EARTHION(ANG BAGONG SANSINUKOB) 12
THANK YOU
KEVIN's POV
"Can you stay here?" the kid noded. "Promise us you will," hindi sumagot ang batang kagigising lang, umayos lang ito ng pagkakaupo at saka inalis ang tingin sa kausap na si Dominique.
Hindi ko maintindihan kung anong pananaw sa buhay nitong batang 'to. I don't get him. Hindi s'ya ngumingiti, mukhang hindi rin s'ya natatakot. Magkatulad talaga sila ni-- well, I hope not. Pero 'yung expressions n'ya at kung paano s'ya mag-act, kaparehong-kapareho.
Nakarating na kami sa school. Sa gate sa likod kami nag-park ng Van, kung saan kami dumaan kahapon. Wala rin kaming nagawa, kung hindi ang labanan ang mga pangit na halimaw na iyon para makadaan kami. Aabutin kami ng dilim kung hihintayin pa namin silang makaalis. Hindi na rin namin naidaan ang bata sa kasunod na bahay--bahay ni Aember, may mga narinig kasi kaming paparating kaya't nagmadali na kaming umalis. Ang sakit ng katawan ko, sobrang dami nila, lagpas pa ata sa bente 'yung mga 'yun. Sobrang laki nila, parang doble pa ng laki namin.
At higit sa lahat, sobrang pangit nila kaya nahirapan akong harapin sila, sobra!
Wala naman kaming nakita sa kalsada papuntang school. Syempre, iningatan ko 'yung mukha ko, baka masugatan 'e. Sayang naman kung mawawalan ng gwapo sa mundo,'di ba? Oh, h'wag mo nang sagutin. Alam ko namang sang-ayon ka rin.
"Kevin!"
"What?!" Inis na tugon ko nang tawagin ako ni Dominique.
"I've already called your name a hundred times, God!" Inis naman nitong bulyaw.
"Ano ba kasing problema mo?!" Inis na tanong ko.
"Sabi ko, tara na!" Inis na sagot nito.
"'Bat galit ka?"
"Hay, jusko po! Anong bang sakit ng taong to?" May pagtitimpi na sa boses nito. "Bahala ka! Magpaiwan ka na lang kaya!"
"Aba! Hindi 'noh. Kasama 'tong batang 'to? Hindi! Sasama ako," sunod sunod na sagot ko.
Ayoko ko ngang maiwan kasama ng batang 'yun, ano. Mamaya i-salvage pa ko nu'n e. Aba, sayang din ako.
"Tsss," nauna na si Aice at dire-diretsong pumasok sa gate. Sinundan muna namin ito ng tingin bago sumunod na pumasok si Nik.
"Hoy! Anong gagawin ko dito sa bata?!" Hindi sumagot ito at diretso ding pumasok. "Hoy!"
"I can take care of myself, I'm not a baby like you." Napalingon ako dahil sa sinabi ng batang kinukusot pa ang mata mula sa pagtulog.
"IS IT MY FAULT THAT I HAVE A BABY FACE!"
"What kind of baby disease do you have?" Kaswal na tanong nito.
"Pa'no ba pinalaki ng magulang n'ya 'tong batang 'to." Nagtitimping bulong ko.
"They give me nice foods, that's why I have a nice and healthy cute face." Kaswal pa ring sagot nito.
BINABASA MO ANG
Earthion:Ang Bagong Sansinukob
Fantasy"Humans had their turn.Time will come, other creatures will rule the world. Unluckily...they're not humans."-Aice Hindi ko alam kung lahat ba tayo ay mabubuhay. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ang lahat ng 'to. At mas lalong hindi ko alam kun...