EABS19-Tensed 2

12 3 0
                                    

EARTHION (ANG BAGONG SANSINUKOB) 19

TENSED 2


"I-Is that... E-Ella?" Halos wala na ring boses na sambit ni Allen.

Naibagsak ng binatilyo ang hawak na espada at mabilis na tumakbo papalapit sa kaibigang nakahandusay sa sahig.

Sabay-sabay na tumulo ang mga luha ng mga nakasasaksi sa kasalukuyang pangyayari.

Lubos na hinagpis ang makikita sa magkakaibigan. Si Trina ay nasa dibdib na ni Cross at pareho nang lumuluha ang dalawa.

Gusto ko silang yakapin, pero naninikip ang dibdib ko.

Nilapitan naman ni Jake ang kasintahan para yakapin at pakalmahin.

Nahagip ng paningin ko si Josh. Hindi ko napigilan ang pagtataka.

"Pa'no? Paano nangyari 'to?" I asked him while I gasp for air.

Halos kapusin na ko ng hininga sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Hinihingal ito at tila nag-aalangan pang sumagot. Bakas sa mukha niya ang kaba at panghihinayang.

"Hindi naman kayo lumabas habang wala kami, hindi ba?" Tanong ni Dominique.

Josh shook his head as an answer.

"N-nasa taas kaming lahat, sa sari-sarili nating rooms a-and nasa room din ng girls si Cyd." Niyakap ni Cyd si Seya na siyang nagsasalaysay sa nangyari.

Nahihirapan na ring magsalita ito dahil sa paghikbi ngunit nagpatuloy pa rin.

"Then sabi ni E-Ella, nauuhaw s'ya, so...sinamahan namin s'ya ni Cyd to get water. A-and then pagkatapos n'yang uminom, umakyat na kami ng hagdan. Kaso n-nung nangangalahati na kami sa pag-akyat, bumaba s'ya ulit kasi natanaw n'ya 'yung door na slightly open daw. And...and then..." Nahirapan nang huminga si Seya kaya hinagod ni Cyd ang likuran nito.

Si Cyd na ang nagpatuloy niyon.

"We didn't know na may...nag-aabang na palang monster sa pintuan. I-it bit her. Sobrang bilis na ng mga pangyayari. It suppose to attack us after Ella, pero dumating si Josh and si Sir Liandro." Pinunasan muna nito ang sariling luha saka nagsalita ulit. "Kanina nand'yan pa 'yung body ng halimaw na 'yun, but then, it just vanished. I think it turns to that ashes."

Tinuro ni Cyd ang mapulang abo na nasa baba ng hagdan kung saan nakaupo si Sir Nacpil na nananahimik lang sa nangyayari.

"Where's baby Owen?" Kinakabahang tanong ko.

"Nasa taas, kasama ni Kevin." Pagkasagot ni Cyd ay umakyat na agad ako pataas.

Una kong tiningnan ang kuwarto namin, pero wala s'ya 'dun kaya dumiretso ako sa Boy's room. Naabutan ko si Kevin na kalong si baby Owen habang may hawak na pamilyar na bagay.

"Ate Em!" Nakahinga ako ng maluwag ng salubungin ako nito.

Lumuhod ako para yakapin ang bata.

"Oh my god! I missed you so much!" I hugged him tighter.

"But you're just here earlier," napangiti ako sa naging sagot nito.

Earthion:Ang Bagong SansinukobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon