1

1.8K 52 56
                                    


Chapter 1

Halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang mapalayas ako sa amin.

Pano ba naman, nahuli akong may kahalikan ng mga magulang ko st pagdating ko sa bahay nasa labas na lahat ng gamit ko. Ni hindi man lang nila tinanong yung buong pangyayari.

"Hindi ko naman gustong halikan yon eh, rarapein ako nung oras na yon." Parang baliw kong kausap sa sarili kong kasalukuyang naglalakad sa madilim ma kalsada.

Napaupo na lang ako sa upuan ng waiting shed sa sobrang pagod at stressed. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Halo halo ang nararamdaman ko ngayong gabi.

Agad kong tinawagan si Vhong. Sya lang kasi yung alam kong available ngayon.

"H-hello Vhong." Hindi ka na napigilang umiyak ng husto sa sobrang takot at lungkot.

"Hello Vice? Okay ka lang? Bakit ka umiiyak? Nasaan ka?" Sunod sunod na tanong nito.

"P-pinalayas ako s-sa amin. Please tulungan mo ko Vhong please." Pagmamakaawa ko.

"Saglit hintayin mo ko dyan. Itext mo sakin yung location." saad nito at agad binaba.

Mabuti na lang at may load alo kundi hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko kase mahakbang yung paa ko. Feeling ko nanlalambot ang mga paa ko. Sino ba naman hindi malalanta? Pagkatapos ka muntik muntikan marape eh papalayasin ka ng magulang mo at hindi ka man lang pinakinggan. Blinock rin nila ang number at ang social media accounts nila sakin.

..

"Rape? Eh diba bakla ka?" Takang tanong ni Vhong

"Eh tignan mo nga yang katawan ni Sis. Muka bang lalaki yan?" saad ni Anne kay Vhong

Oo tama, bakla ako. Pero yes, oo, tama si Anne dahil parang babae ang katawan ko. Nagpalagay kasi ako ng balakang at nag pipills din ako kaya man sa unang tingin eh muka talaga akong babae.

"Ni hindi man lang pina explain ng mama't papa mo?" Tanong ni Jhong. Hindi ako sanay sa kanya maging seryoso kasi lagi kaming nagbabangayan nito.

"H-hindi. Binolock nila ako sa social media. T-tapos pag dating ko sa sa bahay nasa labas na lahat ng gamit ko." Pagkwekwento ko sa kanila.

"Anong plano mo ngayon sis?" Alalang tanong ni Anne.

"Hindi ko alam." Deretsahan sagot ko. Hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta at titira

Hindi naman kasi mayaman ang pamilya namin unlike kila Vhong, Jhong at Anne. Mabuti na lang at nakapagtapos ako ng pag aaral at kasalukuyang nag hahanap ng trabaho.

Flashback.~

Tinungo ko ang terminal ng jeep. Kakauwi ko lang galing sa mga pinaaplyan ko ng trabaho pero walang niisang tumanggap sakin ngayong araw. Gusto kasi nila ng may experience na pero gusto ng fresh graduates. Tanga ba sila?

Pagabi narin kasi, medyo wala nang tao. Bumaba ako ng jeep para maghanap ng tricycle pauwi. Halos ako na lang ang tao dito dahil 10:00pm na ng gabi. Ang traffic kasi, as if kung nagbago ang pinas?

"Psst Miss!" Nagulat naman ako ng may tumawag sakin. Agad ko naman itong nilingon.

"Bak--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla nya akong hagitin. Dinala nya ako sa madilim na parte ng isang kalye. Amoy na amoy ko ang amoy ng usok ng sigarilyo at alak sa bibig nya. Biglang nanlambot ang tuhod ko at hindi na makagalaw. Akmang hahalikan nya ako ng biglang may umilaw sa amin. Galing ito sa sasakyan. At tama, sasakyan ito ng mga magulang ko. Pero imbis na tulungan nila ako, nilagpasan ako. Bigla na lang tumulo ang luha ko.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon