Andito kami ngayon ng mga ugok kong kaibigan,kahit ugok yan mahal na mahal ko yan.
"Oh pre saan muna tayo?"tanong ni Ken kay Stell,sya nagyaya kaya sya dapat nakakaalam kung saan kami pupunta.
"Kain muna tayo,gutom na ako."reklamo ni Josh,kakain lang kanina eh.
"Kakain mo lang ng Pasta kanina sa bahay eh!"sigaw sa kanya ni Jah.
"Manahimik nga kayo,hindi na kayo nahiya."sabi ko sa kanila at umirap.
"Attitude."sabi ni Josh kaya tinignan ko sya,"Joke lang."bawi nya at nag piece sign,pinabayaan ko lang sya.
Kanina pa kami palakad lakad dito.
"San ba talaga tayo Vester?"tanong ko sa kanya,naiinip na ako dito.
"Sa puso ko yieee."pang aasar nya,tumawa naman sila,kahit kailan talaga tong mga to.
"Uwi nalang tayo."reklamo ko at mauuna na sanang maglakad,nag sumigaw si Stell.
"Cine tayo!"sigaw nya kaya yung ibang tao nag si tinginan samin,buang.
"Kala ko si Ken lang buang."sabi ko,hinila naman nila ako papunta dun sa cinehan.
Habang pumili sila ng movie,nagpaalam muna ako pupuntang cr.
"Cr lang ako."paalam ko sa kanila,tumango lang sila.
Papunta na sana ako sa cr ng may mabangga akong tao,natumba kami parehas,ang sakit ng pwet ko.
"What the-"di ko na natuloy sasabihin ko ng tumayo sya.
"I'm sorry,nagmamadali kasi ako,pasensya na."sabi nya at naunang umalis,napairap nalang ako,tumayo ako at inayos ang sarili.
"Tsk,sakit ng pwet ko."sabi ko,napatingin naman ako sa lapag ng may maliit na papel.
Kinuha ko yun at tinignan.
"Myca Dela Cruz."basa ko sa nakalagay,"Minacan Company."basa ko uli,at nakita ko sa may baba ang number.
So isang calling card to,may ari to ng babae kanina,di ko nahalatang babae sya kasi naka mask sya na black at naka hoddie,short at naka sumbrero na black din,puro black?
Nagmamadali raw sya,may tinatakasan kaya sya?bat ko ba iniisip yon!
"Arghh!"sabi ko at napasabunot,hinayaan ko nalang iyon tsaka nilagay sa bulsa ko ang calling card na yon at pumunta nalang sa cr.
Paglabas ko ng male room,nakita ko nakasandal doon si Ken,nilapitan ko naman sya.
"Bakit ka andito?"tanong ko,napatingin naman sya sakin.
"Antagal mo eh,pinasundo kana sakin ni Stell."sagot nya,tumango lang ako.
"Tara."yaya ko,tumango lang sya.
Pagbalik namin don,nakita kong nakaupo sila Stell sa upuan,nung nakita nila ako agad na tumayo si Stell at niyakap ako.
"Akala ko ano nangyare sayo."nag aalala nyang sabi,inalis ko naman yakap nya.
"Ang oa mo!"sigaw ko sa kanya.
"Nag aalala lang kami,ano ba nangyare bakit antagal mo?"tanong nya.
"May nakabangga lang ako."sagot ko,tumango lang sya.
"Sejun!"sigaw ni Ken dito sa tabi ko,nasa tabi ko lang naman sumisigaw pa.
"Pablo."pagtatama ko.
"Tsk arte mo pangalan mo naman yun pareho."sabi nya,tinawanan ko lang sya.
"Tara gala muna,3pm pa daw simula nung movie."sabi ni Stell,tumango lang kami at naglakad lakad uli.
Bakit di ko maalis sa isip ko yung babaeng yun?di ko naman naaninag mukha nya ah.
BINABASA MO ANG
Chasing Your Way | SB19 Pablo✔
Fanfictionstatus: COMPLETE Cʜᴀsɪɴɢ Yᴏᴜʀ Wᴀʏ Bᴏᴏᴋ Oɴᴇ (𝙲𝚈𝚆) ✈︎He has been looking for a woman for a long time, because they were close friends when they were young but they separated when the woman's family had problems, until it came to another country, so...