EARTHION(ANG BAGONG SANSINUKOB) 3
HUMANS HAD THIER TURN
"Bakit?"rinig kong tanong ni Kevin.
Hindi ko kayang sumagot. Nanginginig ang kamay ko at hindi ko makayang tingnan sila. Hindi ko talaga kaya. Patuloy pa rin ang pagkabog ng dibdib ko habang nakayuko sa sketchbook na hawak ko. Tumutulo na sa papel nito ang luha ko.
Paano kung ako nga? Paano?
Hindi ako sigurado, pero malakas ang pakiramdam kong tama ang nasa isip ko. Hindi ko alam! Sana hindi ako. Pero iyon lang ang nakikita kong dahilan.
Nanginginig ang kamay kong iniabot sa kanila ang sketchbook. Ngunit hindi ko sila tiningnan. Ayaw kong makita nila akong umiiyak. Kinakabahan ako, sa mga mangyayari, sa reaksyon nila, at sa lahat ng naganap.
Hindi biro ang lahat ng nangyari. Maraming malalamig na bangkay ang nagkalat sa labas. Maraming halimaw ang nag-aabang para umatake sa kung sino mang makita nilang buhay. Hindi ko alam kung ayaw lang nila sa mga tao, kung gusto lang ba nila kaming saktan, o gusto nila kaming kainin. Alin man doon ang dahilan, pakiramdam ko ako pa rin ang may kasalanan.
Tanging kaba lang ang nararamdaman ko. Inintay ko lang ang sasabihin nila.
"Vilo? Kamukhang-kamukha ng mga halimaw sa labas." Sambit ni Kevin ng makita ang sketch.
Ramdam kong lahat sila ay tumingin sa 'kin. Nanginginig parin ang kamay kong pinunasan ang luhang pumapatak mula sa mata ko. Iniangat ko ang ulo ko upang salubungin ang tingin nila.
"Pakiramdam ko, a-ako ang may kasalanan ng lahat." Tumutulo pa rin ang luha ko habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Kumunot ang mga noo nila dahil sa sinabi ko. Nagpabalik-balik ang tingin nila sa'kin at sa papel. Kita ko ang pagtataka sa mga ekspresyon ng mukha nila.
"Teka, sandali ha. Paanong ikaw? I mean, anong ibig mong sabihin na ikaw ang may kasalanan? Anong kasalanan?" Sunod-sunod na tanong ni Kevin.
"Y-yang sketch, ako ang may gawa."
Lalong kumunot ang mga noo nila. Para bang nagtatanong ang mga ito kung anong koneksyon niyon.
"Teka teka, anong ibig mong sabihin? Anong kinalaman ng sketch ng mga halimaw na 'to sa halimaw na kamukha nila sa labas?"
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko rin alam. Hindi ko talaga alam. Basta't iyon ang nararamdaman ko. Napakalakas ng pakiramdam ko tungkol dito.
"Ibig mo bang sabihin 'e, i-ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang gumawa sa kanila?" Tanong ni Nik.
Umiling ako.
"Hindi ko alam! Naguguluhan ako. Pero pakiramdam ko...pakiramdam ko p-parang ganoon na nga."
Nakikinig lang sila sa mga sinasabi ko.
"Kaninang umaga. Bago ako umalis ng bahay, ginawa ko ang sketch na 'yan." Ramadam ko pa rin ang malakas na kabog ng dibdib ko. "At 'yung libro ng l-lola ko na ipinagbabawal na hawakan ko, ginamit ko pa rin. Wala namang nangyari noong gamitin ko 'e. P-pero ang lakas ng pakiramdam ko."Pinunasan ko ang luha ko at humugot ng malalim na hininga. "Ginamit ko s'ya, at ang pangalan ng halimaw na 'yan ang binangit ko. Hindi ko alam kung anong kalaseng libro 'yun. Pero pakiramdam ko, 'yun ang dahilan kung bakit sila nandito. Kung bakit sila nabuhay. Dahil sa libro at sa mga salitang binasa ko." Nagbago ang ekspresyon ng mukha nila.
"H-hindi ba parang impossible naman yata 'yun? So...ano 'yun, spell?"tanong ni Kevin.
"Sa lahat ng nangyayari ngayon, wala nang imposible. Spell...hindi na rin imposible ang salitang 'yan."
BINABASA MO ANG
Earthion:Ang Bagong Sansinukob
Fantasy"Humans had their turn.Time will come, other creatures will rule the world. Unluckily...they're not humans."-Aice Hindi ko alam kung lahat ba tayo ay mabubuhay. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ang lahat ng 'to. At mas lalong hindi ko alam kun...