016// Ricky

117 9 20
                                    

Ricky So (09-14-18)
***

Ricky So
Active now •

Fri 20:43

Ricky So

Sonya

May itatanong ako.

Nga pala

Happy Friday the 13th. Hahahaha

Uyy

21:01

Ricky So

Sonya sumagot ka. Huhu

Ikaw lang pwede kong pagtanungan.

Totoo yata talaga yung the 13th. Ang malas ko ehh. Ayaw akong replyan ng nag-iisang tinanong ko.

HAHAHAHA 
✓seen 22:05

22:05

Sonya Marie Molina

Hala preee

Sorry slrrr.

Naglaba ako kanina.

Anong itatanong mo?

Sorry talagaaaaa.

Ricky So

Ayun! Buti sumagot ka na.

Ricky So: is typing...

Sonya Marie Molina

Tungkol saan ba yung itatanong mo?

Jowa mo ulit? Hahahaha

Ricky So

Anong pwedeng iregalo sa kaniya? Birthday niya na sa Linggo. Pupunta ako sa bahay nila.

Ricky So: is typing...

Ricky So

Ay wow. Paano mo nahulaan? Hahaha

Sonya Marie Molina

Syempre naman. Ako lang naman ang pinagtatanungan mo tungkol sa jowa mo.

Ba't ayaw mo kasing magtanong kina Kara? O kahit sina Ai o Theo?

Ricky So

Di naman ako pwedeng magtanong ng regalo kina Theo. Baka panlalaki pa ang maisip o 'di magustuhan ni Cel.

Sonya Marie Molina

Sabagay. Hahaha

Sonya Marie Molina: is typing...

Sonya Marie Molina

Tingin ko 'wag na yung chocolate o bulaklak. Handmade letter nalang o kahit ano basta ma-effort.

Hahahaha

Depende pa rin sa kaniya kung mahilig siya sa mga ganon

Itanong mo na lang kaya bukas sa kaniya

Ricky So

Papiliin ko nalang siya tapos pabilhin sa Shopee. Tapos COD. HAHAHA

Sonya Marie Molina

Gege. Aabangan ko ang paghihiwalay niyo bukas. Balitaan mo nalang ako. HAHAHAHA

Ricky So

Joke lang.

Bukas nalang natin pag-usapan. Hahaha

Sonya Marie Molina

Oks

Ricky So

Tenksss
✓seen 21:22

He's Online! (Online #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon