PABLO POV
Naguguluhan ako sa sarili ko,di ko din alam kung bakit bigla ko nalang inakbayan si Myca,nakikita ko talaga sa kanya si Xy.
"Thanks Stell,ang sarap ng luto mo."nakangiting sabi ni Myca kay Stell.
"Wala yon."sabi naman ni Stell.
"Saan naman tayo bukas?"tanong ni Myca at napatingin sakin.
"Lilibutin natin ang buong batangas."sabi ko,natawa naman sya,ganon din yung apat.
"Mahal mo talaga kaibigan mo no?"natatawang sabi ni Myca,oo super mahal ko yun.
"Mag kamukha nga kayo eh."sabi ko,natigilan naman ako sa sinabi ko pati mga kausap kong to.
"A-ah,baka magkahawig lang talaga kami."nahihiyang sabi nya at umiwas ng tingin,nakita ko naman namula pisngi nya,ang cute.
"Ako na mag huhugas para na man may ambag ako sa lipunan."sabi ni Ken,lipunan talaga?
"Tulungan na kita."sabi sa kanya ni Myca,na simula ng ayusin ang mga plato.
"Kaya ko na to Myca,don kana."sabi ni Ken,grabe naman to maka taboy kay Myca.
"Ammm..okay sabi mo eh."sabi ni Myca.
"Movie Marathon nalang tayo!"excited na sabi ni Jah,sumangayon naman kami.
Halos 1 linggo rin kami sa pag hahanap kay Xy,pero hindi parin namin sya matagpuan hanggang ngayon,niloloko ba kami nung nag text sakin non?
"Tubig oh."abot ko kay Myca,kinuha nya naman iyon at ininom,binaba ko muna ang mask ko bago uminom,mamaya kasi may makakilala samin.
"Balik na kayo tayo,hindi naman natin makita si Xy eh."sabi ni Josh,gusto ko nadin bumalik para sa trabaho ko pero mas mahalaga talaga si Xy.
"Kung gusto nyo bumalik,balik na kayo,asikasuhin nyo muna trabaho nyo."sabi ko sa kanila,at tumingin kay Myca dito sa tabi ko.
"Ikaw din bumalik kana,ako nalang bahala mag hanap kay Xy."sabi ko sa kanya umiling naman sya.
"Sasama parin ako."sabi nya,kahit alam ko na marami pa syang aasikasuhin sa trabaho nya,mas pinili nyang samahan ako.
"Sure ka Myca?"paninigurado ni Stell,tumango naman sya.
"Maasahan ko naman secretary ko."nakangiting sagot nya kay Stell.
"Pano,babalik na kami sa hotel para ihanda gamit namin."sabi ni Josh.
"Sige ingat kayo."sabi ni Myca at tumayo na sa pagkakaupo kaya ganon din ako.
"Masosolo mo na sya."biglang sulpot ni Ken sa tabi ko,binatukan ko naman sya,pero ang loko tumawa lang.
"Don ka na Ken!nandidilim paningin ko sayo!"galit na sabi ko,tumawa lang sya habang papasok ng van.
"Ay ano pala sasakyan nyo pabalik?"tanong ni Stell.
"Papahatid ko nalang kotse ko rito."sabi ni Myca,tumango naman si Stell.
"Sige na una na kami."sabi ni Stell,at kumaway pa.
"Ingat Myca!"sigaw ni Jah bago pumasok sa van,pinanood lang namin sila paalis,nang mawala na sila sa paningin namin hinarap ko si Myca,may kausap sya sa phone baka ipapakuha nya na yung kotse nya.
"Dadalhin nalang daw ni Kuya Dex sa hotel yung kotse ko."sabi nya,tumango naman ako.
MYCA POV
Pagtapos ko tawagan si Kuya Dex para ihatid sa hotel yung kotse ko,naglakad uli kami para ipatanong kung kilala o nakita nila si Xy.
Nahagilap ko ang babaeng matanda kaya nilapitan ko ito.
"Nanay,kilala nyo ba to?"tanong ko sa kanya at pinakita ang picture ni Xy sa screen ng phone ko.
Nanliit ang mata nya para klaruhin ang tingin sa screen,maya maya tumingin sya sakin at biglang tumawa,nagtaka ko naman syang tinignan.
"Niloloko mo ba ako ija?"tanong nya habang tumatawa.
"Huh?hindi po."sagot ko.
"Ikaw yan eh."sabi nya at tinapik ako sa balikat.
"Paalam."sabi nya at naglakad na paalis,naistatwa naman ako dito,ayaw mag sink sa utak ko ang sinabi nya.
Naramdaman ko na may kamay sa balikat ko kaya napatingin ako don.
"Ayos ka lang?"tanony ni Pablo,tumango naman ako.
As in ba kamukha ko si Xy?
Arghh,parang sumasakit nanaman ulo ko ah.
BINABASA MO ANG
Chasing Your Way | SB19 Pablo✔
Fanfictionstatus: COMPLETE Cʜᴀsɪɴɢ Yᴏᴜʀ Wᴀʏ Bᴏᴏᴋ Oɴᴇ (𝙲𝚈𝚆) ✈︎He has been looking for a woman for a long time, because they were close friends when they were young but they separated when the woman's family had problems, until it came to another country, so...