SOMEONE POINT OF VIEW
"Ma'am itutuloy mo ba talaga yung plano?"tanong sakin ng tauhan ko,what?!ano sa tingin nya sakin duwag para di ko ituloy yung plano ko?
"Of course itutuloy ko!"pasigaw kong sagot sa kanya,argh nakakairita ah.
"Pero ma'am,naguguilty ako,kaibigan nyo paman din sya."sabi nya,napairap nalang ako.
"Maguilty ka wala akong pakealam!umalis ka nga sa harapan ko nakakairita ka!"sigaw ko sa kanya,sumunod naman sya agad.
Tinignan ko ang picture sa screen ng laptop ko.
"Ikaw target ko ngayon,hindi pwedeng mapunta sayo ang gusto ko."and i smirk.
PABLO POV
"Dre sigurado kaba talaga?"tanong sakin ni Ken,kanina pa ah.
"Oo nga."sagot ko,balak ko sana makipag meet kay Myca para humingi ng tawad sa ginawa ko.
"Baka mamaya papatay ka nyan."natawa nalang ako sa sinabi ni Ken,ang OA nito eh.
Kwinento ko sa kanila ang nagawa kong kalokohan,at di rin ako matatahimik pag di ako nakakapag sorry.
"Pag tinawagan mo uli yun,baka sya na agad ang baba ng tawag pag nalaman nyang ikaw yun."sabi ni Stell,wala akong pake basta ang gusto ko makapag sorry ako sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim bago tawagan uli yuny number ni Myca.
"Hello.."i said.
[Hello po ano po kailangan nila?]iba yung boses,hindi to si Myca.
"Si Myca Dela Cruz,andyan ba?"tanong ko.
[Nasa meeting po sya,sino po sila?]tanong nya.
Nilayo ko muna ang phone ko at tinignan yung apat.
"Ano daw?"tanong ni Josh pero di ko sya pinansin.
"Magpapakilala ba ako?"tanong ko.
"Syempre."sagot ni Stell,huminga ako ng malalim bago bumalik sa tawag.
"I'm John Paulo Nase."sagot ko sa tanong nya,narinig ko naman ang mahina nyang 'omygod'.
[Sasabihin ko nalang po kay boss Myca.]sabi nya,napatango ako bago patayin ang tawag.
"Ano na daw dre?"tanong ni Ken.
"Nasa meeting daw si Myca kaya iba yung sumagot."sagot ko sa tanong nya.
Tumango din sila,"Pero weird narinig ko sabi ng kausap ko 'omygod'."sabi ko sa kanila kaya napatingin sila sakin.
"Baka kilala ka."sabi ni Stell,baka nga.
"Nako Sejun natin sikat!"sigaw ni Ken,nagtawanan naman sila.
"Pablo."pagtatama ko.
"Arte mo,parehas mo-"di nya na natapos sasabihin nya ng tumunog ang cellphone ko,napatingin ako doon bago tignan yung apat.
"Baka sya na yan."sabi ni Josh tumango lang ako,"Goodluck pinuno!"sigaw ni Jah.
Sinagot ko yung tawag.
[Hello,this is Myca Dela Cruz,what do you need?Sir Pablo?]kilala nya ako?
"Pwede ba tayo mag meet?"kinakabahan ako why?
[Yes po,kailan ba?]tanong nya.
"Bukas sa coffee shop."sagot ko.
[Okay.]sabi nya at pinatay ang tawag,attitude nito ah.
"Pumayag?!"pasigaw na tanong nilang apat,tumango ako.
"Goodluck Pablo."Stell said,inirapan ko lang sya.
Kahit na kinakabahan ako sa pag amin ko na ako yung nantrip sa kanya,patuloy parin ang hirap kaya itago kinsensya mo.
MYCA POV
Palabas na ako ng office ko ng biglang sumakit yung ulo ko,napahawak ako dito.
"Ma'am anyare po?"nagaalalang tanong ni Lyca.
"A-ang sakit n-ng ulo ko."sagot ko,napadiin na ang hawak ko dahil mas lalo syang sumakit.
Biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo na ako sa sahig.
"Ma'am tatawag po ako ng tulong!"sabi ni Lyca at lumabas ng office.
Maya maya bumalik na sya may kasama syang apat na staff dito.
"Ma'am ano po nangyayare,Andrew bilisan mo yung sasakyan!"sigaw ni Kath isa staff namin.
Unti unti ng nanlalabo ang paningin ko,bago ako mawalan ng malay may nahagilap akong tao,naka puti sya mahaba ang buhok.
"Mama.."i said,hanggang sa dilim na ang nakita ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Your Way | SB19 Pablo✔
Fanfictionstatus: COMPLETE Cʜᴀsɪɴɢ Yᴏᴜʀ Wᴀʏ Bᴏᴏᴋ Oɴᴇ (𝙲𝚈𝚆) ✈︎He has been looking for a woman for a long time, because they were close friends when they were young but they separated when the woman's family had problems, until it came to another country, so...