060// Bryan & Sonya's Journal

110 18 45
                                    

Luis Bryan Dy  (October 14, 2016)
***

Luis Bryan Dy

Fri 04:31

Bebiii <3

Happy 1st anniversaryyyyy! *sabog confetti 🎉🎉 🎉

I still love you, bhie. And I will always love you. Salamat sa lahat ng memories natin, kahit na hindi nila alam yung tungkol sa atin, gusto kong malaman mo na proud ako bilang girlfriend. At sana balang araw, maipakilala rin kita sa parents ko.

Again, I love you bhieeee.

Bhiee

Happy anniversary din bebi Sonya. I love you too. 😍 😍

Saan mo gustong mag-celebrate mamaya? Maaga naman yung uwian natin mamaya. My treat.

Bebiii <3

Kahit saan naman. Nag-aaral pa naman tayo at walang trabaho

Kahit doon lang sa malapit sa school na kainan

Bhiee

Okay. Your choice. See you later, bebi.

Bebiii <3

See you too!! Labyuuuu.

Bhiee

I'm really glad that I met you. Sana, hanggang dulo tayo pa rin.
###

 Sonya's Journal (11-03-18)
***

Sonya's Journal

Bakit nga ba ako nag-backread sa mga messages niya? Especially sa anniversary namin. Haha. Potek ang sakit! Sana hanggang dulo raw. Hanggang saan umabot yung sanang yun?!

Hanggang April 27, 2017!! Isang taon lang, pre.

Ang bata ko pa pala nito. Hahaha. Ang corny pa ng tawagan ampotek! Bhie at bebi?!  Well, siguro nga masyado akong inlove noon. (Eh ngayon kaya?) Medyo nalang siguro. Wala kasing closure. Iniwang bukas ang sugat sa puso ko.

Kailan kaya kita makakalimutan? Ay mali-- Kailan ko kaya mararamdaman na miss ko nalang yung memories at hindi ikaw mismo?

Pero paano kaya kung naging legal tayo? Magtatagal kaya tayo hanggang sa dulong sinasabi mo?

Sa tingin ko, hindi pa rin. Wala eh. Nagbago bigla. Pinagsisihan mo yata yung desisyon mong mahalin ako kasi nga bata pa tayo. O kaya naman...

Ay basta! Sana hindi mo nalang ako chinat noon. Sana hindi ka nalang nag-pursigi na suyuin ako sa chat gabi-gabi. At sana hindi ako nahulog sa mga mensahe mong  matamis! Wala, eh. Mabilis mahulog 'to. Sana pala, hindi nalang kita pinayagang manligaw sa CHAT. Eh di sana hindi rin natapos yung relasyon natin sa pagsabi ng "sorry" sa CHAT!

Kainis.

-Sonyang mahal ka pa rin hanggang ngayon. Bwisit ka!

He's Online! (Online #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon