written by AESA
PROLOGUE
Nanlulumo ako sa nakikita ng mga mata ko.
Tanging patak ng luha na lamang ang kaya kong ibigay.
Nais kong tulungan ang lahat ng nagsusumamo, pero paano? Wala akong lakas.
Sa pagbagsak ng luha ko, sumabay ang pag-iyak ng kalangitan.
Nagdilim ang paligid kasabay ng pagdidilim ng aking paningin, sanhi ng tubig na bumabalot sa aking mga mata.
Ito na ba?
Hanngang dito na nga lang ba?
Wala na bang pag-asa?
Muli kong sinilayan ang mukha ng pinakamamahal ko. Napakapayapa ng mukha niya.
Tiningala ko ang kalangitan at hindi ininda ang pagpatak ng ulan sa mga mata ko.
Pinipilit Kong silayan ang pag-asa...sa itaas.
"Panginoon ko, nand'yan ka pa ba?"
Magkasamang umagos ang luhang nanggaling sa mata ko at ang mga tubig na humahaplos sa aking mukha.
Nakabibingi ang paghihinagpis ng mga tao, katumbas ng nakakabinging katahimikan.
Ano pa'ng silbi ko?
Kasalanan ko ang lahat ng ito.
Pero hindi ko kayang ibalik sa dati ang lahat.Hindi ko alam kung saan ako patungo. Kung sakaling matapos ang lahat.
Patawarin ninyo ako. Hindi ko nagawang akayin kayo sa ipinangakong lupain.
Sa Earthion.
Ang Bagong Sansinukob.
BINABASA MO ANG
Earthion:Ang Bagong Sansinukob
Fantasy"Humans had their turn.Time will come, other creatures will rule the world. Unluckily...they're not humans."-Aice Hindi ko alam kung lahat ba tayo ay mabubuhay. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ang lahat ng 'to. At mas lalong hindi ko alam kun...