045// Sonya's Journal

177 23 34
                                    

Sonya's journal (10-22-18)
***

Sonya's Journal

Wow. Friend request. Hanep!! Para sa'n 'yon? Para hindi na ako makapag-backread sa mga luma niyang mensahe? Eh tandang tanda ko pa nga yung huli niyang chat sa'kin. Tss.

"Sorry, I broke my promise. I'm breaking up with you."

"Sorry."

WTF! WTF! Nakakaiyak bwisit. Eh, kung i-decline ko kaya yung friend request niya tapos magsarili ako ng report? Haha. Kung pwede lang sana. O kung makipagpalit ako kay Theo? Tutal sabi naman niya, swerte ko raw dahil si 'ano' yung partner ko. Tsssss. Kaya lang tapos na silang mag-report, eh. Ang layo pa ng description ni Theo sa partner niya. Mukha namang matino habang nagrereport, kumpara naman sa partner ko!

Chat ko nalang kaya siya sa luma niyang account?? Tss. Wag na nga lang. Nakakainis talagaaaa!

Pa-add add pang nalalaman akala mo naman gusto talagang makipag-friend! Para sa reporting lang naman!

Kainis talaga! Bwiseeeet.

-Sonya Marie Molina
17:13

P.S. Ako lang talaga ang marupok at nag-iisip ng kung  anu-ano. Tss

He's Online! (Online #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon