EABS4-Confirmed

21 6 0
                                    

EARTHION(ANG BAGONG SANSINUKOB) 4

CONFIRMED

Tumambad agad ang mga walang buhay na katawan sa kalsada. Sa mga restaurant, sa gilid ng kalsada, pati sa ibabaw ng mga sasakyan. Kinulayan ng dugo ang mga kasuotan ng mga ito na animo'y pinagsawaan muna bago iwang walang buhay. Ramdam ko na naman ang panlalambot ng mga binti ko ngunit pilit ko itong pinipigilan.

Kaya mo 'yan Aember. Ano ka ba?
Dugo lang 'yan. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"You okay?"tanong ni Nik.

Tumango lang ako. Hindi n'ya pa rin inalis ang tingin sa'kin. Mukhang hindi siya naniwala kaya't nginitian ko siya. He just noded back.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa patalim. Ito lang ang nagsisilbing armas namin. Pero sana makarating kami ng ligtas sa bahay. Kung ako man ang may kagagawan nito, sana lang mahanap ko ang sagot.

Hindi ko nalang tiningnan ang mga patay na nadadaanan namin para hindi ako panghinaan. Hindi ko talaga masikmura ang mga ganoon tanawin 'e. Kaya nga never na ulit akong nanood ng Gore movies. May isang time kasi na nasa school ako, may pinapanood ang mga classmate ko noon. At dahil napakatsimosa ko, ayun pinanood ko din. Ang sunod ko nalang natandaan 'e, nasa bahay na'ko at may towel sa noo.

Tumigil si Aice at yumuko sa gilid ng isang truck. Kaya't ganoon din ang ginawa namin.

"Where's your house?"tanong ni Aice. As usual, wala pa ring ekspresyon ang mukha nito.

"Ahm. Malapit lang naman. Kung sa gilid tayo ng kalsada dadaan. Mga 20 minutes." Paliwanag ko.

"Wala bang mas mabilis na daan? Shortcuts." Tanong ni Nik.

"Wala na kasing ibang daan 'e."
Napabuntong hiniga naman sila.

"Sa gilid ng highway, madadaanan natin ang Luis Park, then dadaan pa tayo sa dalawang kanto." Tama! "Madadaanan natin ang Luis Park!" Buti naalala ko. "Hindi na natin kailangan dumaan sa gilid ng highway! Mas mabilis kung sa Park na mismo tayo dumaan. Sa dulo ng park, may daan doon papasok sa magubat na part. Kung doon tayo, mararating natin ang likuran ng bahay namin. Kaso lang may mataas na pader. Kailangan pa nating umkyat." Lumiwanag ang mukha nila."Doon tayo," sumang-ayon naman sila.

Tumayo kami at nagsimula na ulit kaming maglakad. Nasa unahan ulit si Aice.

"Aray!" Bumangga ako sa likuran ni Aice.

"Shhh!"

"Shhh your self!" Siya na nga itong may kasalanan 'e.

"Yuko!" Bulong ni Aice. Ganoon nga ang ginawa namin, saka sumandal sa isa pang truck na nakaparada sa gilid ng kalsada.

"P*tangina, ang dami nila!" May diing bulong ni Kevin.

Nagkalat ang mga halimaw sa kalsadang dadaanan namin. Pinagsasawaan ang mga nakahandusay na katawan. Sa pagkakabilang ko ay mga siyam sila. Mukhang wala kaming ibang dadaanan kundi doon lang.

"Paano natin lalagpasan yan?" Tanong ni Nik.

Kung tatakbo kami, makikita pa rin nila kami.

"There's only one thing we can do,"at saka siya tumayo."Knock it off, lousy heads!"

"Oh... My god," iyan nalang ang nasabi ko dahil sa pagkabigla. Nanlaki ang mga mata naming tatlo sa ginawa ni Aice.

Agad na napukaw ang atensyon ng mga ito. Mukhang gutom pa rin sila. At kami ang gusto nilang gawing tanghalian.

"Did he just...called them lousy heads?" Nanlulumong tanong ni Kevin.

"I guess," wala rin sa sariling sagot ni Nik.

Earthion:Ang Bagong SansinukobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon