20 "A Siren Call (Hear My Agony)"

601 26 2
                                        

SASKIA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SASKIA'S POV

HER EXPRESSION became barren. All the visible emotions from her delicate features had been drained away as her dull eyes engraved in my position.

I watched the whole room be enveloped by her very own shadow, oblivious to what is waiting for me. Still, I remained vigilant, refusing to let my guard down against her.

This isn't the first time I encountered something as strange as this. But this is still beyond my comprehension, of my reality.

Nasaksihan ko ang buong mansyon na parang litratong napupunit pababa kanina, is this some sort of another illusion?

Tanging ang pigura lamang niya ang nakikita ko ngayon. Kulay itim ang buong paligid, kahit ang lapag, o kahit ang itaas na bahagi namin. Para akong ikinulong sa kawalan. ". . . What are you doing?"

Nanatili siyang tahimik. Kusa nang gumalaw ang palad ko para maglabas ng spell papunta sa direksyon niya, ngunit kahit kaunting sugat sa katawan niya ay wala siyang natamo.

My heart suddenly skipped a beat nang bigla akong mahulog sa malalim na kawalan, na tila may nabuksan na pinto sa kinatatayuan ko. Sa sobrang lalim nito, hindi ko mapigilang mapasigaw.

Pinanood niya ako kung paano mahulog mula sa itaas na bahagi ko. Agad siyang naglaho sa paningin ko at napalitan iyon ng nakakabinging mga tunog. Napahawak ako nang mahigpit sa ulo ko nang marinig ko ang ilang daang boses sa isipan ko na sabay-sabay na nagsasalita.

Ano na naman ito!?

Bumagsak sa paligid ko ang ilang imahe ng iba't-ibang pangyayari na ang Norbary Mansion ang pangunahing tagpo. Mabilis na nagbago ang mga pangyayaring nakapaloob dito, ngunit hindi ko nagawang sundan iyon dahil sa sakit ng ulo ko, dala ng mga boses na patuloy na sumisigaw sa isipan ko!

Everything suddenly snapped out.

Napapikit ako sa huling matinis na tunog na naiwan. Biglang tumahimik ang kapaligiran. Isang nakakabinging katahimikan ang lumapat sa loob ng kawalan.

Is this the end of me? Kasabay ng pagbaba ng aking kamay ay ang unti-unting pagdilat ko.

Mga huni ng ibon, ingay ng mga kuliglig, ngunit kakaiba ang dala nitong tunog sa aking tenga. Everything felt so surreal for my senses. Is this a dream?

A different place. Again. The trees, the falling foliages, and the quiet wind were painted in dreamlike scenery. I saw an old wooden swing near a pond and under a huge tree, creeking with a harsh noise. It was cradling a small figure of a girl, one with a black hair. She started humming a lullaby in a low voice.

The Lost Orb [PFS #1, The Bearer]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon