"Ano ba kailangan mo sakin?!"pasigaw kong tanong sa babaeng nasa harap ko ngayon.
"Hmmm..."sabi nya at umaktong nag iisip.
"Simple lang,ang masira ka."nagtataka ko naman sya tinignan,anong masisira ako?hindi naman ako bagay ah.
"Ano ibig mong sabihin?"tanong ko,kailan ba ako makakawala dito?
"Di mo gets?wag mo na alamin."sabi nya at iniwan ako,nagpursigi parin ako na makawala sa pag kakatali nila sakin.
Medyo sumaya ako ng maramdaman kong lumuwag ang tali ko sa kamay,agad ko iyon tinanggal at sunod naman ang nasa paa ko.
Naglakad ako ng dahan dahan dahil baka maabutan nila ako dito.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na ang labasan,agad ako kumaripas ng takbo,buti nalang walang nakakita sakin.
Nakapaa lang ako habang palakad lakad,ng makita ko may papalapit na taxi agad ako pumara,tsaka sumakay.
Sinabi ko sa driver kung saan ako bababa,maya maya andito na ako sa condo namin ni Haily,lumabas agad ako para kumuha ng pera dahil wala akong dala.
Agad ko din dinial ang number ni Stell dahil malakas ang kutob ko na nasa masamang tao si Pablo at Xy.
[Hello Myca,bakit?]
"Stell asan si Pablo?"agad kong tanong habang ginagamot ang mga sugat ko.
[Lumabas sila ni Xy kanina,tapos kanina pa sila di bumabalik.]sagot nya sa tanong ko na lalo akong kinabahan.
"Natawagan mo na ba si Pablo?"tanong ko.
[Hindi,kasi baka makaistorbo ako kung ano man ginagawa nila.]napafacepalm naman ako,alam ko pinapahiwatig nya hahaha.
"Tawagan mo,kung di sya sasagot,samahan mo ako hanapin sila ni Xy."
[Huh asan ba sila?]nag aalala na tanong ni Stell.
"Hindi ko alam,kaya nga natin hahanapin diba?"pamimilosopo ko.
[I mean,bakit kailangan natin sila hanapin?]tanong nya uli.
"Basta,mag kita nalang tayo."sabi ko at pinatay ang tawag,agad ako ng suot ng hoddie na color brown tapos jeans na color black,baka kasi makita ako mamaya ng mga homolup sakin yari na,nag mask din ako.
Sumakay na ako ng kotse ko at pinuntahan si Stell kung saan sya nagtratrabaho ngayon.
PABLO POV
Nagising ako dahil sa sakin ng ulo ko,hahawakan ko na sana ang ulo ko ng hindi ko maigalaw ang kamay ko,napatingin ako don,nakatali pati ang mga paa ko.
"Gising kana pala."sabi ng babaeng nakamaskara,bakit familiar ang boses nya?
"Please,pakawalan mo na si Pablo,kahit ako nalang."napatingin ako sa gawi ni Xy,parehad kaming nakatali,nagpursigi akong tanggalin ang tali kaso masyadong mahigpit.
"Wala naman ako gagawin sainyo,basta ang sabi ni Myca,hold upin kayo at pahirapan."kahit naka maskara sya alam kung nag smirk sya.
"M-myca?"utal na tanong ni Xy,ako sana magsasabi non pero naalala ko may tape pala tong bibig ko kaya di ako makapag salita.
"Yes,sya ang nag utos nito."bigla naman tumulo ang luha ni Xy,ililigtas kita dito at mayayari saakin si Myca.
"Pag katapos ko sya patawarin dahil sa ginawa nya,ganto gagawin nya saamin ni Pablo."kahit ako ganon din iniisip.
"Ang ingay nyo!"sigaw ng babae nato,at lumapit kay Xy,pilit ako tumayo baka ano gawin nya kay Xy,may binulong sya dito tsaka ngumisi bago umalis.
Tinignan ko lang Xy na nakatingin lang din sakin.
"Pablo sana di ko nalang sya pinatawad."nakayukong sabi nya.
Hindi naman ako makapagsalita.
Napatingin kami sa pinto ng bumukas ito,nakita ko ang mga pulis na pumasok,agad naman nagsigalaw ang mga bantay dito pero bago pa nila galawin ang mga baril nila naunahan sila ng mga pulis.
Tinulungan naman ako ng isang pulis na alisin ang mga nakatali sa kamay ko,ganun din ang isang pulis kay Xy,pagtapos matanggal lahat sakin agad ko sya nilapitan at niyakap.
"May ginawa ba sila sayong masama?"nag aalala kong tanong,agad naman nya ako niyakap at narinig ang hagulgol nya.
"Hindi ko akalain na magagawa saatin to ni Myca."umiiyak nyang sabi,kahit ako din eh.
Mag sasalita na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko dahilan napaghiwalay kami ng yakap ni Xy.
"Pablo!"sigaw ni Stell at agad ako niyakap.
"Ano nangyare sa inyo,sino may gawa nito?"nag aalala nyang tanong at tumingin sa gawi ni Xy.
"Si Myca."nakayukong sagot ni Xy,nanlaki naman ang mata ni Stell.
"Paanong si Myca?"tanong nya,hindi ko din alam eh.
"Eh sya kaya-"hindi na natapos ni Stell ang sasabihin nya ng agad tumakbo kung saan si Xy at sinampal ang babaeng nasa harap nya ngayon.
MYCA POV
Nang makarating ako sa tapat ng building na trinatrabahuan ni Stell,agad ko sya tinawagan na nandito na ako,maya maya naman nakita ko na sya palabas.
"Tara na!"sigaw ko,umupo naman sya agad sa tabi ko.
"Saan natin sila hahanapin kung wala ka namang idea kung saan sila."bigla sabi ni Stell.
Hindi ko sya sinagot,bigla nalang na may pumasok na lugar sa isip ko kaya sinabihan ko si Stell na tumawag ng pulis at pumunta sa lugar na pumasok sa utak ko.
"Sure ka ba doon natin sila makikita?"tanong ni Stell.
"Di ako sure pero,may nag sasabing pwedeng nandon sila."hindi na sya sumagot hudyat nandito na kami sa lugar.
Maya maya dumating na din ang mga pulis,nauna silang pumasok sa bawat pinto,tutulong din ako sa paghahanap.
"Stell doon ka dito ako."sumunod naman sya agad.
Marami kasing pintuan kaya hindi mo talaga malalaman kung saan sila banda dito.
Bubuksan ko na sana ang isang pinto ng may narinig akong salita sa loob.
"Haily mukhang mag tatagumpay ang mission mo ah."natatawang sabi ng isang babae,nag taka naman ako dahil sa pangalang binanggit nya.
"Of course,galing nga din umakting ni Jail eh."natatawang sabi nya,ang gulo hindi ko maintindihan.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng may kumalabit saakin,si Stell.
"Nakita na daw ng mga pulis sila Pablo."sabi nya,tumango naman ako sinenyasan sya na mauna.
Tumitig muna ako sa pinto bago ako maglakad palayo.
Haily,Jail?ano meron?anong mission?ayaw ko mah assum pero bakit pangalan nila?
Atsaka sino si Jail?
BINABASA MO ANG
Chasing Your Way | SB19 Pablo✔
Fanfictionstatus: COMPLETE Cʜᴀsɪɴɢ Yᴏᴜʀ Wᴀʏ Bᴏᴏᴋ Oɴᴇ (𝙲𝚈𝚆) ✈︎He has been looking for a woman for a long time, because they were close friends when they were young but they separated when the woman's family had problems, until it came to another country, so...