Nadia
Pagkagising ko ay naramdaman kong mag-isa na lamang ako sa kama at ramdam ko ang sakit nang aking katawan at ang parte nang aking pagkababae.., bumangon ako at pumasok sa banyo para maligo...
Naisipan kong lumabas nang kwarto baka sakali na hindi naka lock at tama nga hinala ko hindi ito naka lock kaya naman dahan-dahan ako bumaba nang hagdanan, habang papalapit ako palabas ay nadaanan ko ang kusina at naka bukas ito nang kaunti at naaamoy ko ang niluluto sa loob,, biglang kumalam ang aking sikmura at dahil dun naririnig ko ang ingay nang aking mga alaga sa tyan..
Gusto kong makaalis sa bahay na ito at ito na ang pagkakataon kong makatakas dahil abala si Jack sa pagluluto., dahan-dahan akong lumakad palabas at hindi naglilikha nang ingay...
Malapit na ako sa pintuan at konting hakbang na lamang at makakalabas na ako., sa wakas ay makakatakas ako at gagawin ko ang lahat makalabas lamang dito...
Hinawakan ko ang seradura nang pintuan at nakahanda nang lumabas nang bigla na lamang may humawak sa aking kamay 😱😱 nagulat ako at napasigaw...
Saan ka pupunta?? Baritonong boses na sabi ni Jack
Dahil sa gulat ko ay hindi ako kaagad makasagot at nanatiling nakahawak sa pintuan at nakatalikod...
Nagulat ako nang hampasin nya ang pituan....
Tinatanong kita kong saan ka pupunta?? Ulit na tanong ni Jack sa akin at galit padin ang tono nito
Bigla akong lumingon at ganoon na lamang ang kaba ko nang halos magkatapat na kami nang mukha, at hindi ako makapag salita at nanatiling nakatingin sa kanya...
Kanina pa ako nagtatanong sayo Nadia, uulitin ko pa ba??? Sabi nya sa akin
Aaahhhmm.., aalis ako dahil ayaw ko dito at ayaw kitang makasama., sagot kong nauutal
Inilapit nya ang kanyang mukha sa akin at nagsalita...
Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka aalis dito nang ganoon kadali., hanggat hindi mo tinatanggap na mag-asawa tayo ay hindi ka makakalaya dito tandaan mo yan, sabi nya sa akin sabay hila sa akin
Bitawan mo ako!! Sigaw ko dito nang nagpupumiglas
Dahil sa higpit nang pagkakahawak nya sa aking palapulsuhan ay hindi ako makawala at dinala nya ako sa kusina at pinaupo...
Inihanda nito ang lahat nang niluto nya sa hapag kainan...
Kumain ka nang marami dahil baka magutom ka, sabi nito sa akin
Natakam ako sa mga pagkain na nasa harapan ko kaya naman kumuha na ako at kumain., hhhmmm ang sarap tanging sambit ko sa aking isipan habang kumakain, akalain mong marunong magluto ang lalaking ito?! Tttssskkk
Hindi ko namalayan na naparami ang aking kain dahil sa tahimik kaming magkaharap habang kumakain, inabutan nya ako nang orange juice at tinanggap ko naman ito...
Nang matapos kaming kumain ay tinulungan ko syang magligpit nang pinagkainan at hinayaan naman nya akong tulungan sya., nang mailigpit nang lahat ay inaya nya ako sa Sala room para daw makapag-usap kami nang maayos, tumanggi akong kausapin sya at ayaw kong marinig ang mga kasinungalin mula sa kanya...
Ayaw kong makipag-usap sayo at mas gugustuhin ko pang makulong na lamang sa kwarto kaysa makipag-usap sayo.., sabi ko
Nilapitan nya ako at hinawakan sa aking braso at saka tinitigan ako at galit na nagsalita....
BINABASA MO ANG
Unintentionally Be My Wife...
RomanceNadia Samonte., mabait na kaibigan at tumulong kay Jessie upang makatakas sa lalaking ayaw nitong pakasalan, ngunit paano kung ang pagtulong nya sa kaibigan ay kapalit nito ang galit at poot sa lalaking mapapangasawa nang matalik na kaibigan... Jack...