22

1K 38 42
                                    

if napapansin nyong may mga music akong nilalagay. Puro IV OF SPADES or local bands/artist ang nilalagay ko. Try nyo Isearch tapos pakinggan while reading.

VICE POV.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa muka. Ramdam ko ang sakit ng balakang at dalawang binti ko. Hindi naman harsh yung lagabe pero ansakit.

Nakita ko naman si Ion na mahimbing na natutulog.

"Napaka inosente mo tignan pero saksakan ka ng kamanyakan." pagkausap ko dito.

Pumunta naman akong banyo para gawin ang ritwal. Pasado alas siyete narin baka gising na sila Anne.

"Oh hi Vice, goodmorning." bungad sakin ni Lorenz nang lumabas ako sa kwarto. Bigla na lang akong nakaramdam ng takot nang makita ko sya.

"H-hi, goodmorning din?" saad ko. Tila nagtaka naman sya sa inakto ko pero pinagsantabi nya na lang ito.

Nauna syang bumaba at sumunod ako. Si Anne at Vhong nasa lamesa na at tila kakagising lang din. Si Nanay naman ay nasa kusina.

"Oh? San si Kuys?" tanong ni Vhong.

"Tulog, pagod." sagot ko.

"PAGOD?!" sigaw nila sakin. Ano ba kasing pinagsasabi ko.

"Bakit? Ano bang ginawa non bakit napagod?" Inosenteng tanong ni Nanay Zenny.

Bakit nga ba sya napagod, eh halos ako ang gumalaw?.

"Ha kase ano. Ahh--" Saad ko nang putulin ako ni Ion.

"Samin na lang magasawa yon." napalingon naman kami sa gawi nya na halatang kakagising lang.

"Omg sis?! Di kana virgin?!" talak ni Anne at pinasukan ko naman ng pandesal ang bunganga nya.

"Ang dami mong ebas na dimunyo ka! Wala yon! Keme keme lang nya yan. Papansin." saway ko sa kanila.

"Aysseesss!!" asar pa ni Vhong at binatukan ko ito.

"Isa pang asar tuluyan kang mawawalan ng ilong." saad ko. Sakto namang bumalik ulit si Nanay Zenny at may dalang mga kape.

"Tama na yan. Wag nyo na asarin yang si Vice. Kunwari wala tayong narinig na ano kagabe." singit ni Nanay Zenny. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya.

"Naks naman si Nanay oh!" Muling asar ni Vhong.

"Wala nga kase yon!" pagtatanggi ko. Ikaw ba naman hindi mahiya, nasa harap ka pa ng biyenan mo.

"Binibiro ko lang kayo haha. O sya kain na kayo." saad ni Nanay Zenny.

"Pero totoo, may narinig ako." Bulong nito bago umalis at iniwan akong tulala sa sinabi nya.

..

"Bye Tarlac, wohoo!" kaway ko bago umalis. Kailangan na daw kasi namin bumalik para maghanda dahil malapit na ang show.

"Uy uuwi na pala kayo." biglang sulpot ni Lorenz sa tabi namin.

"Diba obvious?" malamig ma tugon ni Ion.

"Tol, kinakausap kita ng maayos." matapang na tingin ni Lorenz kay Ion.

"Who cares? Wala namang may gustong kumausap sayo." saad ni Ion. Akmang susuntukin ni Lorenz nang mapigilan ito ni Ion gamit ang kamay nya. Agad namang umawat si Vhong. Buti na lang ay walang masyadong taong nakapaligid samin.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon