Jack
Hindi ko na alam ang gagawin hanggang ngayon hindi padin nagbabago ang nararamdaman ko kay Nadia, mula noon pero hindi ata nya ramdam ang lahat nang ginagawa ko....
Nagseselos ako sa tuwing may mga lalaki syang kausap at mas lalo akong naiinis kung napapatawa sya sa simpleng biro lamang at higit sa lahat mas kinaiinisan ko si Dave dahil ito lamang amg bukod tanging malapit nang husto kay Nadia, kung minsan gusto ko nang ikulong sa aking kwarto at alisin ang telepono nya para wala silang komunikasyon....
Kahit sa trabaho mas napupunta ang atensyon ko sa kanya halos ayaw ko syang pauwiin nang maaga at mas gusto kong sabay kaming lalabas nang kompanya...
Paano kaya kung malaman nya ang lahat?! Tungkol sa kung anung relasyon namin na tanging ako lang ang nakakaalam?? Ano kaya ang magiging reaksyon nya?? Kinakabahan ako sa maaaring mangyari pero hindi ko hahayaan na hindi kami ang magkatuluyan sa huli...
Gagawin ko ang lahat para sa kanya at poprotektahan ko sya sa kahit kanino at di na ako lalayo katulad noon...
Sa lalim nang iniisip ko di ko namalayan na mag aalas dyes na pala nang umaga pero wala padin si Nadia 😏 hhhmmm bakit kaya?? Malapit na magsimula ang meeting....
Sinubukan kong tawagan ang number nya pero naka off?! 😳 gggrrrr saan naba yun? Sa inis ko sa kakahintay sa kanya ay nagpunta na ako sa meeting pupuntahan ko na lang sya sa apartment nya mamaya para malaman kong bakit di sya nakapasok ngayon....
Sa boung meeting ay lutang ang isipan ko at nababagot ako sa oras dahil sa tagal matapos...
Halos dalawang oras ang tinagal at nang matapos ay agad akong lumabas at derectso sa opisina at umalis din agad...
Nararamdaman ko na ang gutom pero titiisin ko gusto kung makapunta na agad sa apartment at doon na lamang makikikain...
Pag dating ko sa harapan nang apartment ay agad akong bumaba at pumasok nang gate, bubuksan ko na sana ang pintuan pero naka lock ito kaya naman kumatok na muna ako...
Naka ilang katok ako bago ako pinagbuksan nang babaeng mukhang tulog maghapon...
😳😳 anung ginagawa mo dito???? Gulat na tanung nya
Tiningnan ko sya dahil sa ayos nyang naka pajama at mejo magulo ang buhok pero ang ganda pading tingnan...
Hindi mo ba ako papapasukin?? Tanung ko
Huh?! Bakit ka nga nandito 😏 ?? Tanung nya ulit
Ayaw nyang luwagan ang pagkakabukas nang pintuan kaya naman lumapit ako at nagsimulang maglakad palapit sa kanya, sa gulat nya napaatras sya dahan-dahan at tuluyan na akong nakapasok sa loob...
Alam mo ba kung anong oras na?? Sabi ko sa kanya na halos pabulong...
Hhhhhmmm., hindi ko alam kung anong oras na kasi kagigising ko lang, sagot nyang nakaharang ang dalawang kamay sa aking dibdib...
Nagugutom na ako, magpalit kana ng damit at kakain tayo sa labas..., sabi ko sa kanya
Ayaw ko!!! Tsaka bakit kaba nandito?? Sagot nya
Naisip ko lang puntahan ka kasi hindi ka pumasok., sagot ko naman
Masama pakiramdam ko kaya di ako pumasok, kaya kung pwede umalis kana at gusto kung magpahinga 😏
BINABASA MO ANG
Unintentionally Be My Wife...
Любовные романыNadia Samonte., mabait na kaibigan at tumulong kay Jessie upang makatakas sa lalaking ayaw nitong pakasalan, ngunit paano kung ang pagtulong nya sa kaibigan ay kapalit nito ang galit at poot sa lalaking mapapangasawa nang matalik na kaibigan... Jack...