CYW THIRTY - TWO

88 5 0
                                    

MYCA POV

Unti unti kung dinilat ang mga mata ko.

"Madam gising kana po pala."napatingin ako kay Lyca ng magsalita ito.

"Myca.."napatingin din ako sa taong tumawag sakin,oy andito si Stell.

"Stell,bat ka andito?"tanong ko,at tinulungan ako ni Lyca maupo.

"Tinawagan kasi ako ni Lyca,sabi nya andito ka raw sa hospital."nahiya naman ako.

"Sorry na istorbo kapa."nakayukong sabi ko,umiling naman sya.

"Ayos lang,ang mahalaga okay ka na."sabi nya.

"Madam Myca po ba talaga pangalan nyo?"nagtataka ko naman tinignan si Lyca.

"Psst!sasakit uli ulo nyan!"sabi ni Stell kay Lyca,nagtakip naman ng bibig si Lyca.

"Ay sorry po."kahit wala akong maintindihan tumango nalang ako.

"Myca bat di mo sinabi saamin na may amnesia ka?"tanong bigla ni Stell.

"Ako may amnesia raw?"tanong ko din pabalik,kung may amnesia ako edi sana di ko na sila kilala.

"Nevermind."sabi ni Stell,"Lalabas muna ako ah?"tumango naman ako.

PABLO POV

[Dre hindi ako makapaniwala.]bungad ni Stell sakin,tumawag kasi sya.

"Bakit?"taka kong tanong.

[Sa tagal natin nakasama si Myca,may amnesia pala sya.]nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Stell.

[Kaya pala madalas sumasakit ulo nya.]dagdag nya pa.

Di ko alam kung ano sasabihin ko.

[Dre feeling ko hindi talaga sya si Myca,i mean may tunay syang pangalan.]sabi ni Stell.

"Asan kaba ngayon?"tanong ko.

[Nandito sa hospital,sinugod kanina si Myca eh.]

"Eh bat di mo agad ako tinawagan?"

[Akala ko kasi wala kang pake sa kanya.]napa facepalm nalang ako.

"Text mo sakin!"sigaw ko bago ibaba ang tawag.

"Babe sino yon?"tanong ni Xy.

"Si Stell,pupunta lang muna akong hospital."sabi ko.

"Huh?bakit may nangyare bang masama kay Stell?"tanong nya,ayaw ko naman mag sinungaling sa kanya.

"Hindi..si Myca nasa hospital."sagot ko.

"Sasama ako."sabi nya at kinuha ang jacket nya,hindi na ako umangal pa.

Habang nasasakyan kami di ko maiwasang sabihin sa kanya sitwasyon ni Myca.

"May amnesia pala sya."sabi ko,nakita ko naman sa reflection ng salamin ang pag kagulat nya.

Ganon din naman reaction ko nung malaman ko.

"Paano nalaman?"tanong ni Xy,bakit sya kinakabahan?

"Sabi ata ng doctor."sagot ko habang nasa daan ang tingin.

Bigla nalang natahimik si Xy hanggang sa pag baba namin ng kotse at pagpunta sa room ni Myca.

"Babe bakit kanina ka pa tahimik?"tanong ko kay Xy at hinawakan ang kamay nya.

"May iniisip lang."tumango naman ako,unti unti kong binuksan ang pinto at nakita ko si Myca nagtatawanan sila ni Stell.

"Akala ko makakalimutan ko kayo."natatawang sabi ni Myca.

"Oh Pablo andito ka na pala."sabi ni Stell,napatingin naman si Myca saamin.

Ngumiti lang sya tsaka pinagpatuloy ang paglalaro ata sa cellphone nya.

"Myca kamusta?"tanong ni Xy sa kanya.

"Ayos lang ako."sagot nya habang nasa cellphone lang ang tingin.

"Pablo can we talk?"tanong ni Stell,tumango naman ako at nagpaalam kay Xy na lalabas muna kami.

"Ano ba paguusapan natin?"tanong ko kay Stell.

"Pablo sabi kasi nung secretary nya na bago daw mawalan ng malay si Myca is nabanggit nya daw yung pangalan mo 'Sejun'."bigla naman ako napatingin kay Stell.

"S-sejun daw?"utal kong tanong,tumango naman sya.

"Alam ko hindi mo sinabi yon sa kanya."

Ang daming tanong sa utak ko,sya ba si Xy?!arghh nakikita ko talaga sakanya si Xy eh!

Parang kailangan kong kilalanin ng mabuti si Myca para malaman ko kung sino sya talaga.

ANOTHER SOMEONE POINT OF VIEW

"Pano ba yan Boss!nalaman na nila na may amnesia si Myca!"bulyaw ko mula sa Boss kong wala ng paramdam.

[How?!sabi ko bantayan mo ng maayos yan eh!]sigaw nya din pabalik saakin.

[Nakoo **** ayus ayusin mo trabaho mo!]

"Oo ako na aayos neto!"sabi ko tsaka binaba ang tawag.

"Sino kausap mo?"tanong sakin ni Lyca na secretary nya.

"None of your business."sagot ko at inirapan sya.

"I heard it all."nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya,hinawakan ko ang pisngi nya at diniinan ito.

"Subukan mong sabihin lahat kay Myca,malilintikan ka sakin."banta ko sa kanya.

Pilit nyang inaalis ang pag kakahawak ko sa pisngi nya.

"Mamili ka,papatayin kita pag sinabi mo sa kanya mga narinig mo o mananahimik ka nalang?"tanong ko.

"M-mananahimik nalang."utal nyang sagot,nginisihan ko naman sya bago balikan doon si Myca.

Chasing Your Way | SB19 Pablo✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon