EARTHION (ANG BAGONG SANSINUKOB) 18
TENSED 1
"Pumayag ka na kasi, Aember! Nababagot na kami dito sa loob oh! Please?" Pagmamakaawa ni Cross.
Gustong sumama ng dalawang binatilyo sa pagkuha ng mga supplies sa Convenience Store na pupuntahan namin. Ayaw ko silang payagan dahil hindi pa kami sigurado sa kung ano pang mga nangyayari sa labas. Baka bigla na lamang may umatake sa amin habang naghahakot.
"Please?" Pagmamakaawa rin ni Allen.
Hay nako 'tong mga batang 'to.
Pinagtutulungan n'yo 'ko e.
Tumingin ako sa gawi ng iba ko pang kasama, tumango ang mga ito. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Nagpupumilit na rin lamang kayo... Sige na." Napilitan lang ako sa sagot kong iyon.
Sabay pang nag-react ang dalawa nang marinig ang sinabi ko. "Yes!—"
"Pero!" Nagtinginan ang dalawa. "Bawal kayong humiwalay sa amin." Mabilis na tango ang naging sagot sa akin ng dalawa.
Inaayos ko ang mga patalim na ipapahawak ko sa dalawa.
Inilabas na namin ang mga sandatang nakita namin sa kuwarto ni lola noong nakaraang linggo. Nangatwiran na lamang kami sa mga pinanggalingan ng mga ito. Mukhang naniwala naman sila.
Iniaabot ko sa dalawang binatilyo ang dalawang Katana na gagamitin nila. Manghang-mangha ang dalawa at hinaplos-haplos pa ang mga iyon.
Natanaw ko si Josh na pababa ng hagdan. Nakangiti na ito sa gawi ko, malayo pa lang.
"Kailangan ba talagang sumama ka? I can go instead." Josh asked.
"No, kaya ko naman. Saka wala naman siguro kaming makakasalubong sa daan e. Kailangan din nandoon ako para magsaway dito sa dalawang 'to." Tumingin ako kay Cross at Allen habang sinasabi iyon. Napanguso naman ang dalawa.
"Malalaki na silang dalawa, I think they can take care of themselves now." Tumango ang dalawa sa sinabi ni Josh.
Mga hambog!
E ang titigas ng ulo nitong dalawang 'to e. Sa maikling panahon na nakasama ko 'tong dalawa, alam na alam ko nang kailangan ko pa silang bantayan kagaya ng pagbababantay ko kay baby Owen.
"We need to go now," bigla na lang sumulpot si Aice mula sa kung saan.
"Why does she have to go?" Josh asked Aice.
Hindi s'ya sinagot nito, sa halip ay tinapunan lang s'ya nito ng masamang tingin.
Problema nun?
Kinuha ko na ang dadalhin kong sandata. Saka sumunod sa labas. Sinamahan kami ni Josh at Seya palabas.
Dalawa na ang dala naming sasakyan ngayon. Ewan ko kung saan nila nakuha ang isang Van. Basta lumabas lang 'yung tatlo ni Dominique, Kevin at Josh. Pagbalik nila, meron na silang Black Nissan Van.
Nauna nang umalis gamit ang itim na Van si Aice kasama si Dominique at Allen. Pupunta sila sa bagong Convinience store na target namin. Since paubos na sa unang kinukuhanan namin which is 'yung pupuntahan naming tatlo ni Jake at Cross ngayon.
Si Jake ang magda-drive ng Van na sasakyan namin. Nagpahuli na kami since mas malayo naman ang location na pupuntahan nila.
Si Seya kasi, halos ayaw nang paalisin ng gaga si Jake. Timang talaga 'tong babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
Earthion:Ang Bagong Sansinukob
Fantasy"Humans had their turn.Time will come, other creatures will rule the world. Unluckily...they're not humans."-Aice Hindi ko alam kung lahat ba tayo ay mabubuhay. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ang lahat ng 'to. At mas lalong hindi ko alam kun...