NADIA
Sa araw-araw hindi ko talaga maintindihan ang ugali nang aking boss, bigla na lang nagagalit at kung minsan naman sweet at kung minsan maalalahanin 🤔 kung minsan naiisip ko na parang kilala nya ako mula pa noon napapaisip talaga ako.., hhhhmmm nagkakilala na kaya kami dati?? Tanung ko sa sarili ko
Inabala ko lang ang aking sarili sa trabaho dahil baka maabutan na naman nya akong nag-iisip at tulala baka kung anu na naman ang sabihin nya sa akin...
Marami syang ibinigay na trabaho sa akin habang sya ayon at may ka-date na bulati, hahahaha ✌ paano ba naman kasi ang payat nang kasama nya balita ko ay modelo daw yun, ay ewan kung totoo yun kasi hindi naman ako mahilig manoud or mag basa nang mga magazine kaya di ko sya kilala, isa pa bagay naman silang dalawa dahil pareho silang mayaman....
Sa dami nang trabaho ko hindi ko na namalayan na mag gagabi na pala at sumasakit na ang aking tyan dahil sa gutom pero kailangan kung tapusin ang mga ibinigay sa akin dahil kailangan nya daw ito bukas, kaya kahit gusto ko nang umuwi ay hindi pwede at kailangan kung mag-over time, kakainis talaga yun dapat nandito din sya at tinutulungan ako dahil sya ang boss 😔 nakakaasar tapos ako pag may lakad or date hindi pinauuwi nang maaga, hhaaaiissttt nasaan ang hustisya 😭 hindi man lang nya naisip na nagugutom na ako., huhuhuh hirap talagaang maging mahirap....
Makalipas ang dalawang oras ay sa wakas natapos ko na din ang lahat at hello!!!! Alas otso na po nang gabi at ito ako nagpapakabayani para lang wag mapagalitan nang boss...
Inayos ko na ang gamit ko at uuwi na ako dahil ang sakit na nang likod ko at higit sa lahat masakit na tyan ko at mata ko 😭 tapos uuwi ako nang alanganing oras at tiyak na mahihirapan na akong makasakay nito, ggrrrrr
Pag labas ko nang kompanya may mangilan-ngilan pang empleyado na pauwi na din, naglakad ako habang hawak ang aking mobile at nakikinig na lamang ako nang music pang tanggal pagod, mag-aabang ako nang bus at sana hindi ako abutin nang matagal kasi nakakatakot na ang panahon ngayon....
Halos kinse minutos n akong nag aabang ay wala pading dumaraan at kung mayroon man ay punuan na ito, hindi naman ako pwedeng makisiksik dahil naka sout pang opisina ako... hehehe alam na 🤣
Maya-maya may tumatatwag sa telepono ko at nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay mas nainis ako, wow akalain mo naisipang tumawag? Akala siguro nito hindi ko tinapos ang pinagagawa nya 😏 sinagot ko na lang ang tawag nya at baka kung magalit pa hahaha
Yes boss?? Sagot ko
Hhhmm., nagawa mo ba ang pinagagawa ko?? Sabi nito
Tinapos ko lahat at dahil dun inabot ako nang ganitong oras, inis kung sagot
Babayaran ko ang overtime at isa pa trabaho yun at wag kang aangal.... seryosong sagot nito
Ou nga trabaho ko nga yun kaya nga tinapos ko na diba?! Tsaka hindi muna kailangang tumawag kasi inilagay ko na dun sa drawer ang mga ducumment na kailangan mo, sagot ko
Hhhmmm, nasaan kaba at ang ingay mukhang maraming sasakyan? Pag-iiba nito nang usapan
Obvious ba? Pauwi na po ako at nag-aabang nang masasakyan pauwi, sagot kong pang-inis
Till me kung saan ka banda? Utos nito sa akin
Why??? Sagot ko
Ihahatid kita para dika na mahirapan mag antay nang masasakyan, sabi nya
No thank's, mas gusto ko ang mag bus kaysa sumakay sa sasakyan mo, tanggi ko
Biglang tumahimik sa kabilang linya at natuwa naman ako dahil dun... hahahaha

BINABASA MO ANG
Unintentionally Be My Wife...
DragosteNadia Samonte., mabait na kaibigan at tumulong kay Jessie upang makatakas sa lalaking ayaw nitong pakasalan, ngunit paano kung ang pagtulong nya sa kaibigan ay kapalit nito ang galit at poot sa lalaking mapapangasawa nang matalik na kaibigan... Jack...