29

1K 67 36
                                    

A/n: sorry sa late na late na update. Nagkaroon kasi ng onting problema at nag-publish din ako ng isang parang story. Ipupublish ko din lahat ngayon week kaya natagalan ako dito. Babawi ako.

..

VICE POV.

"Ladies and gentlemen." panimula ko at dahan dahang tinanggal ang maskarang nakatakip sa muka ko.

"Miss me?" saad ko at nakita ko namang ang lahat ng reaksyon ng tao.

"Para naman kayong nakakita ng multo?" pang-aasar ko. Nakita ko naman na naistatwa si Ronald sa kinatatayuan nito.

"Oh. Naalala ko na. 3 days na pala akong patay. Tama ba?" saad ko at halos magsitahimik ang buong kwarto.

"Pwes kung um-oo kayo, nagkakamali kayong lahat!" madiin kong sambit.

"4 days ago, nang mabalita na ang real-life couple pati narin si Lorenz Buenavista ay natagpuang patay sa isang mansyon sa batanggas. Wala pang tiyak ma suspek ang pumatay dito dahil PILIT NA BINABAON SA HUKAY ANG PUNOT DULO NITO."

"Sinong pumatay kay Lorenz? Walang iba kundi ang tatay kong si REYNALDO VICERAL!" dagdag ko at nagbulungan ang lahat. Kilala si Tatay bilang isang sikat na singer noon.

"Na akala ng lahat ay patay na 15 years ago. Dahil pinatay ng hindi nakikilalang suspek." nakangisi kong saad.

"HAHAHAHAH hindi nyo talaga kilala?"

"Mga bobo."

"Walang iba kundi si Reynaldo Buenavista. Ang isang rapist, magnanakaw at mamatay tao." Nakangiti kong saad.

"How sad that this fucking criminal ay nagpapalaki lang ng tyan sa ibabaw ng mga taong pinatay nya."

"Buena suerte perdedor" saad ko

"Encontrémonos en la cárcel" dagdag ko.

Bigla na lang nawalan ng ilaw at bumukas ang led tv sa likod ko.

Nakita dito ang mga ebidensya kung saan nangrape ng benteng babae, nagnakaw ng bilyong dolyar, at pumatay ng halos 25 na tao kasama na dito ang tatay namin ni Ion.

"Sampa sampang kaso ang inihatol sayo Mr. Ronald." saad ko kay Ronald na kasalukuyang hawak ng tauhan ko.

"TANG INA MO VICERAL! TANGI INA NYONG LAHATTT!!!!" sigaw ni Ronald sa akin. Bigla nya na lang akong binato ng pulang pagkain at bumuhos ito sa muka ko. Naamoy ko naman na dinuguan ito kaya naman parang may dugo sa kalahati ng muka ko. Agad ko naman itong pinunasan pero hindi yon dapat para matanggal.

"Ngayon mo sabihin na mahina ang mga Viceral ngayong pinapatumba kita?" saad ko habang nakangisi.

(A/n: yung muka nya May dugo, para syang pumatay kung titingnan. Basta savage muka nya dyan, iimagine nyo na lang ksks)

"PAGBABAYARAN MO ANG PAGBANGGA SAKEN VICERAL! KAYONG NGA VICERAL AT PEREZ! HINDI AKO TITIGIL HANGGA'T DI KO KAYONG NAPAPATAY ISA ISA!" Muling sigaw nito ka akala mo na wawala sa katinuan.

"Ngayon hayaan mong patayin kita." saad ko at inilabas ko ang baril ko sa likod. Agad kong ikinasa ito at lumapit para itutok sa muka nito.

"Gusto ko rin maramdaman mo kung paano malunod sa sariling dugo gaya ng pagpatay mo sa tatay ko at pati narin sa ibang pinatay mo." saad ko habamg pinapadausdos ang baril sa tenga nito. Kasalukuyang hawak sya ng mga tao ko kaya hindi sya makagalaw.

"Gusto ko rin maramdaman mo kung paano mawalan ng dignidad gaya nang paggahasa mo sa benteng babaeng sinira mo." saad at muling pinadausdos sa leeg nito ang baril.

"Gusto kong maramdaman mo ang bagsik ng isang Viceral-Perez." saad ko at tinitigan sya sa mata. Itinutok ko ang baril sa mata nya at ilang sandali pa...

"HAHAHAHAHAHA!" nakakalokong tawa ko.

"Sa tingin mo ba dudumihan ko amg sarili ko gamit ang marumi mong pagkatao?" saad ko sa kanya. Habol ang hininga mya dahil sa pimaghalong kaba at takot.

"PWES OO!" saad ko at biglang.

BANG*/

Tunog ng isang baril at hindi sa akin yon. Dumating ang mga back na pulisya at agad na lumapit sa amin.

"Damputin nyo ang basurang yan." malamig na saad ko at pinosasan ito.

Natulala naman sya sa mga pangyayari. Nawala rin ang mga tao kanina dahil pinalabasng mga pulisya. Agad lumapit sakin si Ion at niyakap ako.

"Everything will be fine. Im here babe. Sandal ka lang." saad nito at sinandal ang ulo ko dahil sa pangyayari.

Kasalukuyan kaming nasa gitna at dumating ang mga media. Nagsimulang magsikutitap ang mga flash ngunit nananatili kami sa komportableng posisyon.

"Leaves will soon grow from the bareness of trees"

paos na boses ni Ion ngunit musika ito sa tenga ko

"And all will be alright in time"

Patuloy sya sa pagkanta at hindi alintana ang mga tao sa paligid.

"From waves overgrown come the calmest of seas."

"And all will be alright in time"

"Oh you never really love someone until, you learn to forgive."

At tuluyan kong ipinikit ang mata ko.


..

Check nyo yung bago kong story. Hoehoe.

vote for next chapter

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon