2

1.2K 48 20
                                    


VICE POV

"ANG OA MO NAMAN SIS!" saad ni Anne sakin. Naiinis padin ako kasi tinawag nya ko sa real name ko kahit hindi naman kami close.

"Duhh! Di naman kami close no! Bat nya ko tatawagin ganon? Ang ganda ganda ko tapos arh! Nakakalalaki yung jose marie no!" depensa ko, alam kong oa pero ayoko talaga as in A.YO.KO!

"Sus, baka disappointed ka lang kasi lalaki turing nya sayo HAHAHAHA " gatong ni Jhong.

"Che!" Sabay taray ko.

"Ayssesss ang betla! Ayaw daw pero full name ang binigay." Gatong naman ni Vhong. Mga damuho, kaibigan ko pa ba to?

"Chaka wala kang choice, need mo ng job diba?" sabat ni Karylle na kadadating lang at inaayos ang hapag.  Hapunan na kasi kaya lahat kami nandito sa bahay. Nandito sila Colleen at Billy.

Nakahain na ang lahat at as usual ako ang nagluto. Pwede na talaga ako mag asawa.

Ion Perez

Teka bakit ba sya unang pumasok sa isip ko. Tss no. Never. Tumanda na lang akong dalaga kesa mapangasawa ang isang mokong yon. Ewan ko ba kung bakit ako inis na inis don.

"Hoy Viceral! Kanina ka panamin kinakausap ano ba nasa isip mo?" Paggising sakin ni Vhong sa katotohanan haha

"Syempre si Ion." asar ni Anne.

"Hinde! Iniisip ako kung sino makakakuha ng part na may lason sa Menudong niluto ko!" Pag bibiro ko at nagtawanan naman sila.

"Terka ano bayon?" saad ko habang punong puno ng kanin ang bibig ko.

"Sabi ni Ion susunduin ka daw nya bukas kasi sa kanya ka daw titira dahil ikaw daw ang personal assistant." saad ni Karylle sabay ngiti na akala naman may maganda sa sinasabi nya.

"TEKA ANO?!" halos naluwa ko yung mga kinakain ko.

"Ni hindi ko nga ma-imagine na magtatagal ako sa trabaho na yan kasama sya!" saad ko pero tinawanan naman nila ako ng pagkalakas lakas. Nakaasar

"Hindi naman kasi ako maiinis ng ganto kung hindi nyo ko inaasar sa mokong na yon." Saad ko

"Tsaka to be honest natatakot ako kasi hindi ko naman sya kilala. Natatakot pa din ako." Dagdag ko at natahimik naman sila.

"Mabait naman si kuya tsaka nandito naman kami." saad ni Vhong. Alam kong seryoso sya.

"Tsaka tawagin mo kami kung kaylangan mo kami." sabi naman ni Billy

"And sis, pwede ka naman mag backout kung ayaw mo na." - Anne

"Tapos tutulungan ka namin ulit maghanap ng trabaho." - Karylle

"Tsaka alam naming matapang ka at kaya mo." - Jhong

"Nandito naman kami para sayo." saad ni Colleen dahilan kung bakit bumagsak ng tuluyan ang luha ko. Hindi ko talaga ma-imagine kung wala sila.

"T-Thank you." saad ko. Ngumiti naman sila. Yeah, you're right. Napakaswerte ko sa mga kaibigan ko. Sila ang strength ko ngayong panahong yung dating strength ko ay weakness ko. Oo, strength ko sila mula pa noon pero ngayon? Iba ang hatid nila saken ngayon. Sila yung pinanghuhugutan ko ng lakas ngayong wala yung mga magulang ko.

"O sya kain na! Para malaman natin kung sino na kakuha ng part na nilagyan ni Vice ng lason HAHAHH." saad ni Jhong at nagtawanan ang lahat.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon