CYW THIRTY - SIX

88 6 0
                                    

Pag pasok ko sa pinto kung saan nandon ang mga pulis,agad tumakbo papalapit saakin si Xy at sinampal ako dahilan nanlaki ang mata ko.

"Ang kapal kapal talaga ng mukha mo no?"umiiyak nyang sabi,tinignan ko naman sya ng nagtataka.

"Ganyan kana ba kaselfish?"tanong ni Pablo na papalapit sa gawi ko,kita ko sa mata nya ang galit.

May nagawa ba akong mali?

"Teka guys,ano ba ginagawa nyo?"tanong ni Stell tumakbo na din papalapit saamin.

"Bat ka pa sumama sa kanya Stell?"tanong ni Pablo kay Stell at tinuro ako,naguguluhan na ako.

"Kasi sya nagsabi na nawawala kayo."sagot ni Stell na halata din sa mukha nya ang pagtataka.

Napasabunot naman si Pablo at hinarap ako.

"Ang galing mo din umakting no?"natatawang sabi nya.

"Chief!"tawag nya sa isang pulis,lumapit naman agad ito.

"Sya!"sigaw nya at tinuro ako.

"Sya ang mastermind ng lahat!"sigaw nya pa uli,tumingin naman saakin ang pulis.

"Ikaw?!"di makapaniwalang tanong nya.

"Anong mastermind?!hindi ako ang mastermind nito!"sigaw ko,lumapit naman na sakin ang dalawang pulis para pusasan ako.

"Sa prisinto kana mag paliwag."sabi ng isang pulis at pinosasan na,nagpupursigi pa ako para makaalis,pero mas malakas sila at dinala nila ako sa sasakyan nila.

"Please wala akong kinalaman don!tsaka ako na nga tumulong eh!"sigaw ko.

"Shut up!"sigaw ng isang pulis na katabi ko,tumulo nalang ang mga luha ko.

Bakit ganon?ako na nga tong tumulong ako pa ang sisisihin?mukha ba akong masama,criminal?

PABLO POV

"Hindi ako makapaniwala."tulalang usal ni Stell,nasa sasakyan na kami ngayon papuntang prisinto para sa mga hihingiin nilang paliwanag saamin.

"Kahit ako din eh,lahat pala ng pinapakita nya peke."sabi ko.

"Pero Pablo,wala sa ugali nya yon at hindi talaga halata."

"Kasi ang galing nya umakting,yon lang yon!"sabi ni Xy na nasa tabi ko ngayon.

Maya maya huminto na ang van na sinakyan namin,una akong bumaba at inalalayan si Xy.

MYCA POV

Andito ako ngayon sa interrogation room.

"So ikaw nga ang mastermind ng lahat?"tanong sakin ng pulis.

"Mukha ba akong mastermind ng gulo?!"pasigaw kong tanong.

"Hindi halata sa mukha,malay naming magaling ka pala umakting."kunti nalang masusuntok na kita kahit pulis ka.

"Nagbigay si Sir.Pablo ng ebidensya,at ito iyon."sabi ng isang pulis ay plinay sa cellphone nya ang kung ano man yung ebidensya na yon.

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang pinagsasabi ko,yun yung pinagsalita ako ng mga lalaking kumidnap sakin.

Tumulo bigla ang luha ko,"So hindi talaga ikaw ang mastermind."may halong pang aasar na sabi ng pulis.

Pulis ba talaga to?ang fanny nya naman,mukhang may saltak sa utak.

Natahimik ang loob,at tanging maririnig mo lang ang pag hikbing ko.

Bakit ang hina hina ko?hindi ko kayang mapatunayan na wala talaga akong kasalanan.

Maya maya pinusasan na nila ako,marami oa silang tanong pero wala akong nasagot kahit isa.

Paglabas namin ng interrogation room nakita ko si Xy at Pablo,agad naman sila lumapit saakin.

"Deserve mo yan!"sigaw ni Xy sakin,na mas lalong bumuhos ang mga luha ko.

Sana pala di ko na ginawa ang inutos sakin ng mga lalaking yon edi sana ayos ako ngayon,pero para rin naman to sa malalapit sakin,siguro nga tama deserve ko to.

Walang emosyong nakatingin lang sakin si Pablo,nginitian ko lang sya.

Tsaka yumuko,dinala naman na ako ng mga pulis at pinasok sa prison,umupo lang ako sa gilid at iyak ng iyak.

"Sya yung sikat na CEO dito sa pilipinas diba?"tanong ng babaeng nakakulong din dito.

"Akalain mo yun,pinagtangkaan nyang patayin ang sikat na song writer pati ang girlfriend non dahil mahal nya lang si Pablo."naiinis naman ako sa sinabi nya kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan lalo't wala kang alam!"tumayo din naman sya mas malaki sya sakin dahil mataba sya.

"Matapang ka ah."sabi nya at tinulak ako natama naman ang likod ko sa bakal,ang sakit p*tangina.

"Wag kasi mag tapang sa harapan ko di mo ako kaya."sabi nya at nagtawanan naman ang mga kasama nya.

Lord ikaw na po bahala sakin.

Chasing Your Way | SB19 Pablo✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon