Encounter....
Excited na ako para mamayang gabi.., kailangan kong mag relaks para fresh kahit papaano...
Simpleng black dress lang ang binili ko 😊 at below the knee lang., hhhmmm mukhang ok na ito konting ayos na lang sa buhok at mild make-up lang ayos na 😊
Kakain na muna ako nang lunch at saka uuwi para di na ako magluto., hhhmmm saan kaya pwedeng mag lunch yung bang feel at home pero affordable... 🤔
Naglakad-lakad ako at namimili kung saang restaurant ako papasok., medyo masakit na paa ko at kailangan ko nang umupo hindi ko na kaya.., pag tigil ko sa tapat nang restaurant ay nagulat pa ako nang papasok na ako ay bigla may nakasabay ako at mas nagulat pa ako nang makita ko kung sino sya!!! 😱😱😱
Anung ginagawa mo dito??? Tanung ko sabay turo ko sa kanya...
Nakakagulat ba kung makita mo ako sa ganitong lugar??? Sagot nya
Baka nakakalimutan mong nasa Mall ka at kahit sino pwedeng pumunta dito., dagdag pa nya
Napaisip ako bigla., sabagay nga tama sya pero pati ba naman dito sa restaurant na papasukin ko ay dun din sya papasok... 🤔 hindi ko na lang sya pinansin at pumasok na lang ako sa loob at naghanap nang mauupuan at sakto naman na mayroong bakante sa dulo dun ako dumiretso at naupo.., sakit talaga nang paa ko sabay hilot ko
Lumapit sa akin ang waiter at ibinigay ang menu book....
Anu kaya ang masarap na orderin.., hhhmmm 🤭🤔 namimili ako nang biglang may naupo sa harapan nang aking mesa...
😳 bakit nandito ka??? Tanung ko
Hhhmm., wala na kasing bakanteng upuan kaya dito na lang ako total mag-isa ka lang naman diba??? Sagot nito sa akin
Tiningnan ko lang sya at hindi sumagot....
Binigyan din sya nang menu book nang waiter at ayon nauna pang omorder sa akin..., ayos ah parang alam na agad ang kakain nya
Wag kanang omorder dahil nakaorder na ako., sabi nya sa akin sabay kuha nang menu book na hawak ko...
Wala akong sinabi na orderan mo ako, at paano mo naman nalaman na kakainin ko yung inorder mo?? Sa tingin mo ba magugustuhan ko yung pagkain na inorder mo?? 😏
Hhhmmm., sure ako na magugustuhan mo isa pa magkasama tayo sa iisang mesa kaya naisip ko na bilang isang gentlemen ay ako ang dapat omorder nang lunch natin 🙂 sagot nya
Galing din nang lalaki na ito., offwork ako kaya dapat dumistansya sya sa akin dahil ayaw kong mayroong koneksyon sa kanya lalo na at may pupuntahan ako mamaya.., tahimik na lang ako dahil wala naman na akong magagawa....
Ang dami nyang inorder at natatakam ako., alam na alam talaga nito ang masasarap na pagkain.., hhhmmm napaisip akong bigla dahil magkasama kami sa trabaho pero ni minsan hindi ko pa nakikita kung mayroon naba itong sariling pamilya o kaya naman ay girlfriend 🤔 tapos bakit minsan nasa akin ang atensyon nya at kung minsan ang higpit nya sa akin at minsan hinahalikan nya ako bigla 🤔😳 ang wierd nya kausap ko sa sarili ko
Aaaaahhhhheemmmm.., kanina kapa nakatitig sa akin baka mamaya nyan mainlove ka sa akin 😊
Ha?! Hindi ah! Paano mo naman nasabi na sayo ako nakatitig?! Tanung ko
Obvious ba??! Ako lang naman kaharap 😳 sagot nyang nakakainis
Akala mo lang yun., may iniisip lang ako kaya nakatulala., depensa ko
BINABASA MO ANG
Unintentionally Be My Wife...
RomanceNadia Samonte., mabait na kaibigan at tumulong kay Jessie upang makatakas sa lalaking ayaw nitong pakasalan, ngunit paano kung ang pagtulong nya sa kaibigan ay kapalit nito ang galit at poot sa lalaking mapapangasawa nang matalik na kaibigan... Jack...