EARTHION(ANG BAGONG SANSINUKOB) 13AFRAID
"I'm fine, I swear."
"I... don't know."
"C'mon, you have to go. I'll wait for you here, ok? I'm sure I'll be just fine."
"Aish! Ano ba naman 'tong dalawang 'to. Iwanan na muna kasi natin sila pareho para matapos na'ng problema ng dalawang 'yan." Ibinulong ko lang dahil nasa likuran lang namin ang dalawa.
"Don't you understand that he just wanted to help?"
"Tss. Akala mo naman kailangan pa natin ng tulong."
Napailing na lang si Domingo sa sinabi ko.
Bakit? Sa'kin pa lang wala nang gawa 'yang mga halimaw na 'yan 'e. We don't need him in the team.
"Are you really sure?" Tanong pa rin ng lalaki sa kasintahan nito.
Paulit-ulit naman 'tong dalawang 'to 'e. Naisip ko na lang gambalain ang drama nila.
"Do you really wanna help?" Hindi ko na maatim ang kaaartehan ng dalawang 'to. Masyado na silang matamis, kailangan nang maasinan.
"Yes, it's just that... Gia had a trauma since yesterday. I'm afraid of leaving her here. I can't take her with me either, baka atakihin lang s'ya kapag may makasalubong tayong halimaw. "
"Mas magkaka-trauma s'ya kapag iniwan namin kayong dalawa dito. Hapon na oh, kaya pwede ba? Mag-decide na kayong dalawa." Nainis ako kaya tumalikod na'ko. "Pwede naman kasing magpaiwan muna, pampabigat pa 'to 'e." Pagngingitngit ko habang naglalakad palayo sa dalawa.
Ilang sandali lamang ay lumapit na ang lalaki sa kinaroroonan ko, at tumingin sa bawat isa sa amin.
Tumango ito, "tara na," at hinigpitan ang pagkakahawak sa ginawa nitong patalim na sa wari ko'y bakal na parte ng upuan ang matalim na parte.
Tumayo na rin ang dalawang kumag mula sa pagkakaupo sa sahig at nagpapagpag ng mga pants nila.
"Uh... Ga'no bang kadami ang mga halimaw sa labas?" Tanong ng lalaki.
"Sigurado kaming marami sila, pero kung tahimik ka lang na maglalakad sa labas, hindi ka nila agad mapapansin. Mas madali natin silang malalagpasan kung magsasama-sama tayo."
Tss.
Nauna na kong lumabas at tahimik na naghintay sa labas ng pintuan. Baka makita ko pa kung pano sila magpaalam sa isa't isa. Ang arte nila, kala mo naman hindi magkikita mamaya.
Maya-maya rin ay lumabas na ang dalawang kuluktong, at sumunod na rin ang lalaki.
"I'm Jake, and she's my girlfriend... Gia,"anito. "Ilang beses na s'yang inatake ng trauma, since the chaos started. I can't stand it seeing her like that," bakas sa mukha niya ang magkahalong takot at pag-aaalala para sa kasintahan.
"Kanina... Nahihirapan talaga akong pakalmahin s'ya," ngumiti ito bahagya. "I'm so glad na dumating kayo." Nangingintab na ang mga mata nito sa pagpipigil ng emosyon.
Tinapik ni Dominique ang balikat nito at bahagya ring nginitian.
"Kung... kung maging dehado man tayo at mahirapan akong ipagtanggol s'ya, sana... pakiusap, protektahan n'yo s'ya kahit nasa panganib ako." Pakiusap nito.
BINABASA MO ANG
Earthion:Ang Bagong Sansinukob
Fantasy"Humans had their turn.Time will come, other creatures will rule the world. Unluckily...they're not humans."-Aice Hindi ko alam kung lahat ba tayo ay mabubuhay. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ang lahat ng 'to. At mas lalong hindi ko alam kun...