CYW TWENTY

86 3 0
                                    

MYCA POV

Ilang araw na nakalipas nung hanapin namin si Xy,sabi nga ni Pablo,suko na raw sya.

Pero nalulungkot ako para sa kanya,mahal nya yung tao pero di nya mahanap.

"Ma'am Myc,may may bisita ka po."sabi ng secretary ko kaya napatingin ako sa kanya,sinenyasan ko sya na papasukin.

"Bes!"hingal na bungad ni Haily,bat to hinihingal?

"Oh anyare sayo?"tanong ko at pinuntahan sya,pinaupo ko muna sya sa sofa ko dito sa office,sinenyasan ko din si Lyca na lumabas muna,alam kong may importante tong sasabihin.

"What happen to you?"tanong ko at naupo na din sa tabi nya.

Huminga muna sya ng malalim bago mag salita,"Naalala mo yung pumunta kayo sa Batangas para hanapin si Xy ba yon?"tanong nya.

"Hindi ko yun makakalimutan,ano ako may amnesia?"suplada kong tanong,may binulong naman sya pero di ko narinig.

"So ano don?"tanong ko uli.

"Na-nahanap ko na si Xy."sabi nya dahilan manlaki ang mata ko,natulala muna ako bago marealize ang sinabi nya.

"Saan?!"pasigaw kong tanong.

"Paalam mo muna kay Pablo."sabi nya,tumango naman ako at kinuha ang cellphone ko para icontact si Pablo.

[Hello Myca bat ka napatawag?]bungad nya sakin.

"Pwede ba mag kita tayo sa coffee shop?important lang."sagot ko.

[Sure.]sagot nya at pinatay ang tawag,hinarap ko naman si Haily,naabutan ko syang nakangisi kaya nagtaka ko syang tinignan.

"Oh nginingisi mo?"tanong ko.

"Huh?wala tara!"sigaw nya at hinila ako palabas ng office.

"Ma'am saan kapo?"nagtatakang tanong ni Lyca.

"Ikaw na muna bahala dyan,may importante lang kaming pupuntahan."tumango naman sya,hinatak na ako ni Haily,sinamaan ko sya ng tingin ng makapasok kami sa elevator.

"Bakit parang excited ka?"tanong ko at nag cross ng arm.

"Kasi nga matagal na hinahanap yun ni Pablo,and habang wala kayo dito tumulong din ako sa pag hahanap."may puso naman pala.

"Ah,kala ko wala kang pake alam."

"Grabe ka naman,kaibigan ko sya kaya may pake alam ako."sabi nya,napairap nalang ako.

Nang bumukas ang elevator,kinalakad nya uli ako palabas ng building,tumigil kami sa parking lot at pinapasok sa loob.

Hiningal tuloy ako,loko loko tong babaeng to.

Tahimik lang kami habang nag dridrive sya,maya maya nakarating na kami sa coffee shop.

Bumaba na kami at pumasok sa coffee shop,binati kami ng mga staff doon,nginitian ko lang sila.

Nahagilap ng mata ko si Pablo kaya niyaya ko si Haily doon.

"Pablo.."tawag ko sa kanya,napatingin naman sya saamin.

"Upo muna kayo."sabi nya,magkatabi naman kaming umupo ni Haily.

"Umorder na ako,hintayin nalang natin."nakangiting sabi nya.

"So ano pala pag uusapan natin?"tanong nya,di ko alam kung mag sasalita ba ako.

"Pablo,sana naman wag ka masyado magulat sa sasabihin ko."sabi ni Haily.

"Huh?bakit naman ako magugulat?"tanong ni Pablo at natawa ng mahina.

Bakit ako kinakabahan?

Huminga muna ng malalim si Haily bago mag salita.

"Nahanap ko na si Xy."

Chasing Your Way | SB19 Pablo✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon