Kailangan kong pumasok sa trabaho kaya naman maaga akong gumising para maaga din akong makapag umpisa sa trabaho ko at baka tinambakan na naman ako nang mga gagawin nang aking boss...
Nakasakay na ako nang Bus at dahil medyo traffic ay naisipan kong mag bukas nang aking facebook, marami din akong notification at syempre inuuna kong buksan ang mga page na aking nilike., sa lahat nang page na mayroon sa aking facebook tanging ang aking batch page ang inuuna ko., nakakamis din ang mga naging kaklase ko noon naisip ko bigla sila., saan na kaya mga yun? Naging successful kaya silang lahat sa buhay?? Ay sana lang may mag organize nang reunion kahit 1 time lang., napapangiti ako at binuksan ang notification nang aming batch....
in all the classrooms of Saphire we will have a class reunion this coming month 09/12/2020 and it will be held at PARADISE RESTAURANT AT 8 PM ., everyone is invited to attend for the reunion of our classmates ....
for all who are interested please just click Join participant
organizer
J.V
Wow!!! Akalain mo yun magkakaroon nga talaga., hahaha natawa ako bigla at naexcite., iniisip ko pa lang kanina at ito na nga magkakaroon na., hhhmmm anu kaya ang kanilang mga naging buhay?? Nagkaroon na kaya ang iba nang pamilya or baka mga sikat na silang personalidad.,
May mga nakita na akong nag join at syempre papahuli paba ako?? 😊 gusto ko din makita ang lahat lalong-lalo na ang dalawa kong bff 🤔 nawalan na akong balita sa dalawang yun... hhhhhmmm tiyak na dadalo ang mga yun at syempre makikita ko ang aking ultimate crush ☺🥰 hahaha kinilig ako bigla., hindi ko napansin tuloy na nandito na ako sa malapit kung saan ako nag tatrabaho...
Inioff ko na muna ang aking phone mahirap na kasi panahon ngayon maraming naglipanang snatcher....
Naglalakad na ako patawid sa kalsada at mukhang napaaga naman ako nang pasok., naisipan kung dumaan muna sa coffee shop para makapag refresh nang utak ko ito lang ang tanging kailangan ko sa umagang kay ganda ☺
Mayroon pa akong 30 mins para sa aking pagkakape at tiningnan ko ulit ang aking social media account para icheck kung marami naba ang aattend., at wow mukhang makukumpleto talaga kami sa araw nang reunion....
Masyadong naka private ang list nang mga naka join kaya di ko man lang mamessage ang aking mga kaibigan., surprise talaga ang nag organize nang reunion., pero teka nga sino na nga yung nag organize??? Dali dali kung tiningnan at ngayon ko lang naalala na si J.V pala..., saan na kaya sya at bakit naisipan nyang mag organize nang reunion?? 🤔
Saka ko na lang iisipin yun kasi malalate na ako sa aking trabaho., dali-dali akong lumabas nangnang coffee shop at pumasok na sa trabaho....
Ang elevator na tanging magdadala sa akin papuntang opisina nang aking boss ang laging bakante at tanging iyon lamang ang exclusive para sa boss nang kompanya...
Pag pasok ko sa loob nang elevator ay pipindutin ko na sana ang close door nang biglang mag kamay na humarang sa pintuan...
Nagulat ako dahil sya lang naman ang aking boss at himala ang aga nya atang pumasok...
Good morning sir..., bati ko sa kanya

BINABASA MO ANG
Unintentionally Be My Wife...
RomansaNadia Samonte., mabait na kaibigan at tumulong kay Jessie upang makatakas sa lalaking ayaw nitong pakasalan, ngunit paano kung ang pagtulong nya sa kaibigan ay kapalit nito ang galit at poot sa lalaking mapapangasawa nang matalik na kaibigan... Jack...