EARTHION (ANG BAGONG SANSINUKOB) 20UNTIL WE MEET AGAIN
Pang-apat araw at magpapang-apat na gabi na ngayon simula nang mawalan ng buhay si Ella.
Kasalukuyan naming inaayusan ang katawan niya.
"Parang natutulog ka lang 'no?" Bulong ni Trina sa walang buhay na katawan ng kaibigan.
Napangiti ako sa sinabi nito.
"Natutulog lang talaga s'ya, Trina. Kasama pa natin s'ya. Baka nga niyayakap ka pa n'ya ngayon 'e."
Agad nitong pinunasan ang nangingilid na luha.
Nagpaalam akong may kukuhanin sa kuwarto. As usual, naabutan ko doon si Gia at nagkukulong na naman. Bihira ko nang makitang kausap niya si Jake. Malamang sa malamang may tampuhan ang dalawa. Kinuha ko ang Camera sa aparador saka dumiretso sa kuwarto ng boys para silipin si Baby Owen.
Napangiti ako nang maabutan kong nag-a-art lesson ang mga ito. At take note, mukhang nakikinig sa kanila si baby Owen.
Si Josh at Aice lang ang wala sa kuwarto. Nasa baba rin kasi ang dalawa. Si Seya naman ay nasa kusina at nagluluto ng tanghalian.
Ewan ko ba sa dalawang 'yun. Basta palaging masama ang timpla ni Aice tuwing nasa malapit Josh.
Hindi ko pa rin naiiintindihan ang ibig sabihin ni Aice nang makausap ko s'ya sa guest room. Pero ginawa ko na lang ang sinabi n'ya.
May tiwala nga ako sa kanya, hindi ba?
Pagkababa ko ay umupo ulit ako sa tabi ni Trina at iniabot sa kanya ang Camera.
"Ang saya n'ya pa dito oh." Napangiti ito nang makitang nakangiti sa litrato ang kaibigan. "Ang cute talaga ng gummy smile n'ya."
"Yeah. Lahat kami, nahahawa kapag ngumingiti s'ya." Sumulyap ito sa mukha ng kaibigan. "Too bad I won't see that smile again. Buti na lang you have this camera, ate Aember."
"Regalo 'yan ng Mom ko sa'kin. Seventeenth birthday ko kasi three weeks ago. The day before all this started."
Ngumiti ito ng maluwag."Belated happy birthday. It's just sad na ganito pa 'yung nangyari after you're birthday."
May bigla akong na-realize nang sabihin niya iyon.
Oo nga.
All of this happened after my seventeenth birthday.
Ibig sabihin, tama nga si lola. All of this meant to happen.
"But you're still lucky, kasi may naiwan pa sa'yo 'yung Mom mo bago kayo magkahiwalay."
Hindi ko alam kung papaano ako sasagot sa sinabi nito kaya ibinaling ko na lang sa iba ang usapan.
"Pwede mo namang hiramin 'to anytime 'e. Kung gusto mo, sa'yo na muna 'to for few days." Tumango ito.
"Thanks, ate." Ngumiti lang ako bilang tugon.
Tinapos na namin ang pag-aayos kay Ella. Nabanggit daw kasi ni Ella noon na kapag namantay s'ya, ayaw niyang pangit siya sa burol at lalong lalo na sa libing. Nagalit pa daw si Trina nang sabihin iyon ng kaibigan. Pero ngayon, alam n'ya na raw kung bakit.
Sinuotan namin s'ya ng kulay puting bestida. Pinalibutan din namin ng mga bulaklak galing sa likod ng bakuran ang paligid ng hinihigaan n'ya. Mahilig daw kasi silang dalawa ni Trina sa wildflowers.
BINABASA MO ANG
Earthion:Ang Bagong Sansinukob
Fantasy"Humans had their turn.Time will come, other creatures will rule the world. Unluckily...they're not humans."-Aice Hindi ko alam kung lahat ba tayo ay mabubuhay. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ang lahat ng 'to. At mas lalong hindi ko alam kun...