20

1K 37 76
                                    


VICE POV.

Agad kaming lumabas at naabutan namin ang isa nyang kapatid na masa tapat lang ng pinto ng kwarto ni Ion

"T-tawag po kayo kuya ni Nanay." saad nito. Halata naman na nagtaka sya kung bakit ako nasa kwarto ng kuya nya.

"Ah sige susunod kami." sagot ni Ion at umalis. Narinig ko na lang tumawa si Ion.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko dito.

"Di mo pala naayos yung sarili mo bago lumabas HAHAHA" saad nito dahilan para pumunta ako sa pinaka malapit na wholebody na salamin.

Medyo magulo yung buhok ko. Hindi naman masyadong nagulo yung make up ko pero napatingin na lang ako leeg kong may--

"Tangina ion nilagyan mo ko nang chikinini!" Saad ko dito na may panggigil dahil baka marinig kami ng mga kapatid nya.

"Im sorry, di yon expected haha." saad nya at nagawa pang ngumisi. Pano ko tatakpan?!

Inayos ko ang buhok para takpan ang punyetang kiss mark na to. Buti na lang kayang takpan ng buhok ko. Napaka pilyo kasi ni Ion.

Lumabas na kami, sakto namang pagdating nila Vhong at Anne at may dalang grocery.

"Huy sis? Ano ba yang buhok mo? Ang init init naka ganyan ka. Ako yung naiinitan sa style mo eh." saad ni Anne sakin at lumapit. Bigla nya na lang hinawi ang buhok ko at ipinusod.

"Hala ano yan sis?! Chikinini?!" sigaw nito agad ko naman tinakpan ang bibig nya. Nandito kasi Mama mya pati yung isa nyang kapatid sa salas. Buti na lang hindi kami naririnig sa labas kasi medyo maraming tao don.

"Kaloka ka Anning! Ang ingay mo!" mahinang saway ka dito.

Nakita ko naman ang itsura ng Nanay ni Ion na parang nagtataka at parang gustong silipin ang leeg ko.

"H-hindi, k-kagat to ng lamok kanina." Pagdadahilan ko. Jusko parang gusto ko na lang kainin ng lupa. Nakita ko namang pinipigil ni Ion ang tawa nya.

"Anong tinatawa tawa mo dyan? Durugin ko itlog mo dyan eh." Mahinang banta ko dito. Tumawa lang rin sya.

"Ay Nay, bumili na kami ng ulam mamayang tanghalian. Kayo na bahala ni Vice magluto."  saad ni  Vhong dahilan para muli akong mapalingon.

"H-huh? Bakit ako?" Inosenteng tanong ko.

"Mga ingredients kase yan ng paksiw. Eh diba nga yung paksiw mo lang yung kinakain ni kuys." paturo nya kay Ion.

"Nako siguradong magaling ka magluto kasi ayaw naman ni Ion ang Paksiw eh." saad ni Tita Zeny

"Ay hindi naman po maam, este nay este ate. Argh tita heheh." saad ko. Ang gulo ko talaga, kinakabahan ako.

"In-love lang yan." Bulong ni Anne dahilan para napalingon ako sakanya.

"Nako nak, Nanay na lang ang itawag mo sakin." saad ni Tita este Nanay Zenny

"Huh, bakit kala billy "tita" lang?" tanong ni Vhong.

"Magtigil ka dyan Ferdinand, baka gusto mong ipakita ko yung picture mo na tumae ka sa shorts mung kinder ka." pagbabanta ni Nanay Zenny. Humagalpak naman ang tawa namin ni Anne.

"HAHAHA ipapakita ko nga yon." saad naman ni Ion.

"Ikaw din Benigno! Ipapakita ko din yung naka-gown at make up ka nung bata ka." saad naman ni Nanay Zenny.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon