Nandito ako ngayon sa sofa,di parin mawala sa isip ko yung nakabangga ko kanina."Pablo kanina kapa tulala."sabi ni Stell at naupo sa tabi ko.
"May iniisip lang."sabi ko,tumango naman sya.
"Eh ano yang hawak mo?"biglang tanong nya kaya agad ko tinago yung calling card na hawak ko.
"Nothing."sagot ko.
"Hmm,Sejun kilala kita,wag ka magtago samin."sabi nya,napaisip naman ako,huminga muna ako ng malalim.
"Yung nakabangga ko kanina."panimula ko,tumango naman si Stell.
"Ano meron sa kanya?"tanong nya.
"Di ko kasi sya makalimutan,tapos itong papel.."sagot ko at hinarap ang papel sa kanya,"Nakita ko,baka sa kanya to."dagdag ko.
"Myca Dela Cruz."basa nya sa pangalan,"Ano naman meron sa kanya?"tanong ni Stell.
"Di ko alam."sagot ko.
"Teka Pablo,wag mong sabihin na.."di nya tinapos ang sasabihin nya dahil bigla sya ngumisi sakin,nagtataka ko naman syang tinignan.
"Na love at first sight ka."nakangisi nyang sabi,tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Buang kaba Stell?di ko nga masyado nakita mukha nya kasi balot na balot sya."sabi ko at inirapan sya.
"Tsk,joke lang naman."sabi nya,"Baka naman may something."dagdag nya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"What?"tanong ko.
Magsasalita na sana sya ng magsilabasan ang mga ugok sa lungga nila,joke.
"Ano pinaguusapan nyo?pashare naman."sabi ni Josh at naupo sa sahig,ganon din si Ken si Jah naman naupo sa single sofa.
"W-wala."utal kong sabi,bat ako nauutal?!
"Bat ka nauutal?may di ba kami nalalaman?"tanong ni Josh na may halong oang ngangasar.
"Tsk ano ano pinagiisip nyo,na love at first sight lang si Sejun."dahil sa sinabi ni Stell nabato ko sya ng unan.
"Yiee!kanino?!"sabay sabay sabi ng tatlo nasapo nalang ako ng noo.
"Bahala kayo dyan."sabi ko at tumayo tsaka dumiretso sa kwarto namin ni Stell.
Umakyat ako sa double dick namin at napatitig sa kisame.
"Sino ba sya?"
"Bakit di sya mawala sa isip ko?"
"Di ko naman sya kilala."
Sigh
"Arghh!"
BINABASA MO ANG
Chasing Your Way | SB19 Pablo✔
Fanfictionstatus: COMPLETE Cʜᴀsɪɴɢ Yᴏᴜʀ Wᴀʏ Bᴏᴏᴋ Oɴᴇ (𝙲𝚈𝚆) ✈︎He has been looking for a woman for a long time, because they were close friends when they were young but they separated when the woman's family had problems, until it came to another country, so...