EARTHION(ANG BAGONG SANSINUKOB) 9
THE CHOSEN ONE
"Sigurado nga ako! Kagayang-kagaya 'yan ng hawak ni lola. I'm one million times sure!" Pilit ko sa kanila."Tingnan n'yo, walang laman 'di ba? Walang nakasulat kagaya ng librong tinutukoy ko kanina."
"Alright, alright. Nagtatanong lang naman ako. 'Bat ka galit?" Nakayakap sa sariling depensa ni Kevin.
"Sorry, sobrang sigurado talaga ako 'e. Kagayang-kagaya 'yan ng hawak ni lola. Baka nga 'yan na mismo 'yun 'e." Napaisip ako sandali. "Why don't we try it?"
"Gagana ba sa'tin 'yan?" Si Nik ang nagtanong.
"Why don't we just try it para malaman natin, hindi ba?" Ako ang pumalit sa pwesto ni Aice sa harap ng libro."The only thing I did at that time was to think about the question that I wanted to ask."
Sinubukan kong mag-concentrate sa nasa isip ko, ipinikit ko ang mga mata ko. Pagmulat ko, hindi naman ako nabigo. "See? Sabi ko sa inyo 'e."
"Totoo nga! Nagkakaguhit, pare!" Bulalas ni Kevin habang inaalog-alog ang balikat ni Nik.
"Ano ba, Kevin?! Oo na, kita ko." Sabay tulak sa katabing si Keivin. "Kaso anong sabi d'yan? Hindi ko maintindihan." Napakamot naman ako sa tanong na iyon ni Nik.
"Medyo ewan ko nga din 'e. Si lola kasi ang nagbasa n'yan para sa'kin, kaso limot ko naman." Hindi ko na talaga matandaan kung anong binasa ni lola."Basta sabi lang ni lola ko 'e ako nga daw ang magtutuloy niyan."
"Gano'n? Paano natin mapapakinabangan 'to?" Nagkakamot pang sabi ni Kevin.
"'E kung subukan ko kayang bumalik dun?"tumingin ako sa kanila para makita ko kung sang-ayon ba sila sa sinabi ko."Malay n'yo lang 'di ba? Tatanungin ko si lola kung paano natin mababasa 'yan."
"Napakababaw ng dahilan natin kung 'yan lang ang gagawin mo dun. We need to find a way on how we can fight those f*ckin' monsters outside." Napatingin kaming tatlo sa nagsalitang si Aice.
"Hindi ba, sabi mo diwata kamo 'yung...''yung ano...'yung nakatira mga nakatira d'un? Napapakamot na tanong ni Nik."Bakit hindi ka humingi ng payo sa kanila, o kaya tulong? Kung diwata sila, mas may kakayahan silang lumaban kaysa sa ating mga estudyante lang. Malay mo sila ang maraming alam sa mga ganito."
Oo nga ano? Bakit nga ba hindi ako nagtanong kay lola noon.
"Sige, mukhang alam naman nila ang tungkol dito 'e. Siguro nga kailangan ko nang kumilos para matapos na 'to." Marahang tinapik ni Kevin ang kaliwang balikat ko.
"No, Aember. Kailangan na 'nating' kumilos," pagdidiin pa nito. Kusa namang sumilay ang ngiti ko dahil doon.
"Salamat,"ngumiti din sila pabalik, maliban syempre kay Aice.
• • •
"Apo, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yo, hindi ganoon kadali ang labanan sila." Nagpakawala ito ng buntong hininga. "Apo, masyado pang maaga para sa iyo at sa mga kaibigan mo para dito. Hindi n'yo pa kaya."
"Kung gano'n po 'e ano'ng dapat naming gawin? Hindi po sila mauubos lola, baka mamatay lahat ng tao kung hindi pa po kami kikilos. Nakuha na rin po nila ang libro, kaya't mahihirapan po kaming isara 'yun." Tumabi ako sa inuupuan ni lola saka ulit nagsalita."Lola, mag-iingat naman po kami 'e. Basta po bigyan n'yo lang po kami ng advice, you know... kung papaano ang gagawin namin. Alam ko pong marami kayong nalalaman tungkol dito."
BINABASA MO ANG
Earthion:Ang Bagong Sansinukob
Fantasy"Humans had their turn.Time will come, other creatures will rule the world. Unluckily...they're not humans."-Aice Hindi ko alam kung lahat ba tayo ay mabubuhay. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ang lahat ng 'to. At mas lalong hindi ko alam kun...