Papunta ako ngayon sa room ni Myca,nag dala rin ako ng prutas balak ko mag sorry dahil nga nasigawan ko sya kahapon.
Pag pasok ko nakita ko ang nurse na inaayos ang higaan nya,kaya nagtaka ako.
"Nurse asan na yung pasiyente dito?"tanong ko,tumingin naman saakin ang nurse.
"Ay Sir Nase,wala na po yung patient dito,dinala na po sya sa Japan,balita ko po doon na nalang daw po sya magpapagaling."sagot ng nurse.
"Sige salamat."sabi ko at dali dali lumabas,bakit yun umalis?
Tinawagan ko si Haily,alam kung magkasama sila ngayon.
"Haily bakit dadalhin mo si Myca sa Japan?"agad kong tanong.
[I'm sorry Pablo,ayaw ka nyang makita ngayon,hayaan mo muna sya.]napapikit nalang ako,bakit kasi nasigawan ko sya bakit di ko kinontrol galit ko?
Binaba ko na ang tawag at naglakad na palabas ng ospital.
Myca kailan ka babalik?
I'm sorry.
MYCA POV
"Bakit pala sinama mo ako pabalik ng Japan?"tanong saakin ni Haily.
"Hahayaan ko munang makapag isip isip si Pablo."tumango naman sya.
"Haily,naguguluhan ako,bakit ayaw ako paniwalaan ni Pablo na ako si Xy?"nakita ko ang paglaki ng mata nya,"Bakit?"tanong ko.
"Nakakaalala kana?"taranta nyang tanong,tumango naman ako.
"Bakit ka natataranta?"nagtataka kong tanong.
"As in naalala mona kung sino ka?"tanong nya muli.
"Ako lang naman si Xy Hanashi Garcia."sagot ko sa tanong nya,nanlaki naman ang mata nya.
"H-hindi ikaw si Xy,ikaw si Myca hoy."sabi nya pabirong hinampas ako,inarapan ko naman sya,bakit ba hindi sila naniniwala?
"Naalala ko na yung pinaka malungkot na nangyare sakin non,yung pinatay si Mama sa harap ko."nakayukong sabi ko.
"Hindi namatay si Mommy i mean hindi namatay Nanay mo,buhay kaya sya inaantay ka papuntang Japan."sabi nya naipinagtaka ko.
"Ang weird nyo."sabi ko.
"Oww teka!"sigaw ko.
"Ano yun?"takang tanong ni Haily saakin.
"Yung necklace na bigay ni Pablo,naiwan ko sa bahay."nakayukong sabi ko,napaface palm nalang si Haily.
"I miss him kaso kailangan ko muna lumayo sa kanya,kasi nga galit sya dahil sa ginawa ko sa kanila ni Xy,kahit wala naman ako kasalanan."
"Alam pagod lang yan,matulog ka nga muna."sabi nya,inirapan ko lang sya.
Maya maya naramdaman ko na ang pag baba ng eroplano,4 hours ang byahe at andito na kami sa wakas!
Bumaba kami ni Haily ng eroplano syempre nakasakay pa ako sa wheelchair,then may benda pa ang ulo ko.
Pag baba namin ng eroplano,nag intay pa kami saglit sa airport para sa susundo saamin,agad naman kami sumakay doon.
"Hayts sakit ng likod ko kakaupo."reklamo ni Haily,tinawanan ko lang sya.
"Miss ko na si mommy."sabi ko.
After 30 minutes na byahe pauwi sa bahay namin,bumaba na kami at inalalayan uli ako ni Haily.
Pag pasok ko ng bahay agad bumungad sakin si Mommy,niyakap nya agad ako.
"Oww my princess,i miss you."sabi nya.
"I miss you too po."sabi ko,kinuha nya naman ako kay Haily,pero nakita ko silang ngumisi sa isa't isa,bakit?
"Are you hungry baby?"tanong nya sakin,tumango ako,namiss ko kasi mga luto ni mommy dito.
Habang kumakain nagkwentuhan lang kami kung anung ganap ko doon sa pinas,at syempre kasabay namin si Haily.
"Mommy may tanong ako."sabi ko tinignan nya naman ako.
"Diba ampon mo lang ako?"hindi na ako nasaktan malaman yun kasi nung simula magkaalala ako naisip ko na yun.
"Huh?no."sagot nya,bakit ba ang weird nila.
"Pagod ka lang Myca."sabi ni Haily,wala ba akong nagawa kundi kumain nalang.
After kumain umakyat na ako sa kwarto ko,arghh namiss ko to,napaganda parin andito padin ang mga nakadikit na anime ko sa bawat pader.
Nagbihis ako ng pantulog at tsaka nag skin care,paglabas ko ng kwarto naabutan ko si Haily at Mommy nag uusap,kaya sumilip muna ako tsaka nakinig sa usapan nila.
"Yaks mom,ako kaya yung true princess mo."sabi ni Haily at nag cross ng arm,nag taka naman bakit nya tinawag na mom si mommy?
"Don't be jealous,ikaw naman talaga yung baby ko hindi sya yaks."sabi ni mommy,hindi ko maintindihan.
"Mommy,ano na gagawin natin?bumalik na alaala nya."
"Kung tuluyan nalang kaya natin sya?bakit kasi di pa sya natuluyan nung naaksidente sya."hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko,gusto ba ako mamatay ni mommy?
"Kaya nga mom eh."sabay irap ni Haily,di ko na napigilan lumapit na ako sa kanila.
"Ano to mom?bakit tinatawag mo syang anak?"iyak kong tanong.
"Ako naman kasi ang totoong anak nya!"sigaw ni Haily.
"Psst Haily."saway sa kanya ni mommy.
"Mom,sabihin mo na sa kanya ang totoo,mamamatay naman na sya bukas."sabi ni Haily,ang mukha ni mommy na naaawa ngayon nakakatakot na.
"Tama nga sinabi mo kanina ampon ka lang,pero di kita tunay na minahal."sabi nya,nagpunas naman ako ng luha.
"Kasi si Haily ang tunay kong anak at ikaw!panira ka lang saamin."sabi nya.
"Hindi naman talaga kita tinuring na kaibigan."napatingin naman ako kay Haily,di ko alam ano sasabihin ko.
"Sa ngayong nakakaalala kana dapat kanag mawala!"sigaw ni mommy at tinulak ako.
"Mom!"sigaw ko.
"Wag mo akong tawaging mom,kasi di kita anak,alam mo sa totoo diring diri na ako sayo eh!"sigaw nya sakin,kaya mas lalong umagos ang luha ko.
Pinagtulakan nya ako palabas,hanggang sa mapalabas na nila ako,at saktong umuulan pa.
"Don't worry hahanapin ka namin bukas,mag pahinga ka muna kasi bukas sasama kana sa totoo mong nanay."nakangising sabi ni Haily at sinara ang pinto,wth.
Saan ako ngayon pupunta?
Naglalakad lang habang umuulan,di ko naman alam kung saan ako pupunta,habang palayo ng palayo nandidilim ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko nalang na nahiga na ako sa hallway na dinadaanan ko.
"Xy!"
BINABASA MO ANG
Chasing Your Way | SB19 Pablo✔
Fanfictionstatus: COMPLETE Cʜᴀsɪɴɢ Yᴏᴜʀ Wᴀʏ Bᴏᴏᴋ Oɴᴇ (𝙲𝚈𝚆) ✈︎He has been looking for a woman for a long time, because they were close friends when they were young but they separated when the woman's family had problems, until it came to another country, so...