kabanata 7

1.8K 42 2
                                    

Maaga pa lang nasa opisina na ako dahil marami akong tambak na trabaho, tapos yung boss ko wala pa talagang balak na bumalik, ok din sya takas sa mga trabaho at ako ang nag aasikaso nang lahat dapat ata sa kanya wag na lang mamahala sa kompanyang ito..,, kausap ko sa sarili ko

Tumunog ang mobile ko at agad na tiningnan kong sino ang tumatawag...

Hello!!! Sagot ko

Boss mo ako pero hindi mo man lang ako binati nang maayos., how rude

Boss kita? Sana lang ipakita muna boss ka nga bakit hindi ka pumasok sa opisina at gawin ang trabaho mo?! Sagot kung naiinis

Ms Samonte, wala kang karapatan na pagsabihan ako nang ganyan! Baka nakakalimutan muna ako ang nagpapasahod sayo., galit na sabi nito

Hindi ko nakakalimutan na ikaw ang nagpapasahod sa akin! Pero dapat isipin mo naman na dahil wala kang balak na bumalik dito ako ang pinahihirapan mo 😏

Kaya nga personal secretary kita diba?? It's means pag wala ako ikaw ang incharge sa maiiwanan kung trabaho 😏 kung importante ang mga papipirmahan mo papupuntahin kita dito sa isla para jan, kaya wag kanang mag alala kasi makikita mo din ako ulit., namis mo ba ako?? Pang-aasar nito

Pinatayan ko sya nang tawag dahil sa nakakainisna sya, ang kapal nang mukha para tanungin ako kung namis ko sya, sino ba sya sa tingin nya para mamis ko?! 😤

.
.
.
.

Nakakatawa naman at nakakaaliw, i know na babalik at babalik ka dito, may inaayos lang ako dito para sa pagbabalik mo mag-sasaya kang talaga...

Tinawagan nito ang katiwala para ipaayos ang bakanteng kwarto, gusto ko yung palagi ko syang makikita dahil alam kung magagalit sya pag nagkataon.., ako mismo ang matutuwa pag nagkataon...

Hindi mo talaga ako matandaan Ms Samonte nagka amnesia ka ata at nawala ako sa isip mo samantalang ako hinanap pa kita  pero siniswerte ata talaga ako dahil nang makita kita sa mismong araw nang engagement sana namin ni Jessie nagulat ako at hindi ako maaaring magkamali ikaw nga yun isa sa mga babaeng nagkakadarapang humahabol sa akin hinding-hindi ko malilimutan ang college days natin....

Flashback...

Nasa parking ako at hindi pa nalabas nang kotse ko tinatamad pa kasi ako sa totoo lang ayaw ko talagang mag-aral mas gusto kung magliwaliw sa ibang bansa at kasama ang mga barkada ko may mga modeling agency din na kinukuha ako para maging model pero hindi sumang-ayon ang Daddy ko dahil atupagin ko daw ang pag-aaral dahil balang araw ako daw ang mamahala sa kompanya sa akin pa talaga ipapamahala ang trabahong yun wala akong balak na maging tulad nya na sobsob na lamang lagi sa trabaho at napabayaan ang pamilya...

Habang nasa loob ako nang kotse ko may grupo nang kababaihan na pumasok sa gate nakatingin ako sa kanila hindi ko sila marinig dahil nakasara ang bintana nang sasakyan ko at hindi rin nila makita kung nasa loob ako dahil tinted itong sasakyan ko pero alam kung ang ingay nila base na din sa kilos at harutan nila sa kanilang tatlo may isang babae na nakatawag nang pansin ko dahil siguro sa tawa nya sya ang babaeng walang arte kung makahalakhak at namimilipit sa katatawa..

Ibinaba ko nang konti ang isang bintana nang sasakyan ko sa likod at talaga naman ang ingay nila pero maaaliw ka naman dahil totoo sa loov nila ang kaligayahan., mukhang masaya sila sa kanilang pinag-uusapan...

Huminto sila sa mismong tapat nang sasakyan ko at tumabi sila...

Narinig nyo ba ang balita girls?! Sabi nung isang babae

Unintentionally Be My Wife...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon