Nadia
Hindi ako bumaba at nanatili lamang ako sa loob nang kwarto, kailangang makaisip ako nang paraan para makatakas kay Jack, nakakainis naman bakit sa dinami-dami pa nang lalaki sa mundo ay sya pa talaga ang makaka engkwentro ko at bakit naging kasal kami?? Paanong naging totoo ang kasalang iyon samantalang isa lamang iyong kasiyahan sa paaralan?? Paanong hindi ko man lang nalaman na kasal ako., teka nga., 🤔 nagkataon lang ba na nakapasok ako sa kompanya o baka si Jack din ang sana likod nang lahat nang yon?? Imposible naman kasi na matatanggap ako nang ganoon kadali sa isang kompanya nang hindi ako nahirapan., napaisip akong bigla.
Nag iikot-ikot ako sa loob nang kwarto at nag-iisip kong paano makakaalis., kong hawak ko lang sana ang aking telepono sana nakahingi na ako nang tulong sa aking mga kaibigan., hhaaayyyyssstt kakainis paano ang gagawin ko 😔
Maya-maya ang naririnig ko ang mga yapak ni Jack sa hagdanan., kinabahan ako at di malaman ang gagawin.., inihanda ko ang aking sarili kailangang makalabas ako nang bahay kahit anong mangyari...
May nakita akong isang mahabang flower vase at inalis ko ang bulaklak na nakalagay doon., hindi porke't boss kita ay hindi kita sasaktan., bou na ang aking loob kaya nang pumasok sya sa kwarto at pagbukas pa lang nya nang pintuan ay agad ko syang hinampas sa ulo nang flower vase., dahil sa hindi nya inaasahan ang ginawa ko ay napaurong sya nang kaunti at yun ang sinamantala ko na makalabas nang pintuan at tumatakbong pababa nang hagdanan.
Pagdating ko sa sala ay agad akong lumapit sa pintuan para buksan ito, ngunit naka lock ito kaya pumunta naman ako sa kusina at nakita ko na mayroon pang pintuan doon, nagulat ako nang paghawak ko ay naka bukas at hindi naka lock., dali-dali akong lumabas at tumakbo hanggang sa gate, hingal na hingal ako at ang sakit nang aking paa dahil wala akong tsinelas man lamang na sout, hindi ako nawalan nang pag-asa nang makalapit ako sa gate ay binuksan ko kaagad ito at himala na nakabukas din ito., natuwa ako at s wakas ay makakalaya na ako sa kamay ni Jack.
Nakalabas na ako nang gate pero nagulat ako dahil wala man lang palang kapitbahay ito., resthouse nga pala ang lugar na ito at natatandaan ko na dito nya dinala noon ang aking matalik na kaibigan., at nagpunta kami noon para maayos ang problema nang magkasintahan., paano ang gagawin ko ngayon? Tanong ko sa aking sarili at lumakad muli ako at nagbabakasali na may tao sa paligid para makahingi nang tulong.
Nakita kong wala man lang katao-tao, sinadya ba nito na walang papuntahin sa lugar na ito dahil may binabalak syang di maganda??! Gggrrrr 😤 inis kong sabi sa aking sarili
Masakit na ang aking paa pero tinuloy ko padin ang paglakad-takbo, ngunit nakita ko bigla na paparating si Jack at nataranta ako, hindi ako nag-aksaya nang panahon at tumakbo muli ako, hindi ko napansin na mayroong naka usling sanga sa dinaanan ko, naramdaman ko na lamang ang hapdi at may dumaloy na dugo sa aking benti...
Napaupo ako sa sakit.,, oouuucchhh sabay hinahawakan ko ang aking sugat, pinilit ko padin na makatayo dahil malapit na si Jack sa aking kinaroroonan., tumayo ako bigla pero dahil sa sakit na nararamdaman ko ay natumba ako.
Nadia, sigaw sa akin ni Jack nang makita nya akong natumba.
Wag kang lalapit., pigil ko sa kanya dahil naabutan na nya ako.
Anong ginagawa mo huh?! Galit na tanong jya sa akin
Hindi mo ba nakikita? Gusto kong umalis dito! Sigaw kong sagot sa kanya
Hinawakan nya ang aking braso saka sinabi nyang...
Hindi ka makakaalis dito nang hindi ko sinasabi., seryoso nitong sabi sa akin
BINABASA MO ANG
Unintentionally Be My Wife...
RomanceNadia Samonte., mabait na kaibigan at tumulong kay Jessie upang makatakas sa lalaking ayaw nitong pakasalan, ngunit paano kung ang pagtulong nya sa kaibigan ay kapalit nito ang galit at poot sa lalaking mapapangasawa nang matalik na kaibigan... Jack...