14

1.2K 42 32
                                    

if napansin nyong may grammatical error or maling information sabihin nyo agad ksks tao lang, maganda char.

ION POV.

Agad naming sinugod sa ospital si Vice. Bigla na lang kasi sya nahimatay pagkatapos ng tagpong iyon.

"A-ayos lang po ba si ate?" mangiyak-ngiyak na saad ng kapatid nya.

"Sino pong kamag anak ng pasyente?" saad ng doktor bago pa ako sumagot kay Jackie.

"Ako po" Sabay naming saad ni Jackie kaya kami nagkatinginan.

"Sya po, kapatid nya po si Vice." saad ko at napatango naman ang doktor.

Lumipas ang ilang minuto wala paring update sa kalagayan ni Vice. Nandito kami sa upuan kung saan kami pinaupo ng mga nurse.

"Boyfriend po kayo ni ate Vice?" Tanong ni Jackie sakin.

"Ha? Ako? Boyfriend? Ahm ano. Ahh." naguguluhan kong sagot. Nakakahiya naman kung sabihin kong oo eh wala naman kami dahil nililigawan ko sya tapos pag sinabi kong hindi para katunog ng nirereject ko sya. ay ewan!

"Baliw kaba?" tanong nito at muka namang seryoso sya sa tanong nya. What?

"Ahm ano, hindi alam." saad ko na lang kasi mamaya kami ka pala di ko alam aye. Jk

"Baliw nga." bulong nito. Talaga namang nagmana sya kay Vice.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor kasabay ng pagdating nila Vhong at Anne pati narin ang iba naming kasama.

"Kayo ba yung mga kasama ni Jose Marie Viceral?" tanong ng doctor at tumango naman kami.

"Stable naman ang kalagayan nya. Ayon sa mga statement na sinabi nyo baka nagulat lang sya sa pangyayari. Nakita lang namin na mababa ang dugo nya na kaya namang agapan if inumin nya yung mga nireseta kong antibiotics and vitamins. Yun lang naman, for now natutulog pa sya at pwede nyo na syang puntahan sa kwarto." mahabang paliwanag ng Doctor.

"About bills, dun na lang sa counter pati narin yung mga nireseta kong gamot ay available din. If kaylangan nyo ng nurse magtawag kayo maluwag naman ang ospital ngayon." dagdag nito. Tumango naman kaming lahat at pumasok sa kwarto ni Vice.

"Ano bang nangyari? At bakit nandito si Jackie?" alalang tanong ni Anne habang kayakap si Jackie.

"Lumabas lang kami ni Vice tapos nakita namin yung mga magulang nya kasama si Jackie. Tapos nagkaron sila ng kasagutan. Pinapili ni Vice kung saan sasama yung Nanay nya pero sumama parin yung Nanay nya sa Stepfather nya. Si Jackie naman gustong sumama kay Vice tapos bigla na lang syang nawalan ng malay." pagkwekwento ko.

"Bakit ba kasi kayo lumabas ni Vice?" tanong ni Karylle. Sabi nya kasi if lalabas kami kaylangan alam nya dahil sya ang manager namin.

"Uhmmm." Tanging sagot ko. Di ko kasi alam kung aamin na ba kami sa kanila na nililigawan ko sya. Si Vice na lang bahala para alam ko kung among desisyon nya.

"Kanina pa yan eh. May problema ba yan sa pagiisip?" tanong ni Jackie at nagtawanan naman silang lahat.

"Oo, medyo, kalahati." Asar ni Vhong

"Oo baliw yan, baliw na baliw kay Vice. Yieeeee!!!" kantyaw ni Jhong at nakisali naman ang lahat maliban lang kay Jackie. Ewan ko kung bakit ang sama ng tingin nito sa akin.

"TANGINA NYO KITA NYONG NATUTULOG YUNG TAO NAG-IINGAY KAYO JAN!" Natigilan naman kaming lahat nang marinig ang boses ni Vice.

"Vice gising kana?" Alalang tanong ni Karylle.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon