039// Sonya's Journal

183 25 39
                                    

Sonya's Journal (10-15-18)
***

Sonya's Journal

Who says I don't remember it? Honestly, I clearly remember our first anniversary. One word to describe it? Magical. Dahil iyon ang unang beses na hinayaan ko ang sarili ko na magtiwala sa kaniya. Just like in Disney movies, I thought we'll have our own happy ending. But it turns out to be an ending that I don't want to have.

Ngayong araw, may nagbigay sa akin ng bulaklak. Hindi ko alam kung may koneksyon ba sila ni Bryan dahil pati 'anniversary' namin, alam niya. Kahapon pa naman dapat 'yon, October 14, pero walang pasok kahapon kaya siguro ngayon nagbigay. What do you think? How did he know about it? Why does he keep on helping me?

Sino ba siya?

At kanina pala, kinulit ako ni kuya tungkol sa nagbigay ng bulaklak. Sasabihin ko sanang si Bay Max pero baka akalain niyang may topak ako. Hindi ko kasi alam yung tunay niyang pangalan. Ayoko namang ipakita kay kuya convo namin dahil malalaman niyang nagkaroon ako ng boyfriend noon. Buti nalang at alam niyang "mahaba" ang buhok ko, not literally. In short, habulin ng lalaki.

Pero ang alam niya rin, wala akong pinatulan ni isa sa mga sumubok na ligawan ako. Hindi niya alam na naging kami ni "ano" noong 1st year college.

Bahala na kung malaman nila o hindi. Sana lang, maka-move on na ako bago dumating ang araw na iyon.

-Sonya Marie Molina

He's Online! (Online #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon