kabanata 25

440 23 7
                                    

Nadia

Nagkakasayahan ang lahat nang biglang natuon ang pansin sa malaking screen at ipinakikita nito ang mga larawan at short video clip., tuwang-tuwa ang lahat dahil sa mga nakikita, bumalik sa kanilang alala ang masasayang nakaraan...

Nadz, sa tingin mo sino kaya ang pakana nang mga ganyan?! Akalain mo naipon nya ang mga larawan na yan., hahaha ang galing sabi nito sa akin

Wala akong alam sa kong sino ang may gawa nyan., hhhhmmm masasabi ko na talagang pinaghandaan nya ang lahat nang yan para sa ating lahat..., sagot ko sa aking kaibigan

Ang saya nang lahat at nagsisigawan lalo na nung ipakita ang isang short video clip sa loob nang basketball court kung saan ang groupo nila Marlon at Jack ang maglalaban., palakpakan ang mga nakakapanoud...

Nilapitan ako ni Marlon at naupo sa aking tabi...

Nadz, para sayo., sabay abot nya nang strawberry cake sa akin...

Salamat., ngiti kong sabi

Ang papayat pa natin noon at aaminin ko na naging pasaway talaga ako noon at hindi naging maayos ang pakikisama ko sayo.., pasensya kana hinging paunmanhin nito sa akin

Kalimutan muna yun dahil nakalipas na ang lahat, sagot ko kay Marlon

Lumapit ang waiter at may dala itong wine, kumuha ang dalawa kong kaibigan at inabutan ako, ayaw ko sanang kunin kasi medyo napaparami na ang aking naiinum pero nakakahiya naman na tanggihan ko kaya kinuha ko na din...

Sa pag-uumpisa nang unang laban sa pagitan nila Marlon at Jack kanyan-kanyang kampihan ulit gaya nang dati...

Ang ganda nang laban at parehong magagaling., mayroon ding kanya-kanyang pangkat nang kababaihan na makikita sa video., pinaiikot ang camera para lahat ay makita sa loob nang basketball court...

Nakita din ang pagpasok naming magkaibigan at tuwang-tuwa ang dalawa kong kaibigan at kilig na kilig nang makita...

Hahahaha.., nakita nyo mga itsura natin noon? Para tayong mga dyosa., hahahaha sabi ni Mitch

Hahaha., dyosa talaga friend??! Sagot naman ni Trish

Natawa din ako bigla.., nang makita ang itsura namin noon

Naupo kami sa pang-apat na hilera para mas malapit at makikita agad kami noon nang groupo nila Marlon dahil sila ang sinusuportahan namin nang panahong yon....

May kanya-kanya kaming dalang plakard itinataas namin yun sa tuwing nakaka score ang kopunan nila Marlon

Dahil dikit ang score ay naghihiyawan ang lahat., may nagsisigawan at ang iba naghahampasan., hahhaha

Nagpatuloy ang laban at halos pagod na ang lahat nang manlalaro., nagkaroon nang half-time break, gusto ko sanang lapitan noon si Marlon at bigyan nang tubig pero hindi ko tinuloy dahil nakalapit na sa kanya ang payatot na si Angie...

Naupo na lang ako hanggang sa nag-umpisa na ulit ang laban., dahil sa abala ako sa kakaisip nang kung ano man yun ay di ko napansin na iba na pala ang hawak kong plakard...

Nagtayuan ang lahat para sa pag-uumpisa ulit nang laban.., makikita sa video na nagsisigawan kami nang mga kaibigan ko at bigla namin itinaas ang hawak naming plakard...

Unintentionally Be My Wife...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon