Chapter 10

14 2 0
                                    


Sobrang busy week ngayon, buti nalang talaga tapos nako sa mga plates ko at ngayon itong painting naman ang tinatapos ko.

"Dikapa bat apos dyan sa pinipaint mo? Tara inuman." pang dedemonyo ni Jisoo.

"Patapos na, sino broken sainyong dalawa? Marami akong ginagawa pass muna"

"Ikaw broken tol, tara na Manoban inuman na tayo pinag paalam naman kita pumayag naman." Pagyaya naman ni Seul

"Sige tapusin ko nalang to, palibhasa kasi wala kayong mga ginagawa e kasalanan niyo to e dapat wala naman talaga ako dito. Kayo na nga mag tuloy dito."

"Osige saan tuloy namin ni Seul para maka inom na tayo."

Nandito na kami sa bar kung saan lagi naming pinupuntahan ayaw ko n asana pumunta dahil marami akong ginagawa pero alam ko naman hindi ito titigil sa kakakulit.

"Inom pa tayo dali, waiter isang Bacardi tapos black label. Ano pa gusto niyo?" tanong ni Seulgi

"Dinaig mo pa broken tangina ka, san mig nalang sakin isa." Tumango yung waiter kabalik nito dala dala inorder ni Seul.

"Tangina nito, lasing nako Seul ikaw na umubos niyan." Sabi ni Jisoo

"Hindi ako pwede uminom ng marami uuwi ko pa kayo."

Kawawa kami dito kay Seul kahit anong gawin naming ayaw tumigil sa kakainom tatawagin ko na sana si Iren ng biglang umiyak ito.

"Tangina mo Manoban! Bakit kasi ikaw pa, kaya mo ba ginagawa to kasi iiwan mo na kami? Kaya lagi kang nanlilibre samin dahil iiwan mo na kami? Walang hiya ka."

Tinitigan ako ni Jisoo, dahil wala siyang kalam alam sa ng yayari kay Seul ko lang ito sinabi. "I will explain, pag ok na lahat hindi sa ganitong sitwasyon promise."

"Tangina, ano ba ng yayari? Kalian mo sasabihin? Pag wala kana? Kalian yung tamang oras na yon ha!? Tangina Manoban panigurado hindi din alam ni Andrea ito, mamili ka sasabihin mo saakin ang mga sinabi ni Seul o sasabihin ko kay Andrea ang lahat ng narinig ko?" galit na sabi ni Jisoo.

Nag makaawa ako na wag itong sabihin kay Andrea, inexplain ko sakanya ang lahat ng una hindi siya makapaniwala sa sinabi ko pero unti unti biglang nag sink in sakanya ang lahat at umiyak na ito.

Maya maya pa ay dumating na ang mga jowa namin "Seulgi, jusko naman bat ka nag iinom daig mo pa broken hearted" nag aalang sabi ni Irene

Tinignan ko si Jisoo at nag senyasan kami na wag na muna sabihin kay Andrea ang lahat.

"Ok ka lang love?" tanong ni Andrea.

"Hindi naman ako uminom. Si Irene uuwi na daw si Seul hatid na natin sila Rosie atska Jisoo"

"Sure, ka kaya mo mag drive?" Nag aalang tanong nito. Tumango naman ako at hinatid na naming sila Rosie sakanila.

Habang nag da drive ako papuntang condo, wala ni isa saamin ang nag balak na mag salita. Tahimik lang habang nasa byahe kami.

"Sa condo ka na matulog" biglang basag ni Andrea sa katahimikan.

"Hmm?"

"Dito ko na sa condo matulog kesa umuwi kapa ma accidente kapa o mapano kapa sa daan dito ka nalang sa condo matulog."

Para akong batang binili ng bagong laruan sa sobrang saya.

Naligo muna ako at nag patuyo ng buhok, dahil nakainom din ako ng konti. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Goodmorning, ang sakit ng ulo ko kaso beri light lang" sabi ko.

"Ayan inom kapa ha, may gamut dyan tapos kain na tayo don nag luto ako."

Hindi naman talaga ako dapat iinom e busit kasi si Seulgi walwalera. Sa susunod hindi nako sasama sakanila

"Napaka sweet naman ng asawa ko, tara gala tayo punta tayo kung saan mo man gusto treat ko."

"Asawa, mukha mo saan na naman tayo pupunta? Akala ko sa Christmas break dun tayo punta Cebu? bat humihirit kana naman ha, pabilhasa napaka yaman kaya hindi alam kung saan dadalhin yung pera."

Gusto ko lang naman makita kang masaya e, kasi pag masaya ka parang nakakalimutan ko na lahat ng mga problema ko. Kaya lahat ng ginagawa ko para sayo lahat ng to

"Bored lang ako dito sa condo gusto ko gumala, okaya ice cream nalang tayo?" natuwa naman ito sa suggestion ko kaya katapos namin kumain nag bihis na kami at nag punta sa may mall para mag ice cream.

"Gusto ko banana split, tapos yun din yung kulay pink pagkatapos natin dito sa DQ naman tayo" umiling ako kaya nag papacute na ito ngayon dahil ayaw kong pag bigyan.

"Ayoko, ayaw mo nga akong pagbigyan e kahit isang beses lang kaya no. Walang mag DQ" tinignan ako nito ng masama, ang dami daw tao tapos kung ano ano pinag sasabi ko.

Malapit na ang Christmas break at marami na din requirements ang dapat ipass bago ka makakapag Christmas break. Kaya cinomplete ko na lahat ng mga requirements na dapat ipass at ready to bakasyon nalang ako.

"Hoy mga tukmol complete naba lahat kayo? Ng makapag bakasyon na tayo" sabi ni Jisoo parang lagging may kaaway sa lakas ng boses.

"Ako tapos nako diko alam sa isa dyan pangalan niya ata Seulgi."

"Napaka judgemental mo Manoban, tapos na kaya ako sa mga requirements na dapat ipass."

Christmas break na kaya kailangan kong umuwi ng Pampanga, wala din naman akong gagawin dito sa manila kaya uuwi nako ng Pampanga at isa pa mag isa lang ako dito. Nauna ng umuwi si Andrea sa Pampanga dahil sinundo daw siya ng parents niya kaya ako nalang mag isa ang uuwi.

"Kamusta na po manang? Parang pumayat po kayo ha" bati ko sa kasamabahay namin.

"Ok lang naman anak. Ikaw nga dyan ang pumayat e kumakain kapaba don sa manila? Nandyan sila tito Allan mo sa loob."

"Kasama po nila si Andeng?"

Dali dali akong pumasok sa loob at tama nandun nga sila tito Allan. "daddy, imissyou" sabi ko sabay kiss sa cheeks nito.

"Oh hija, parang tumangkad ka lalo kamusta na?" sabi ni tito

"Ok lang po tito. Tito, tita pag paalam ko lang po sana na kung pwede ngayon pong Christmas break e mag travel po kami ni Andeng babalik ko din naman po siya bago Christmas." Kakadating ko palang e aalis na naman.

"Sige anak, basta mag iingat kayo ha. Saan ba kayo pupunta?" tanong naman ni tita

"Cebu po atska La Union dun daw po kasi gustong puntahan ni Andeng ngayon pong Christmas break"

Dito na nag dinner sila Andrea at nag kwentuhan pa bago non. Late na din ng gabi kaya nag paalam na sila na uuwi na daw sila.

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon