27

739 42 11
                                    


VICE POV.

BANG!*

"MGA PEREZ AT VICERAL!!!!' sigaw na umalingawngaw sa isla.

"SINASABI KONG WALANG MAGIGING MASAYA SA INYO!"  Muling sigaw nito dahilan para mapakapit ako kay Ion.

Nakita ko namang lumabas si Tatay pati narin ang iba nyang mga tauhan.

"Putangina! nasundan tayo." saad ni Tatay at bigla na na lang hinagis ang isang bag sa amin.

"Bitbitin nyo yan, makakatulong yan sa inyo." saad nito. Nagtago muna kami sa may batuhan at binuksan ang bag na iyon.

May apat na baril, dalawang bullet proof, extra bala at emergency kit sa loob nito. Agad namin sinuot ang bullet proof at isuksok ang baril sa tagiliran namin. Ang isa naman ay hawak namin para handa sa kung ano man mangyari.

Naging tahimik ang buong isla, tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa amin. Bigla na lang kasing namatay ang ilaw nang makarinig kami ng putok ng bala.

"AKALA KO BA MATAPANG KAYO?! BAT KAYO NAGTATAGO!" sigaw muli nito at nagpaputok ng bala.

"Tang ina! Hindi na natapos!" bulong ko sa gigil habang hawak ni Ion ang kamay ko.

Maya maya pa ay nakita kong umabante na ang mga tauhan ni Tatay at ang Tatay ni Lorenz.

"Reynaldo, Reynaldo. Hindi ka pa namatay kasama ng lampa mong kaibigan?" asar na sabi ni Ronald. Naramdaman ko namang yumukom ang palad ni Ion.

"Ikaw? Bat di mo pa pinatay ang sarili mo kasama ng walang kwenta mong anak!" sagot ni Tatay.

"Pakielam ko don? Kahit ubusin mo pa lahi ko sisiguraduhin kong walang matitira sa inyo at uunahin ko yang bakla mong anak!" sambit ni Ronald na parang nababaliw.

Wala ba syang awa sa anak nya?

"Tapusin na natin to Ronald." madiing saad ni Tatay.

"Napaka tapang ng mga Viceral. Sisiguruhin kong malulunod ka sa sarili mong dugo." kampanteng sambit ni Ronald. Nababaliw na sya.

Naging mainit ang titigan nilang dalawa at bigla na lang na may nagpasabog ng usok sa harapan nila dahilan para hindi sila magkita kita.

*Bang/ *bang/

Sunod sunod na barilan sa dalawang panig. Halos mapuno ng tunog ng putok ng bala ang buong isla. Kasabay rin nito at paghampas ng alon.

"VICE ION TAKBO!" sigaw ni Tatay nang makita nya kami sa may batuhan at saktong may humarang na tauhan ni Ronald sa harap namin.

Bigla akong hinatak ni Ion at ipinapunta sa likod nya. Ilang segundo lamang, nakahamdusay ma ang tao sa harap namim gamit at baril na hawak nito.

Hindi na ako nagtaka kung bakit bihasa na sya sa mga ganito. Bukod sa artista sya at baka nagsanay din sya sa mga ganitong bagay.

Ang kaninang mabilis na pangyayari ay tila bumabagal. Hila lamang ako ni Ion habang nilalagpasan ang mga kalaban. Sa bawat hakbang namin ay may baril natumatama sa buhangin na dapat sa amin at dahilan para magsaboy ang mga buhangin sa paligid.

Bawat pagputok ng bala at pagtalsik ng dugo na ibang tauhan ni Ronald at ni Tatay, hindi ko naiinda ang takot sa halip ay para akong may kalasag gamit ang kamay ni Ion.

Alam kong hindi panahon para isipin ang lahat ng ito ngunit ito ang nararamdaman ko.

"Sumakay daw po kayo yate na yon. Kami na daw bahala tumakas." Sambit ng isang tauhan ni Tatay.

Agad kaming tumakbo tungi sa tinutukoy na yate. Mabuti na lamang at alam ni Ion kung paano paandarin ito.

Paalis at gayak na. Lumingon ako kung saan namin lilisanin ang magulong isla. May isang taong pumukaw sa mata ko.

Isang taong binaril sa dibdib at unti unting napaluhod.

"TAY!!!!!" sigaw ko ngunit mabilis kaming nakalayo.

"Tay, Tay." muli kong pagtawag sa kanya. Naramdaman ko naman ang presensya ni Ion.

"W-wala na si Tatay Babe, wala na sya." saad ko at tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ko.

"H-hindi na natin sya pwedeng balikan. I-im sorry babe." saad nya at niyakap ako.

"You dont have to say sorry. Sila ang may gawa nito, sila ang magbabayad nito." tila isang pitik lamang nagbago ang emosyon ko. Ang kaninang lungkot at hindi hinagpis, ang kaninang pagdadalamhati at pag ka balisa ay napalitan ng galit at poot. Poot na alam mong may kahahantungan.

"You're going to pay for what you've done ronald." tanging bulong ko sa sarili ko.

ION POV.

Ramdam ko ang nararamdaman ni Vice. Alam kong halos pagsakluban ng langit at lupa ang nararamdaman nya ngayon. Minsan ko na ring maramdaman na mapanood ang pagkamatay ng sarili kong tatay.

"Ipaghiganti ko Tatay at si Tito." saad ko na lang sa sarili ko habang nilalayag ang dagat.

Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta dahil sa tarantang makaalis sa isla na yon.

Nakita ko naman ang bag na natabi lang sa tabi ni Vice. Gising parin si Vice hanggang ngayon.

Kinuha ko ang bag baka sakaling may makatulong upang mahanap namin ang daan patungong Maynila.

Sakto namang nakakita akong ng brown envelope. Napatingin din si Vice at nakitingin din dito.

Naglalaman ito ng isang mapa pero wala akong nakitang daan patungo sa Maynila. May nakita din akong pirasong papel at agad naming binasa.

Mahal kong Tutoy,

     Ginawa ko 'tong liham na 'to bago pa man magsapit ang araw ngayon. Randam at inaasahan ko na na baka matalo ako sa laban sa pagitan namin ni Ronald.

    Hindi ko narin naman gustong magtagal pa. Alam kong mag aasawa kana at may sarili nang pamilya ang nanay mo. Si Jackie naman ay alam kong malayo ang loob sa akin dahil bata pa lamang sya noon nang iwanan ko kayo. Wala na rin naman sigurong silbi kung mananatili pa ako.

   Siguro ang tangi ko lang magagawa ay ingatan ka kahit wala na ako. Nandyan naman ang magiging asawa mo na Ion. Kilala at may tiwala ako sa kanya.

   Kung mababasa nyo man ito at nasa gitna kayo ng dagat. Pumunta kayo sa mapa na binigay ko. May iisang isla dyan na kailangan nyong puntahan. Sa gitna non, may bahay. May magpapaliwanag din sa inyo doon para maintindihan nyo lahat.

Mahal kita, mahal ko kayo ng Nanay at ng kapatid mo. Alam kong magiging maganda buhay mo kahit wala na ako. Maging masaya ka, maging masaya ka  kasama ng mga taong magpapasaya sayo.

Pogi mong tatay.
Tatay Reynaldo.

Dama ko ang bigat ng nararamdaman ni Vice ngayon. Kasabay ng pagbuhos ng luha nya ang pagbuhos ng luha ko. Niyakap ko sya ng mahigpit at hinagod ang kanyang likod.

"Babangon tayo at tayo mismo ang magbabaon sa sarili nilang hukay." saad ko

.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon