CYW TWENTY - FOUR

88 4 0
                                    

MYCA POV

Unti unti kung dinilat ang mga mata ko,subrang liwanag ng nakikita ko,napatingin ako sa gilid ng makita ko si Haily.

"H-haily."tawag ko sa pangalan nya,agad naman sya tumayo at nilapitan ako.

"Gising kana pala,may masakit ba sayo?"tanong nya,umiling lang ako bilang sagot.

"Haily,lagi nalang ako nahihirapan."biglaang sabi ko,napatingin ako kay Haily dahil biglang lumaki ang mata nito.

"Bakit?"tanong ko sa kanya,agad naman napawi ang pagkagulat nya.

"Wala."sagot nya.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito,iniluwa nito si Josh at Stell.

"Myca,gising kana pala."sabi nila,at nilagay sa mini table ang dala nilang plastic i think food ang laman non.

"Kamusta kana?may masakit ba sayo?"takang tanong ni Josh ng makalapit sya saakin.

"Wala."simple kong sagot,tumango naman sya.

"Bakit pala nahimatay nanaman daw ako?"tanong ko habang nasa kisame lang ang tingin.

"Dahil-"hindi natuloy ni Stell ang sasabihin nya ng bumukas uli ang pinto,napatingin ako doon at biglang nanakit ang puso ko,why?

"Pablo at Xy,andito pala kayo."sabi ni Haily.

"Oo pinuntahan lang namin si Myca para kamustahin."sabi ni Pablo,umiwas ako ng tingin ng tumingin sya sakin.

Aaminin ko,sa ilang buwan naming pag sasama,nahulog na ako oo nahulog na ako ng tuluyan sa kanya,kaya ako nasasaktan ng ganito,pero wala akong magawa kundi tanggapin ang dapat,wala na akong karapatan sa kanya dahil mag kaibigan nga lang kami,wala akong lulugaran dahil si Xy ang nasa puso nya.

Pero bakit sabi ng puso ko may pag asa pa ako?na alam ko naman sa sarili ko na malabong malabo,subrang mahal nya yung taong matagal nya na hinahanap,saan pa ako?

"Oh okay ka lang Myca?natulala ka ata."nginitian ko lang si Stell at umiling.

"Magpapahinga muna ako."sabi ko.

"Hindi ka ba kakain?"napatingin ako kay Pablo,umiling lang ako at ipinikit ang mga mata ko.

Sana pag gising ko wala na lahat ng kahirapan kong ito,ano ba kasi pumapasok sa isip ko bakit ako nahihimatay?alam kong hindi lang basta stress to.

PABLO POV

"Pablo ang ganda nya nga."sabi ni Josh,sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Calm down bro."sabi nya at tinaas ang dalawa nyang kamay.

Andito kami ngayon sa park,sabi ko nga ipapakilala ko yung future girlfriend ko,yes si Xy.

"Kailan mo balak ligawan?"tanong ni Josh.

"Sa tamang panahon."sagot ko,alam kong hindi pa to ang tamang panahon,and i know na parehas kami ng nararamdaman pero di pa dapat ngayon.

"Hmm..ikaw bahala basta kami support lang."napangiti naman ako sa sinabi nya.

"How about Myca?"natigilan naman ako dahil sa tanong nya.

"What do you mean?"taka kong tanong sa kanya.

"Wala kabang nararamdaman sa kanya?"medyo natawa ako ng mahina.

"Wala Josh,mahal ko si Xy at di na magbabago pagmamahal ko kay Xy."sagot ko tumango tango naman sya.

Tanaw namin dito sila Jah,Stell at Xy maglalaro daw muna sila,parang mga bata lang eh.

While Ken?ayon sa malayong bench nakaupo nakasalpak sa tenga ang earphone,ano pa ba ginagawa?edi anime nanaman.

Napatingin ako kay Josh dahil tumunog ang cellphone nya.

"Si Haily tumatawag."sabi nya,hinarap ko naman sya ng maayos,baka may importante lang tong sasabihin.

"Hello Haily."panimula ni Josh.

Rinig namin ang paghinga nya,hingal na hingal sya.

"Ano nangyare?"nag aalala na ngayon ang mukha ni Josh.

[Si...]tumigil muna sya sa pag sasalita para habulin ang hininga nya.

"Huh?"

[Si M-myca sinugod s-sa hospital.]utal nyang sagot,dahil sa narinig ko nanlaki ang mata ko.

"Saang hospital?!"halos pasigaw na tanong ni Josh.

[Tetext ko nalang sayo.]sagot nya at binaba ang tawag,agad tumayo si Josh kaya tumayo na rin ako.

"Stell!"tawag nya kay Stell.

Tumakbo naman si Stell sa gawi namin.

"Bakit?"tanong nya habang hinahabol ang hininga.

"Tara samahan mo ako sa hospital."sagot ni Josh,umayos naman ng tayo si Stell.

"Bakit?"takang tanong nya.

"Sasama ako."sabi ko,umiling lang si Josh.

"Sumunod nalang kayo ni Xy,mauuna kami ni Stell."sabi nya at hinila na si Stell paalis.

Bakit lagi nalang nasa hospital si Myca?ano ba ang sakit nya?

Chasing Your Way | SB19 Pablo✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon