EATHION(ANG BAGONG SANSINUKOB)
8SAME ROOM
Iminulat ko ang aking mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang kisame. Kisame ng kwarto ko.
Napahawak ako sa ulo ko at sandaling pumikit-pikit dahil sa kirot na naramdaman. Naalala kong may sugat nga pala ako dahil sa paghampas ng halimaw sa akin.
Inilibot ko ang paningin sa kwarto, nandito pala 'yung tatlo. Aninag ko sila kahit medyo madilim.Pinilit ko'ng iangat ang ulo ko para makaupo.
"Ang hihimbing ata ng tulog ng mga 'to," mahinang sambit ko.
Si Kevin ay nasa sofa at natutulog, si Nik at si Aice naman ay parehong nakaupo sa sahig at nakayuko, halatang natutulog rin.
"Nakakaawa naman 'tong mga 'to."
Ano na ba'ng nangyari nang wala ako?
Tumayo ako ng dahan-dahan at nagsindi ng ilaw sa lamp saka lumabas ng kuwarto. Buti may lamp na sinisindihan dito sa bahay. Madalas kasi dito mawalan ng kuryente 'e.
Nagtungo ako sa kusina at uminom ng tubig sandali, saka ako muling umakyat at dumiretso sa kwarto ni Mom.
Ipaghahanda ko nalang sila ng kwarto, may dalawang kuwarto pa namang available 'e. Iyong kay Mom at isang guest room. Kaso tatlo sila, kulang ng isa. Alangan namang patulugin ko sa kuwarto ni lola ang isa sa kanila. Hindi rin naman sapat sa dalawang tao ang mga kama rito.
Mukhang may isa sa kanila ang hindi makakatulog sa kama. Mukha pa namang mga rich kid 'tong mga 'to. Well, sorry nalang sila, hindi naman kasi kami mayaman ano.
Inayos ko ang kuwarto ni Mom at pati na rin ang guest room. Bukas ko na lang sila papalipatin, baka maistorbo ko pa 'yung tulog nila.
Tiningnan ko ang wall clock kanina at alas kuwatro na ng madaling araw. Hindi na rin ako makakatulog nito kaya nag-init na lang ako ng tubig at naghanda ng agahan.
Buti may mga stock kami ng pagkain dito. Meron pa namang mga de-lata na mukhang good for one month sa dami.
May mga noodles din,mga itlog, may mga soft drinks sa refrigerator, kaso hindi malamig kasi wala nang supply ng kuryente dahil sa nangyari.
Buti maraming stock dito, good for one month kasi mamili si Mom.
Ayos lang kaya si Mom?
Sana.
Si lola... Hindi naman siguro niya papabayaan si Mom, kagaya ng hindi n'ya pagpabaya sa akin.
Sinimulan ko na ang pagluluto ng umagahan, at muntik pang masunog 'yung itlog, buti hindi natuloy. Baka reklamuhan ako ng mga 'yun.
Aba'y h'wag na h'wag silang magrereklamo, ngayon lang ako nagluto para sa mga bisita ano. Baka masapuyong ko sila.
Ipinagtimpla ko na rin sila ng kape. Alas sinko y' medya na rin ako natapos maghanda.
Grabe! Nakakapagod pala maghanda ng pagkain sa umaga. Naawa tuloy bigla ako Kay Mom. Pagkagising ko kasi, may umagahan na kaya kakain nalang ako, maliligo tapos magbibihis.
Nagsalin ako ng tubig sa baso at saka nilagok iyon.
Kaagad nanayo ang balahibo ko nang may dumampi sa balikat ko.
"Waaaaaaah!! Halimaaaaw!!"
"Shhh! Are you stupid? Baka may mga halimaw d'yan sa labas, mamaya pasukin nila tayo sa loob." Sambit ni Aice habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Earthion:Ang Bagong Sansinukob
Fantasy"Humans had their turn.Time will come, other creatures will rule the world. Unluckily...they're not humans."-Aice Hindi ko alam kung lahat ba tayo ay mabubuhay. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ang lahat ng 'to. At mas lalong hindi ko alam kun...