Chapter 14

9 1 0
                                    


"Kauwi natin Batanes ilang weeks lang tapos aalis kana?" tanong ni Jisoo at halatang malungkot ito.

Last day na naming dito sa Batanes at nandito kami sa may beach kaming tatlo lang nila Seul ang nandito sa may tabing dagat at nag kukwentuhan.

"Oo, wag na kayo malungkot mga bobo kayo baka di pa ako makaalis dahil sainyo."

"Pwedeng hindi ka naman umalis e, kahit dito ka nalang mag aral bakit dun pa e pwede naman dito sama sama tayo. Ayaw mo non sabay sabay tayo mag graduate." Kahit loko loko si Seul makikita mo talaga na seryoso siya sa pagkasabi nito.

"Ayaw mo bang ihatid ka namin? Kahit yun nalang ma hatid ka namin" umiling iling ako sa suggestion ni Jisoo. "Wag na puntahan niyo nalang siya non alam kong masasaktan siya ng sobra non kaya please siya nalang puntahan niyo wag na ako ha."

To do list (Travel)

· Batanes -done

Andrea POV

1-week na simula nung nag Batanes kami at araw araw laging nandito si Kei saamin, miss niya na daw ako kahit kakakita pa lang naming kahapon.

"Love may ibibigay ako sayo."

"Ano yun?" tanong nito tapos nakataas pa kilay nito, pumunta muna akong kwarto para kunin ang binili ko sakanyang regalo nung nag Batanes kami.

"Talikod ka dali" tumalikod naman ito, kaya sinuot ko sakanya ang necklace na binili ko para sakanya.

"Love? Ano to, bakit moko binibigyan nito?" tanong nito.

"Ayaw mo ba? Osige tangalin mo na akin na bibigay ko nalang kay Rene"

"Hoy hindi ha syempre nagustuhan ko thank you love" niyakap ako nito at hinalikan sa mga labi.

Bigla nalang ako nakaradam ng mga basa habang mag ka dikit ang mga labi namin.

"Bakit ka umiiyak love? Tama na wag kana umiyak" pinunasan ko ang mga luha nito. "wala masaya lang ako, mahal na mahal kita love, mahal na mahal" sabay yakap sakin

Napaka baby talaga. Mahal na mahal din kita sobra...

"Seul, bantayan niyo muna kaibigan niyo ha. Wag niyo muna papupuntahin dito nag aayos pa kasi kami ha" sabi ko kay Seul sa kabilang linya.

"Hindi naman pupunta yon kahit anong mangyari." Sabi ni Seul "Ano?"

"Wala, sige kami na bahala sakanya."

Anniversary naming ngayon, at sa lahat ng anniversary naming hindi kami masyadong nag cecelebrate dahil mas gusto niya na simple lang daw kaya kumakain nalang kami sa labas para icelebrate yon.

Nandito ngayon sila Irene at Rosie dahil nag patulong ako sakanila para mag ayos para sa surprise ko kay Kei mamaya. Sa sobrang excited ko hindi na ako mapakali kaka tingin sa oras.

Bakit ako kinakabahan ng ganito, hindi ko alam ang mararamdaman ko kinakabahan ako na masaya hindi ko maiintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

"Andrea, kain muna tayo dito maya maya pa naman darating mga yon atska sila Seulgi na ang bahala kay Kei kain muna tayo oh." Pagyaya ni Irene saakin.

Kumain muna kami at nag kwentuhan sandali at bumalik na sa kani kaniya naming trabaho. Ng matapos na kami mag decorate nag paalam muna ako sakanila na maliligo muna, at uuwi muna din daw ang mga ito para mag ayos at maligo.

4 na ng hapon at nag hihintay nalang ako ng mag 6 para ma magawa ko na ang surprise ko sakanya. Naiisip ko na ang reaksyon niya panigurado magagalit ito dahil ayaw niya ng ganito, pero wala na siyang magagawa dahil nandito na.

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon