MYCA POV
"Ate may kilala ba kayong Xy Garcia dito?"tanong ko sa babaeng may edad na 50+
"Xy Garcia?wala eh."sagot nya,tumango naman ako,naglakad naman ako sa gawi nila Pablo.
"Ano kilala daw nya?"tanong ni Josh sakin,umiling lang ako.
Halos mga 5 hours na kami palibot libot dito para tanungin kung kilala o nakita nila si Xy.
"Sumasakit ata ulo ko."bulong ko sa sarili ko,kinuha ko naman yung bottle ng tubig ko at ang gamot ko tsaka ininom yun.
"Sumakit nanaman ulo mo?"tanong ni Stell sakin at hinagod ang likod ko.
"Oo eh."sagot ko.
"Uwi na kayo tayo para makapag pahinga na si Myca."sabi ni Stell don sa apat.
"Tara gutom na rin ako."sabi ni Ken,halatang pagod na sila.
I check my phone kung anong oras na,4:00 pm na pala.
"Magluluto ako,Myca doon ka muna sa room namin,pati kayo Ken para salo salo nalang tayo."sabi ni Stell,tumango naman ako.
"Tara na."yaya ni Pablo sakin at inalalayan ako papasok ng van.
Nasa gitna ako ngayon ni Stell at Pablo,medyo naiilang pero keri naman HAHAHAH.
"Myca water?"
"Tubig?"
Sabay tanong sakin ni Stell at Pablo,nakaramdam naman ako ng hiya.
"Ah okay lang ako salamat."sabi ko,tumango sila pareho.
Mygodd ah!
Pag dating namin sa hotel,agad ako dumeretso sa room ko para magbihis muna,after ko mag bihis naupo muna ako at binuksan ang phone ko.
Napangiti ako ng makita nag text si Mommy sakin,akala ko di nya na ako itetext pero okay lang alam ko naman na busy sya.
Magandakongmama
Baby how are you?
I'm always okay mom,but..
Why baby?
Ammm..wala mom,sumasakit
lang ulo ko dahil sa stress.Wag ka masyado mag pa
ka stress,masisira beauty moMommy naman..
Hahah,btw baby balik na
si mommy sa workSige po,bye i love you
I love you too baby
Napangiti ako,miss kona mommy ko sa Japan,sabi ko nga di na ako makakabalik pero pwede parin naman ako dumalaw doon.
Maya maya naisipan ko na pumunta sa room nila Stell,kumatok muna ako bago buksan to ni Jah.
"Myca andyan kana pala,pasok."sabi ni Jah,pinapasok nya naman ako at pinaupo sa may sofa dito.
"Dyan ka muna."sabi ni Jah,tumango lang ako,nakita ko naman si Ken na galing ata sa kwarto nila dito.
"Myca hi."nakangiting bati nya sakin.
"Hello."sabi ko,maya maya pareho kaming natawa,baliw na kami.
"Oh ano tinatawa nyo dyan?"biglang sulpot ni Josh sa likod ni Ken at inakbayan pa nya ito.
"Wala po daddy."sagot ni Ken,natawa nalang ako sa kanila alam ko namang nagbibiruan lang sila.
Agad naman sya tinulak ni Josh pero mahina lang,"Gago!"sigaw ni Josh sa kanya.
"Pag pasensyahan mo na sila,mga buang lang yan."biglang sulpot ni Pablo,kaya natawa lang ako.
"Cute."bulong nya,hindi ko yun narinig kaya pinabayaan ko nalang.
Maya maya lumabas si Stell galing ata sa kitchen.
"Let's eat na."yaya nya,tumayo na ako para kumain,nahiya ako kunti pero okay lang ako kaya inimbita tapos tatanggi ako.
Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Pablo,napatingin ako sa kanya.
Tumawa lang sya,inalis ko naman ang kamay nya,baka makita kami ng mga kaibigan nya,nang makarating kami sa hapag kainan,naabutan ko si Jah na nagaayos ng pinggan.
"Nakita ko yun."biglang sulpot ni Ken,kaya napakapit ako kay Pablo dahil sa gulat.
"Oi oi oi oi."asar nila,agad ako bumitaw kay Pablo at umiwas ng tingin.
"Tsk,ito si Ken eh nang gugulat!"sigaw ni Pablo.
"Tigil na yan,kain na tayo."sabi ni Stell kaya sumunod nalang kami.
BINABASA MO ANG
Chasing Your Way | SB19 Pablo✔
Fanfictionstatus: COMPLETE Cʜᴀsɪɴɢ Yᴏᴜʀ Wᴀʏ Bᴏᴏᴋ Oɴᴇ (𝙲𝚈𝚆) ✈︎He has been looking for a woman for a long time, because they were close friends when they were young but they separated when the woman's family had problems, until it came to another country, so...