3

1.1K 41 40
                                    

ION POV

Kanina pa ako hindi makapag focus sa pag dridrive dahil sa pagtitigan namin ni Jose Marie. Yes i know na ayaw nyang tawagin syang Jose Marie pero hayaan mo na, nakakatawa kaya syang mapikon.

Napatingin kasi ako sa kanya kanina dahil narinig ko yung Captivated. Na goosebumps na lang kasi ako bigla ng hindi ko alam.

Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng bahay. Nandito parin yung kaba sakin kahit wala naman dapat ipakaba. Hindi ko naman sya gusto.

"Sir." Agad naman akong lumingon sa kanya

"Yes Jose Marie?." Saad ko at agad nya naman akong tinatarayan.

"Tss, kanina pa kasi may kanin sa muka mo kaya kita tinitigan kanina. Dugyot karin pala." saad nito. Natameme naman ako nang marealize ko na kanina pa ako may kanin sa muka dahil kumain ako sa resto para mag almusal bago sunduin sya. Tsk! Ang dami pa namang nag pa picture sakin don.

Pumasok na kami sa loob. Tinulungan ko na sya kasi tinalakan ba naman ako na hindi gentleman. Sabihin nya lang kung gusto nya ng gentle.

"This is your room. Here's the key." saad ko sabay abot ng susi ng kwarto nya. Katabi sya ng kwarto ko para madali ko syang tawagin o utusan.

"Ocakes." simpleng sagot nya sabay ngiti.

Oo cute sya okay kana? Di ko naman tinatanggi na nacucutean ako pero yun lang yon. Wala nang ibig sabihin yon. Tsaka look, straight ako okay? Hindi ako mafafall or wha--

"Sir!" nagulantang naman ako nang sumigaw sya

"Sabi ki sir mag bihis muna ako. Napawisan ho kasi ako. Ang init kasi sa kotse mo. Bakit ba kasi di ka marunong mag sara ng bintana? Lumabas tuloy yung aircon." mahabang reklamo nito.

"Pano naman lalabas ang aircon eh nakakabet yon sa kotse ko?" Saad ko, hindi pwedeng hindi lang ako ang mapapahiya ngayong araw.

"Che! Dali na ho, mag bibihis na ko." sabay taboy nya sakin. Hindi nya ba alam na ako ang boss nya. Tsaka bat ako pumapayag ma gantuhin nya ako?

"Fine. Bumaba ka mamaya, iinterviewhin pa kita Mr. Jose Marie." saad ko sabay ngisi. Hmm im Ion Perez darlin'

VICE POV

MR. JOSE MARIE?!?!

Nako dzai ang ganda ganda ganda ki ngayon! Ang ganda ng buhok ko, ng kuko, ng muka ko at ang buong pagkatao ko tapos mister? Mr.? Gago ba sya?!

Well yes! I am Jose Marie Borja Viceral darlin' hindi pwedeng ako lang ang pwedeng mangaasar satin dalawa kahit boss kita.

Agad kong binuksan ang twitter ko. At inistalk si Buern. Alam ko kasing fan sya ni Sir Ion kaya may makukuha akong pic.

"Sakto!" saad ko na may malawak na ngiti.

HA! HA! HA! Mr. Jose Marie pala ha?

ION POV.

Binabasa ko ang resumé ni Vice. Ang talino nya pala. Graduate sya ng education at nag take ng board exam bilang isang lawyer at lahat ng yon eh sponsored. Scholar pala sya. Pero bakit magiging P.A ko sya kung nakapagtapos sya ng pag aaral?

Nakarinig ako ng yabag ng paa. Kami lang naman dalawa dito dahil wala akong maids or guard. I can handle myself ni hindi ko nga kailangan ng PA pero si Mommy at si Karylle ang nay gusto.

"Nandito na po ako." saad nya tapos umupo sa harap ko. Nasa sala kasi kami.

"Graduate ka ng Education at Pasado ka sa Law bakit ka magiging PA?" tanong ko

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon