EABS17- Pictures

20 3 0
                                    

EARTHION (ANG BAGONG SANSINUKOB) 17

Ipinapagpag ko ang librong may nakaukit na bituin sa pabalat. Ito ang librong hindi ko siguradong kung ibinigay ba sa akin ni lola Mia nang makarating ako sa Laya. Ang librong ako ang magpapatuloy na basahin.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto ni lola. Dalawang linggo na rin pala akong hindi nakapasok dito. Nawala na sa isip ko ang librong 'to, pati na ang Pureia tree at ang Laya.

Sa dami ng mga tao rito sa bahay, kahit wala kaming masyadong ginagawa, pakiramdam ko sobrang busy ko. Tulong tulong rin naman kami sa lahat ng gawaing bahay kaya mabilis lang matapos. Well, ako lang ang naglinis dito sa kuwarto ni lola pati na rin sa guest room. Simula kasi noong dumating na sina Sir Liandro, sa room na rin ni Mom natulog si Dominique. Hindi na natuloy ang organization ng rooms nang dumating ang iba rito sa bahay.

Aleast, hindi natuloy 'yung planong matutulog si Aice sa room ko. Lahat na kasi ng boys, sa room na ni Mom. No one's sleeping in the guest room. Doon namin inilagay ang mga stuck na pagkain para sa mga susunod na mga linggo at ang lahat ng ibang mga armas galing dito sa kuwarto ni lola. Ipinalipat ko kanina bago ako maglinis. Para kung sakaling kailangan pa namin ng ibang armas, pwede akong mangatwiran na koleksyon lamang namin ang mga 'yun para i-display sa guest room. Wala kasing nakakaalam na may kuwarto pa rito sa baba ng hagdan. Tinakipan ko ng kurtina ang gilid ng hagdan kung nasaan ang pinto. Mukhang wala rin namang nakapansin sa pinto dahil medyo makipot ang gilid ng hagdan.

I-imagine n'yo na lang kung paano kami pumapasok sa pintuan sa ilalim n'yan saka mapupunta sa malaking kuwarto. Medyo magulo isipin pero hindi. Kasi papasok naman ang kabig ng pinto kaya maluwag lang pumasok sa loob.

Inalis ko rin ang mat sa pintuan ng kuwarto at itinago ang susi sa sikretong bulsa ng kurtina na sinadya kong itahi bago ko ilagay ang kurtina. Sinadyaan ni lolang gawan ng kurtina ang gilid ng hagdan noon, pero isang beses n'ya lang rin naman nagamit.

Sinigurado ko rin na nasa bakuran ang lahat bago ako nagkabit. Medyo napapadalas na rin kasi ang paglabas namin hanggang sa bakuran matapos ang tatlong araw na pagmamasid na wala kaming nakikitang mga Vilo slash halimaw sa malapit. Naglalaro kami paminsan-minsan para maglibang. Sinisigurado lang namin na hindi kami gumgawa ng ingay. Nagpapalitan rin kami sa pagmamasid at pagbabantay para makasigurado.

Malaki ang pagtataka namin sa kalmadong paligid. Walang mga Vilo at tahimik lang ang buong paligid. Walang kahit anong sigawan o paggaspas. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko mas lalo akong kinakabahan. Nananatili na lang kami sa pag-iingat.

Hindi ko alam kung hanggang kailan namin maitatago ang lahat ng 'to. Malaki ang posibilidad na malaman nila ang tungkol sa kuwarto at sa lahat ng sikreto ko. Alam kong malalaman at malalaman nila ang tungkol dito. Dapat ihanda ko na ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari.

Sa ngayon, hindi muna nila puwedeng malaman na may kuwarto rito sa ibaba na punong-puno ng mga wirdong bagay. Tiyak na matatakot sila. Iyon rin ang nasa isip nang tatlo, kaya naman itinatago namin ito. Oo, sinabi ni lola Mia na wala akong kasalanan, pero alam kong hindi 'yun ang maiintindihan nila. Ako nga mismo, hindi ko maintindindihan ang ipinupunto ni lola e.

Mahirap ang naging pagtatago naming apat papunta rito sa loob ng kuwarto, pero nakaya naman. Gusto sanang sabihin ni Dominique at Kevin ang lahat kay Josh. Pero matindi ang pagtanggi Aice. Hindi daw dapat malaman ni Josh ang tungkol sa kahit ano sa sekreto namin. H'wag na h'wag daw naming ipalam kay josh ang kahit ano, lalo na ang tungkol sa libro.

Medyo iba ang inasta ni Aice, nagalit s'ya nang imungkahi iyon ng dalawa. Sabi n'ya, mas maganda rin daw kung mananatili lang kaming tahimik sa labas at huwag na lang mg-usap ng kahit ano tungkol sa nangyari.

Earthion:Ang Bagong SansinukobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon