? Ano nakakatawa don, ang hirap naman talaga kasi e"

"Wala ang cute mo kasi, tara nagugutom nako."

Nag kotse na kami kahit malapit lang ito sa school naming para pagkatapos daretso uwi na. Para makapag pahinga na rin kami.

"Oh, nandito pala yung mga suki ko, bat madalang nalang kayo pumupunta dito? Akala ko nga nag hiwalay na kayo e kasi madalang nalang kayo pumunta dito."

"Hindi po, hindi po mangyayari yon. Naging busy lang po kasi sa studies kasi po nag eexam kaya po madalang nalang po kami nakakapunta."

Umupo na kami sa upuan namin, at napag usapan namin ang tungkol sa pag punta sa Baguio.

"Alam mo ba love, nung una ayaw pumayag ni Irene kasi sabi ko kasama si Seul tapos wala siyang nagawa kasi pinilit naming siya ni Rosie kaya ayun napapayag naming siya."

"Tayo na gumawa ng paraan kesa sa pag hintayin pa natin si tadhana na gumawa ng paraan para mag balikan yung dalawa. Mahal naman nila isat isa e pabebe lang sila."

May sasabihin pa sana ito kaso bigla ng dumating ang pagkain namin kaya kumain na kami.

To do list (Food trip)

· Kumain sa tapsilogan ni Aling Lucing

Unti unti ng natatapos ang mga gusto mong gawin kasama ako love.

Kinuhanan ko ito ng picture habang kumakain buti hindi nagalit ito dahil bago pa siya naka pag reklamo inunahan ko na siya.

"Lalagay ko dun sa album ko, memories to love kaya wag kana mag reklamo."

"Nakaayos na ba lahat ng mga gamit niyo? Dala mob a passport mo love?" tanong ko rito.

"Oo, para saan yung passport? Kailangan ba ng passport sa Baguio? Kalian pa?" natawa nalang ako sa sinabi niya, sabi ko nalang na kailangan naming dalhin ang passport naming.

Nandito na ang lahat nakaayos na ang mga gamit namin sa van, hindi ako mag da drive ngayon dahil gusto ko muna eenjoy ang 2 days' vacation namin sa Baguio.

"Malaki ba bahay ng Tita mo Kei?" sabi ni Rosie.

"Oo, siya lang mag isa don atska yung dalawang katulong pero alam ko umuuwi din mga katulong niya pag gabi. Wala din kasi siyang asawa kaya ganon e."

"Siya lang mag isa? Wala ba siyang asawa bakit siya lang mag isa?" tanong ni Seul.

"Hindi nako mag tataka kung bakit iniwan ka ni Rene dahil sa kakitid ng utak mo."

Medyo matagal din ang byahe dahil Manila to Baguio. Si Jisoo at Rosie nag lalandian don sad ulo, itong kasama ko tulog tapos yung dalawa na si Irene at Seulgi ay hindi naman nag uusap.

Nandito na kami sa bahay ni tita, si Jisoo ay nag mamadaling lumabas dahil na ihi na daw siya. Sinalubong naman kami ni tita na abot langit ang kanyang mga ngiti.

"Oh, Kei kamust kana? Ang gaganda ng mga kasama mo ha." Bati saamin ni tita.

"Eto po si Irene, Seulgi, Rosie yung nag mamadaling pumasok po si Jisoo tapos si Andrea po jowa ko."

"Naku napakaganda naman talaga ng mo hija, magaling ka talaga pumili pag dating sa babae. Tara dito pasok kayo sa bahay ko."

Pumasok na silang lahat at nag pahuli kaming pumasok ni Andrea dahil kinuha ko pa ang mga gamit naming at kinalabit ako nito.

"Ano sinasabi ng tita mo magaling pumili sa mga babae? Sguro madami kana pinakilala sakanya no? Ikaw kaharutan mo ha" tinawanan ko lang ito at tinignan ako ng masama.

Ito ang first day naming ngayon, maaga pa naman kaya marami pa kaming mapupuntahan. Pag gabi ay maganda din ang tanawin dito dahil makikita mo ang mga ilaw mula sa mga bahay bahay.

"So saan tayo unang pupunta?" masayang sabi ni Jisoo.

"Una natin pupuntahan yung diplomat hotel tapos itatapon natin don sila Irene atska Seulgi pag hanggat hindi sila nag babalikan hindi natin sila babalikan don."

"Tangina mo, with heart" sabi ni Seulgi.

"Pero eto, katapos natin tinapon sila Seulgi sa diplomat hotel iiwan natin sila don at may list ako na pwede natin puntahan sa loob ng 3 days sguro sapat na yon sa loob ng 3 days no?"

Baguio Trip

· Burnham park

· Mines view park

· Strawberry farm

· Tam-awan village

· The mansion

· Botanical garden

· Baguio night market

· Baguio cathedral

"So katapos natin itapon sila Seulgi sa Diplomat hotel punta na tayo sa mga yan?" tanong ni Jisoo.

"Hindi katapos natin itapon sila Rene kayo naman ni Rosie itatapon ko, kung sino sainyong apat ang makauwi ng buhay sa bahay ni tita sa loob ng dalawang araw na bakasyon natin ibibili ko ng kotse."

"Tangina mo, sayo na kotse mo! Mahal ko pa buhay magiging Architect pako gusto ko pa makasal tangina mo ka." Tawang tawa ako sa sinabi ni Seulgi dahil alam ko pinapatay na niya ako sa kaniyang isipan. Pasalamat nga siya gumaagawa kami ng paraan para mag balikan sila ni Irene e.

"Manoban tigilan mo na namumutla na si Seul sa takot." Pang aasar ni Andrea

"Mag jowa nga kayo." Sabi naman ni Rosie.

Nag ayos muna kami ng mga gamit at nag dala ng mga pagkain dahil sabi ko mag picnic nalang kami sa Burnham park.

Nag punta na kami sa Burnham park at ang mga kasama ko ay busy sa pag pipicture at kita mo naman na masaya talaga sila. Bigla akong nilapitan ni Seul at binulungan.

"Salamat ha tol, hulog ka talaga ng langit kahit ganyan ugali mo minsan. Alam ko ginagawa mo to para mapasaya kami lalo na siya, sana wag siya masaktan pag umalis kana."

"Iingatan niyo naman siya para sakin diba?"

Hindi na to nag salita at sabi tulungan niya nakong maglatag para sa picnic naming. Alam ko naman kahit dimo sabihin na oo at iingatan niyo parin siya para sakin e mahal ko kayo kahit napakasama ng ugali niyo.

"Hoy halina kayo dito mamaya na yung picture kain muna tayo."

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon