EARTHION (ANG BAGONG SANSINUKOB) 15
WHAT REALLY HAPPENED
"Good morning, Aember."
Pababa pa lamang ako nang hagdan habang kinakapa ang gilid ng mata ko kung may muta pa ba ako pagkatapos kong maghilamos. Si Seya lamang ang naabutan ko sa salas.
"Good morning din, Seya. How's your sleep?"
"Medyo ok naman, nakatulog pa rin ako kaagad kagabi, pagkahigang-pagkahiga ko pa lang. Dala na rin siguro ng pagod." Nakangiting sagot nito. "Ikaw? Mukhang masarap ang tulog ng katabi mo ah, yapos na yapos pa sa'yo." Bahagya itong tumawa sa huling sinabi.
"Well, siguro na-miss lang namin ang isa't isa kaya ganoon." Nakangiting sagot ko rito.
"Ay oo nga pala, medyo nangiaalam na 'ko sa kitchen n'yo. Sorry." Humigop ito sa hawak na baso ng kape.
She was using a mug with an image of a yellow tulip. It was Mom's.
Muli akong nakaramdam ng pag-aaalala sa Mom ko.
Kumusta na kaya si Mom?
Sana nasa mabuting kalagayan siya. Sana.
"Uhm... Aember? Galit ka ba? Sorry na."
"A-ah, hindi." Sagot ko habang nakatingin pa rin sa baso.
"Eh? Hindi ka talaga galit?" Nakangiwi nang tanong nito.
"Hindi, Seya. It's fine. Mag...hahanda na rin ako ng breakfast para ready na paggising nila."
"Ay teka, tutulungan kita. Marunong ako magluto." Napangiti naman ako sa sinabi nito.
"Hmm? Talaga?"
"Oo noh. Marunong ako ng iba't ibang luto. Just mention it, ipagluluto kita. Basta ba may ingredients."
Natuwa naman ako sa sinabi nito.
"Hayst. Salamat naman at nakatagpo ako ng marunong magluto. Kasi ako... H'wag mo na lang itanong." Natawa naman ito.
Pumunta na kami sa kitchen.
Kinuha na ni Seya ang kusilyo at tadtaran. Ako naman ay nagkokolekta ng mga ingredients na hinihingi niya. Sabi ko kasi mag-corned beef and egg na lang kami for breakfast.
Magsasaing pa lang sana ako, pero may nagluto na pala ng kanin.
"Ikaw nagsaing?" Tanong ko kay Seya, ngunit umiling ito.
"Nope, nagtimpla lang ako ng coffee kanina."
"'E... Sinong nagsaing?" Nagtaas-baba lang siya ng balikat.
Mukhang wala pa namang ibang gising bukod sa'min. Alangan namang multo ang magsaing dito.
"Gooood Morning!"
"Ay! Multo! Este Aswang!" Napasigaw ako sa gulat. Sino pa nga ba? "Kevin naman! Nakakagulat ka naman 'e!"
"Oo nga! Kapag nahiwa ako, ikaw may kasalanan." Banta ni Seya.
Napangiwi naman si Kevin.
"Sorry,Ok? Sorry." Umupo ito sa harap ng lamesa. "Ang gwapo ko naman yatang multo at aswang."
'Dyusme, hinangin na naman. Gwapo nga naman s'ya. Pero hindi n'ya naman kailangan bangitin 'yun palagi.
"O s'ya, oo na. Gwapo ka nga. Kumusta tulog mo?" Tanong ko.
"Huh?" Nakatulalang tanong nito.
"Sabi ko, kumusta tulog mo? Nakatulog ka ba ng maayos?" Pag-uulit ko.
BINABASA MO ANG
Earthion:Ang Bagong Sansinukob
Fantasy"Humans had their turn.Time will come, other creatures will rule the world. Unluckily...they're not humans."-Aice Hindi ko alam kung lahat ba tayo ay mabubuhay. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ang lahat ng 'to. At mas lalong hindi ko alam kun...